Photobucket

Peryodista

maaaring sa kanya ko nakita ang iyong halaga. ipinaubaya na niya sa iyo ang paggabay sa walang hanggang landas ng tinatawag nilang buhay. sa kanyang sisidlan, pamatid-uhaw sa nangangalawang na laman, ay iniukit niya ang munting bulong sa iyo. matatamis ang kanyang mga salita. may tanaw na pag-asa. sinasamba ka niya.

madilim dito. masikip. naggigitgitan ang ingay ng mga salita, panitik, samu't-saring kaalaman - hungkag!

nabubuhay ako sa loob ng aking kamalayan. dumadami. dumudumi. nalason na rin. at sa tuwing ika'y nililikha, utak ko ang nalalaspag. pilit na pinipiga. dinudurog. kinakalansing ang natitira kong katauhan. napakasarap ng pagpatay mo sa akin... sa tuwing malalagot ang aking hininga ay kasabay ang pagluwal sa isang obrang nilikha ng buo kong katawan, kaluluwa. nawawala ang aking puso. tinunaw mo na. inaagaw mo ang aking lakas. inuubos. nililito mo ang aking ulirat at niyayaya ako sa labas ng mundong akin, atin at sa kanila. dinadala mo ako sa likod ng aking mga pangarap at sinusugatan ang aking mga kamay sa bawat titik na tatatak sa puso ng akin sanang mga mambabasa. ngunit walang nais bumasa sa akin... paano kita magiging bukas?

sa kabila nito'y patuloy ang himig ng aking mga tula at lahat silang aking mga sinusulat. lahat sila'y binigyan ko ng buhay. idinugtong ko sa akin at ngayo'y iisa kami. walang humpay ang pagtibok... hindi sila nakakakilala ng tuldok...

sa iyo, sana'y matutunan ko ring ipaubaya ang bukas. kakapit ako sa iyong mga titik. mahigpit. makikinig ako sa bawat bulong ng iyong mga munting matatalim na salita. sa paglaslas nila sa akin, habang natitiis ko pa ang kirot at hapdi ay iipunin ko ang tinta ng aking katawan at dito sisimulan ang paghabi ng pangarap na sa iyo ay aking hahanapin, haharapin...

The Sons of War

children walking barefoot
soles feasting on shrapnels and fragments

city painted with blood

a dirty race, all heading to
boundaries separating silence from war

hands reach our for a beloved
not strong enough even for one's self

everybody is running
tired of killing each other
on a murderous trip to the summit

a thin thread of hope
no room for a single soul

dreams crashing to the ground
as each falls lifeless

way too far from salvation
too distant from God's embrace

The View of You

There you were sitting at the corner of the coffee shop. I didn’t think twice that it was you. Your hair, your stance, the way you sip your coffee. They were signs that I wasn’t hallucinating. You were there waiting for me. After nearly 5 years of not seeing skin to skin, there you were. And I am just nearby.

I went straight ahead and sat at the chair in front of you. You weren’t surprised. You said you knew already that I'm the person coming closer to you, nearer to you. And after I sat all I did was look at you.

I looked at you. That’s all I did. You didn’t complain, you didn’t mock me. You let me stare at you. You let me quench my thirst of examining every inch of you. It was 5 years, but you feel the same. But I know my nostalgia will end soon.

You looked at me, but not like how I looked at you. After that one look you didn’t look at me again. The exchange of reminiscing was over already. I was left unacknowledge. There we were - two bodies in one table. But I felt like I was sitting with loneliness.

After an hour or so, we decided to leave. We walked some steps outside and that was our meeting. A meeting of two souls who both hunger for their dreams. The sad part is these dreams separated our blooming connection.


And so you left. And I knew that it was the end. An end of the dream I wanted to make reality. The dream of having you, of consuming you. Your actions, your words, they all mean the same.




You have forgotten me even before I became a part of you.

Ang Tunay na Kaibigan

Siya si Mang Ben, kilala sa lugar namin dahil siya lang naman ang nag-iisang pagala-gala habang may hawak na asong nakatali. Bata pa ako noon nang una ko siyang makita, siguro taong 1989 o 1990 'yun. May katangkaran siya, puti na ang buhok at payat. Siguro nasa mahigit 50 anyos na siya ngayon. Mukha namang mabait si Mang Ben 'yun nga lang isip-bata o kung tawagin naman ng mga 'di nakakaintindi ay 'sira-ulo.' Wala akong nabalitaan na may sinaktan siya. Minsan nga siya pa ang sinaktan ng mga taong walang magawa sa buhay. Biruin n'yo ba naman ay binugbog siya ng mga ito gayung hindi naman siya nakapanlalaban dahil isip-bata nga. 'Di ba dapat sila ang tawaging 'tunay na sira-ulo'at 'di ang gaya ni Mang Ben na inosente sa mundo?

Iniisip ko nga ilang aso na kaya ang kanyang nakasama niya sa pamamasyal sa buong maghapon? Mahirap nang bilangin dahil sa dami. Merong asong kulay itim, brown, batik-batik at kung anu-ano pa ng klase ng aso. Pero isa lang ang sigurado ko lahat sila ay nagtagal sa piling ni Mang Ben. Ang iba naman naaawa sa asong kasa-kasama niya sa paglilibut-libot kung saan. Kasi ba naman ang init-init ng panahon pero pagala-gala ang magkaibigan. Siyempre, aso kaya 'di nito magawang maagreklamo. Mas maganda nga ang ganito dahil sinasamahan nila si Mang Ben. Eh, sila nga hindi nila pinapansin ang tulad niya. Dahil kung ayaw naman siguro ng aso na samahan siya ay kakagatin niya ito para makawala. Saka paminsan-minsan ay huminto rin si Mang Ben at ang kaibigan niya para makapagpahinga. Minsan nga ay natiyempuhan ko na pinapakain ni mang Ben ang aso ng baon niayng ttinapay.

Ano kaya ang nasa isip ni Mang Ben sa kanyang kaibigan? Bakit kaya mas gusto niyang makihalubilo sa mga aso kaysa sa tao? Siguro dahil ang aso ay hindi marunong manghusga.' Di tulad ng tao na sa unang tingin pa lang sa 'yo ay mayroon ng panghuhusga na nasa kanyang isipan. Mabuti pa ang aso bigyan mo lang ng buto ay makukuntento na. 'Di tulad ng tao na ibigay mo na ang lahat bandang huli ikaw pa ang sasakmalin. Ang aso aawayin ka lang kapag sinaktan mo. maliban na lang kung nauulol ito. Eh, ang tao kahit wala kang ginagawang maasama aawayin ka pa rin.

Para tuloy gusto kong makipag-kaibigan na lang sa aso. Pero 'di na siguro kailangan. Basta ang sa akin lang si Mang Ben ay hindi lang basta isang palaboy na may hila-hilang aso. bagkus ay naglalarawan ito sa samahan ng dalawang tunay na magkaibigan. Wala na sigurong tatamis pa sa samahan ng magkaibigan na magkasama saanmang lakaran, karamay sa anumang yugto ng buhay. Wala akong magagawa kung sa aso niya ito natagpuan. Sana lang matagpuan din natin sa mga itinuturing nating kaibigan ang magandang kalidad ng kaibigan ni Mang Ben. Sana nga...

Acclamations aux lesbiennes

It is like something out of the pages from my favorite book. The imaginary characters in flesh trying to out drink one another in a beer drinking match along leon guinto. Jane, the waitress is a common fixture in that place. Busy taking orders, pretending to like every soul from the nearby school of the gods.
The face which never smiles except when we try to bully her that she does not look good even with all her make ups on. The chef responsible for the good food. We love his sinigang na baboy and blazing chicken wings. We never get the chance to say hi to him because either he is busy or we are too drunk to do so .Dagny is planning to give him a thank you note one of these days. Let us not forget about the DJ who loves to play that house ear piercing music every now and then .We long for it but our eardrums hate it like hell. Categorically speaking this place is not just for queer girls but we declared it as such. Lesbos flying every where, drunk pinks trying to get to the restroom Blues enjoying the sight of beautiful girls trying to let it out because either they are lesbos in the closet or simply comfortable with the crowd. I am here not because I am one of them or not one of them. I am here because this is the place I used to hate and came to love. This is where I enjoy drinking my favorite beer. Believe me, coors here do not taste like the coors offered in QC. Which leads me to thinking that taste is relative hehehe. I am not a party person. I prefer staying home over attending organized parties with people I do not know. Meeting strangers do not excite me. I may look like a party hungry animal but I am not and proud to remain as such. So imagined when my friends heard me saying guys I am drinking and I will drink if and only if we will do it there. Funny how they asked me what is the matter with you? .I always have a ready answer for that. I fell in love with the masks .I fell in love with the falls .I fell in love with the place.
This where I observed people and where I practice my ability to take notes mentally. By looking at them I know from where they are. Who belong to what groups and why is that so. The dykes,butches and femmes. It fascinates me to finally be in a place where there are people like me who, compared to the hard core lesbos is so lame. Yeah you heard it right, we are uncomfortable attending exclusives. We feel alienated and so outside the box. We, who love what we are but do not want to offend the sensibilities of those who think being queer is an abomination. No doubts about it, asked us about our sexual preference and we will tell you without blinking our eyes that we are queer . There is nothing to be ashamed of. But we have manners and tact to respect the norms.
This is the place where we can express our sentiments. This is the place where people do not judge us. Where the crowd is wearing familiar smiles you will never know anywhere else. This is not intentionally made for us but eventually we declared it ours. I recommend this to homophobes who would like to get over their fear of us. We exist, like it or not. If you think we are kadiri , likewise. You can hate us all you like but am going to burst your bubbles by telling you we do not care about what you think. CIAO!!

Untitled

Naghahanda ang lahat
sa huling
yugto
ng
iyong buhay
iyakan, hagulgulan
makikita kung
sino
ang napipilitan
at sino ang nagpapakatotoo
maya-maya'y
biglang nagtatawanan
plastikan,
marahil ang iba
'di na
rumespeto
tila walang
namatayan.

Langgam sa Bilao

Nagtatahip ang ina ng inimis na bigas.
Maraming nalalaglag mula sa kiskisan.

Pasuray-suray.
Biling-baligtad ang mga langgam.
Nag-uunahang makalabas sa bilao.
Bagaman gutom din,
Iniiwasan ang bagsak ng luha
Mula sa inang balisa.

Tahip ng dibdib.
Kasaliw ng tahip sa bigas na imis.

Saan siya hahanap ng bigas na pantawid?
Bawal ng mamulot sa kiskisan.
Bawal ng makiusap na dugtungan ang buhay.

Nagpupulasan.
Di man nila sinasadya,
Ang paglabas sa bilao ay pakikisimpatya,
Sa mga tahip ng pagkabalisa.