Natuyo na ang tinta
ng nagdadalamhating pluma.
Pahagulgol kung umihip,
at tila nakikiluha ang hangin
sa umaalmang papel.
Malamlam…
aandap-andap ang munting
ilawan...
Naghihinanakit marahil
sa huling saknong
na di man lang naisulat…
Huling saknong sana ng
isang tula…
nang dalamhati
at protestang
mandi’y nais ibulalas
ng nakalugmok na makata…
Isang bala ang kumitil
sa laya ng tula.
Huling Saknong
Poesiya
Anak ng tokwa!
Uso pa ba ang makata?
Sa panahong ito na maraming bagay ang higit na mahalaga
Kung saan ang bagong henerasyon may usong dinadala,
Kung saan maraming umaagaw ng eksena
Mga taong ang gusto ay laging bida,
Kung saan maraming barakong nagpapantasya
Sa babaeng bida ng isang bastos na pelikula
Umiindayog din sa nakabubulabog na tugtog ng banda
Habang garalgal na kumakanta ang bokalista,
Kung saan maraming nasusuri ang mga matat
Marami namang nauulinigan ang mga tainga
Kung saan tinutulilig tayo sa palahaw ng mga bata
Binubulahaw sa gabi ng mga taong walang magawa,
Kung saan ilan sa kapwa natin ay lumuluha
Kung minsan tinutugis tayo ng mga pangamba
Ikinukulong sa hawla ng kawalang-pag-asa
May pag-uyam na ibinabalik ang isang malabong gunita
Minsan ay nililibang ang sarili sa huwad na ligaya
Kung saan binabagabag tayo ng masasamang balita,
Kung saan naghahari-harian ang mga dambuhala
Huwag tayo sa kanilang magku-krus at mag-aantanda
Kung saan araw-araw may itinitirik na kandila
Maraming kabaong ang sa hukay ay ibinababa.
May panahon pa bang magbasat sumulat ng tula?
Sa kabila ng pagkakapagal ng ating mga diwa
Makapagmumuni ka ba sa iyong pag-iisa
O matutulog na lang dahil di rin masaya?
Gayung wala tayong pakialam sa isat isa
Habang nag-uunahan sa paglakad sa kalsada
Di makahintong saglit upang bumili sa bangketa
O lingunin ang nasa likod at baka may mandurukot pala
Di magawang sulyapan ang baliw na gumagala
Bagkus nandidiri, marahil sa sarili ay nagtatawa
Habang ipinagmamapuring nakataas-noo sa suot na kurbata
Ayaw ding makinig sa nangangaral sa kalsada
Mabigat ba ang pagkakasala o mabigat sa bulsa?
Ni hindi rin malimusan ang pulubi ng barya
Nagdududang ginagamit ng sindikato ang dukha
Marami pang mga gaya nilang kaawa-awa
Habang ang ilan sa pera ay nagpapasasa
Ngunit tila patay-malisyat tila walang nakikita
O, anong saklap ng buhay sa lupa
Walang ibang maiulam kundi luksang tinapa!
Abalang-abala rin tayo sa pagsasalita
May kanya-kanyang iniisip at pagpapasya
Tayo bay may intelektuwal at superyorang perspektiba?
Kung kayat tingnan ang mga sarili ay napakadakila
Kayat nagtatagisan tayo sa ating paniniwala
Magkakatunggaling parati na lang nagdidigma
Kung kayat kahit kailan di na tayo mapayapa
Nagnanais sumaklaw sa pag-iisip ng bawat isa
Maling-mali tayo sa ating mga sapantaha
Lubhang naghahambog ang mga palalong diwa
Wala namang absultong konsepto ng tama
Sa mundong ibat iba ang wika, lahi at kultura.
Ngayon, uso pa ba ang makata?
Huhugot muna ako ng isang malalim na bunting-hininga
Kakapain sa aking dibdib sabay ibubuga
Ako rin ang sasagot sa tanong ko kanina
Kung ang tula ay uso pa ba?
Oo, di naluluma ang makata
Uso na ito kahit noon pa mang una
Pagkat ito ay sining ng kaluluwa
Poesiya ng diwang sa kawalan namamangka
Paghahanap ng katugunan sa salat ng paglaya
Marahil naghihintay ng patak ng ulan bilang biyaya
Upang tumubo ang halaman at di matigang ang lupa
Ngunit ano man ang ating pagiging abala
May mag-iiwan sa ginagawat hahawak ng pluma
Upang sundin ang pintig ng kanyang pandama
Sa kinalalagyang panahon ay hahabi ng mga tula
Upang maging isang bungkos ng mga alaala
Pagkat tanging panahon lang naman ang nag-iiba
Kailanman di ang pusot isipan ng isang makata
Walang Plato na makapagbabawal tumula
Walang kritikong makakapumilit sumira
Kayat kung ang bawat bagay ay isang tula
Bibigkasin ko ito at tutula ng buong laya!
Bernard Palanca
Pangarap mong maging 'sang sikat na makata
Makatang may putong ng lawrel sa tainga
Kaya't ganun na lang pananalig sa pluma
Walang sawang nakikipagkumpetensiya.
Ibig maging hari ng mga patimpalak
Diyata't sobrang tayog ng lipad ng utak
Ayos lang kahit pabuya'y pingas na pilak
Magkamit lang ng papuri't mga palakpak.
Marahil para sa 'yo lang ang sukatan
Upang masabing may taglay na kagalingan
Bawat sandali ay nakikipagtagisan
Natutuwa kapag merong nauungusan.
Oo na, sa iyo ay wala na ngang gagaling!
Mahihirap na paksa iyong nalilining
Ikaw'y isang dakilang alagad ng sining
kaming kapwa mo makata'y nasa ilalim.
Bilib kaming lahat sa galing mong bumerso
At nasapul panlasa ng mga hurado
Minsan naman para kang pulpol na kritiko
Ang ginagawa'y tira doon, tira rito!
Iyong-iyo na sinasabi mong parangal
Ang tulad namin ituring na mga hangal
Nilalaman ng tula'y lubhang mabababaw
Kumpara sa iyo na ayaw magpasapaw!
Rico Blanco
Nablangko ang isipan
Sa saglit na kahungkagan
Nagkakalkal sa dumi ng panahon
Agiw sa mata ang naglalambong.
Humahabi ng mga kataga
Ngunit bakit ngayon walang makapa?
Natutulog ba ang iyong diwa
Mula sa pagkawalang-bahala?
'Di maulinig huni ng kuliglig
Pagka't huminto ang daigdig
Ngayon ay saan mo balak bumaling
Ba't tila naglaho ang pagkahumaling?
Nakatungo pa ang iyong ulo
Waring ayaw titigan ang sariling anino
Nanggigipuspos,walang masabi kahit ano
Maging pagkatao ay tila ikanandado.
Ngunit 'di kailangan pa ng inspirasyon
O ng samu't saring ritwal at bendisyon
'Di na kailangan pang magnaknak ang diwa
O duguin sa pag-iisip ng mga kataga.
Buksan mo lang ang puso't isipan
Paliparin sa dawag ng kamalayan
Naghihintay ang samu't saring larawan
Mga imaheng hinugot mula sa kawalan...
Oyayi ni Itay
Anak, patawad kung tsyo man ay mahirap
Kaya't sana ay huwag maging mapaghanap
Pagkat puso ng ama mo'y nagkakasugat
Kapag ikaw'y nagmamaktol o umiiyak.
Kayo ng iyong ina ang tangi kong yaman
Di matutumbasan ng kahit ano pa man
Kung ito'y di sapat aking ipagdaramdam
Marahil ay dapat nga akong masumbatan.
Ito lang talaga ang aking makakaya
Kung ano'ng meron tayo ay pinagkakasya
Maging masinop ka sana't h'wag mag-aksaya
Magpasalamat sa Diyos sa munting grasya.
Di lahat ng naisin mapapasa-atin
Ang meron sa iba h'wag pakaasamin
Upang ang puso mo'y di maging mainggitin
Wala man tayo sana'y h'wag pakadibdibin.
'Sensya na, pangaral lang kaya kong ibigay
Ganito lang ang ama mo, may pagka-sentimental
Sa hirap ng buhay dapat ka ng masanay
Sa pagkatao mo ito ang magpapamday.
Bakit di na lang matulog mahal kong bunso
Baka paggising mo iyo ring mapagtanto
Na ang buhay sa mundo ay di gawang biro
Kaya ba't hahayaang puso mo'y magdugo?
Sino Ang Tunay na Pilipino?
Pilipino nga ba 'pag kayumanggi ang kulay?
Ngunit may tina naman buhok na tinataglay
Ang Pilipino nga ba ay napakahusay?
Mga gawi ng dayuhan ginagayang tunay.
'Di yata't Pilipino ka lang na naturingan
'Pagkat Pilipinas ang bansa mong sinilangan
Ngunit wala kang sariling pagkakakilanlan
Maging ngalan ng bayan gagad pa sa dayuhan!
Pilipino ka nga bang hilig ay makiuso?
Mga galing sa kanluran iyong paborito
Hayan nga, nguso at dila mo ay kinakalyo
Sa kapupuri mo sa iyong mga idolo.
Tanong ko langm, sino ang tunay na Pilipino?
Ikaw bang nag-i-englis, daig pang "Merikano?
Nunit sa sariling wika ay mistulang bobo
Ang 'di marunong sa Ingles iyong iniinsulto!
Hoy! Pilipino ka nga ba o isang banyaga?
Ba't pinanggalingan mo iyong ikinahihiya
Dahil ba marami sa atin ang salaula?
Walang disiplibna't mas mahirap pa sa daga!
Para sa 'yo mga dayuhan ang mas magaling
Sa bansa nila tayo lang ay alilang-kanin
Maging sa sariling bayan ay alipin pa rin
Impluwenssya ng dayuhan kumukontrol sa 'tin.
Ito ba ang mga nais mong ipagyabang
Ang tumalikod sa totoo mong katauhan
Tunay na Pilipino mahirap ng malaman
Sariling atin matagal nang natatabunan!!!
Nung sacali man....
Nung sacali man…
e pa sapat ing sala ning bulan
ban atanglauan mu ing lungcut
caring matang mipnung lua…
mamalisbis caring pisngi
qng alang patugut cung pamanangis…
Nung e pa sapat ing idalit
cu ing sablang pait at pamagsisi
qng pangauale mu cacu…
Paburen mung ing tiup
ning angin a maglambing
caring balang bulung
da ring bulaclac
qng gilid ning pampang
a mitatayid tang delanan…
y yang magsalita
nung macananu cung manamdaman…
nung macananung mapupugtu
ing cacung inaua…
qng balang aldo milalabas
a agaganaca da ca…
nung sacali man
at aganaca mung mamatiauan
caring pilapil a mipnung tula
at micacaul tang liclucan…
ganacan mu sana cacung sinta…
mipnung lugud…
panayan da ca…
******************************
(tagalog version)
Kung sakali man…
at di pa sapat ang liwanag ng buwan
upang matanglawan ang lungkot
sa mga mata kong tigib ng luha,
mga luhang sa pisngi ko’y dumadaloy
dahil sa walang tigil kong pagtangis….
Kung sakali’t di pa sapat
ang itaghoy ko ang lahat ng pait at pagsisisi
dahil sa iyong pagkawalay sa akin…
Hayaan mo sanang ang ihip
ng hangin na naglalambing
sa dahon ng bawa’t bulaklak,
sa gilid ng pampang
na noo’y magkahawak-kamay
nating dinaanan…
ang syang mangusap
kung gaano ako nasasaktan.
Kung paanong unti-unting
napupugto ang aking hininga
sa bawa’t araw na lumilipas
na naaalala kita…
Kung sakali man
at maalala mong lumingon…
tumanaw sa mga pilapil
na noo’y buong-saya at magkayakap
nating inupuan…
alalahanin mo sana, aking sinta
Buong-pagmamahal…
Hinihintay kita…
Isama Mo Kami, Marianette
(tulang pakiusap kay Marianette Amper (SLN) –
ang 12-taong gulang na batang nagpatiwakal
dahil sa labis na kahirapan)
**************************
isama mo kami, Marianette
sa lalakbayin
mong panatag na daan.
duon sa natanaw mong pag-asa
sa kabilang buhay…
Sa dako pa roon…
kung saan marahil,
may liwanag…
may pag-asa…
may kapahingaan
para sa aming mga dukhang
tulad mo ring sa lupa’y
walang pagkahingalay…
tulad mo…
pagod na rin kami.
pagod nang unawain
at hanapan ng dahilan…
kung bakit paulit-ulit lang
at di matapos-tapos ang kahirapan…
ang paghahari’t pagsasamantala ng iilan
kaya’t sa iyong pagtakas
sa lupit ng mundong nakagisnan,
sa iyong pagtakas…
sa lipunang tigib
ng dusa’t dahas ng kahirapan,
isabay mo kami sa iyong pamamaalam.
Isama mo kami
sa iyong pupuntahan…
Gutom na Makata
Ba't kailangan pang magsulat ng tula?
Gayung hindi mailaman sa sikmura
Tangi lang nabubusog ay ang diwa
Samantalang ikaw'y pinagiging dukha
Ang tula nga ba ay para lang sa wala?
Tula'y 'di man lang magamit bilang armas'
'Pag paligid ay kubkob ng pandarahas
Mga kataga lang kayang ipangahas
Habang nililingkis ka ng mga ahas.
Akda'y 'di mailimbag sa peryodiko
Kung malimbag man kapalit lang ay 'tenk yu'
Sa dami ng tula 'di mo maipalibro
'Pagkat ayun sa kanila'y 'di na uso
Makata'y biktima ng komersyalismo
Kaya't wika'y itaga na lang sa bato?
Tunutula ba para sa sarili
O kinatawan lang ng nakararami?
Ngunit bakit nga ba 'di na raw mabili?
Tila produktong inaamag sa tabi.
Ngunit walang kuwenta ang pagsasalat
'Pagkat lahat ay sa ngalan ng panulat
Laman ng dibdib ibig lang isiwalat
Sa mundo ay makapag-iwan ng bakat!
Tula kay Mariannet Amper (12 anyos na nagpatiwakal dahil sa matinding kahirapan)
Natabunan na ng makapal na ulap ang 'yong pag-asa
'Pagkat 'di mo na makaya pa matinding pagdurusa
Ang naghihintay na kinabukasan ay 'di na mabasa
Musmos ka pa lang ngunit inalipin na ng problema.
'Di ba dapat ang buhay para sa iyo'y puno ng kulay?
'Pagkat Nene ka pa lang na wala pang kamalay-malay
Ngunit sadya yatang kahirapan ay isang halimaw
Kaligayan sa puso mo ay tuluyan na nitong inagaw.
Marahil pakiramdam mo isa kang batang lagalag
Walang patutunguhan at hindi mapana-panatag
Kung kaya't sa mundo'y nagpasya ng tumiwalag
Baka sa kabilang buhay nandun hanap na liwanag!
Ninais mo lang namang magtamo ng edukasyon
Ngunit 'di makapasok dahil laging walang baon
Kahirapan ay mistulang sumpa na 'yong susun-suson
Sa araw-araw, kayo ng pamilya mo'y nagtitiis ng gutom.
Mga karaingan sa buhay ay 'di mo maihibik
Kaya't sa kapirasong papel na lang itinitik
Makaahon sa hirap, lagi mong pinapanaginip
Pag-ibig sa magulang at mga kapatid ang kalakip.
Sa iyong pagpapatiwakal sino bang dapat na sisihin?
Ikaw ba na musmos, marupok lang ang damdamin
O ang lipunang pabaya na sa kahirapan ay nagsusupling?
Mga pinuno'y pawang inutil bagama't nagmamagaling!
Ba't ngayon marami ang sa iyo'y nakikisimpatya?
Gayung huli na't hinanap mo na ang sariling laya
Ah, mapalad silang mayayamang kunwari ay pinagpala
Ilan pang batang tulad mo, sa hirap ay nakatanikala?
CURTAINS DOWN
curtains down, dim the sun
i lay on the sheets
and you walk over
my velvet lover
with a smile meant just for me
and time lost us for a moment
as i lost myself under you
time lost us for a lifetime
and left us sated, through and through
curtains down, dim the sun
block the world from view
as skin to skin and on the verge
our needs conversing, we gently merge
as endless as the afternoon
when time lost us for a moment
and you lost yourself in me
time lost us for a lifetime
pleasure in your mysteries
curtains down, dim the lights
as i lay on moonlit sheets
and you, my lover
roughly discovers
all my secrets you would keep
IAWIT MO SA AKIN
maliit ang mundong aking inangkin
ngunit pilit pang pinasisikip at pilit akong dinadala
ng nakatanikala kong mga paa
sa malaki, madilim at malungkot na daigdig
hanapin mo ako
at ialis sa malungkot na mundong ito
buksan at pakatalasan mo lamang ang iyong mga tainga;
kahit nakapikit ang iyong mga mata
ako'y iyong makikita
hindi ako nagtatago
ako'y nawala at kinupkop
ng mga gunitang dapat ay patay na
tinuruan mo ako
kung papaanong humanap ng kislap at ningning
ngunit ano'ng saysay ng kislap at ningning
kung ang bawat kinang mismo ang pumapatay sa atin?
wala akong makita
wala..ang liwanag na nagpasaya
ay naglaho at iniwan akong nag-iisa
alam kong makikita kong muli ang paraiso
nalalapit na ang panahon upang ang mga sugat
ay maghilom at ang mga pangit na alaala
ay tuluyang mailibing na
harapin mo at sundin ang gusto ng panahon
sila ay dapat na kaibiganin
sila ang gagabay upang ika'y ilapit sa akin
hayaan mong matuka ka ng mga ibon sa iyong paglipad
yakapin mo ang ulap upang maramdaman mo
kung ano ang sarap at sakit ng may sugat
ang hapdi ng bawat dampi ay ang susi sa daan ng pag-uwi
sa pagsundo mo sa akin, hahanap tayo ng bahaghari
at tutuklasin kung ano ang kulay
ng buhay at ibibigay ko sa iyo
ang tunay na liwanag na kay tagal nang minimithi
kailanma'y hindi mawawaglit
kailanma'y hindi mapapawi.
Kung Ibig Mong Mawaglit sa Kasalukuyan
Kung ibig mong mawaglit sa kasalukuyan
Ang pagtakas ay isipin na karuwagan
Harapin nakapikit na katotohanan
Malupit niyang kaanyuan ay titigan.
Kapain mo, kaibuturan ng 'yong dibdib
Hanggang ang sarili ay tuluyang malupig
Sige, magpakalunod sa 'sang timbang tubig
Habang nabubulunan sa munting pinipig.
Tulugan ang bulaang pantasya't alamat
Umasa ka lamang sa iyong pandalumat
Isiping may taglay kang birtud o agimat
'Di kakapitan ng naknanaknak na sugat.
H'wag magtangkang tumanaw sa lumipas
'Pagkat lahat ng ito ay pawang napilas
H'wag maging propetang nanghuhula ng bukas
Kasalukuyan ay puno ng pandarahas.
Maglulunoy ka ba sa lagablab ng apoy
Hanggang matuklasan hiwaga ng kumunoy?
Bakit?Bakit nanasain mong maparool?
Sa kasalukuyang maraming humahatol.
Hindi katunggakan saglit na pagkawaglit
Ito'y pagbalikwas upang magbigay-init
Paglikha ng sariling paraiso't langit
Sa deliryo ng habagat na humahagupit.
Rebirth of the Ancient Cities
I
tiny creatures of the earth
submerged in mere folly
of an ancient cities; once
burned and sacked by
the heavens wrath
Woe to thee people of dust,
transporting thy self to the
hot mass of deluge, turning
against the path bestowed upon
the dilapidating race of mankind
by the Son of Man..
Who says that we live in an age
where gods of the myth
were already killed by the saints?
Who says that we live in an age
where idolatrous craps do not exist
any longer?
Thats at least for a while
For gods of the myth had only
put on a rest upon the fallacy
they once disseminated upon
our ancient fathers..
And now the idols have regained
their strength; reigning within
the threshold of rationalism.
II
A city breathing through the devils
breathe, kissed by the fallen mass
of angels, there rests the couch
he seeks and found, an idol god
named reason..
A throne imbued with the licks
of lust, drugs, and crime
and within the core of the sun,
in the name of an idol god,
there sprout out the culture of death,
spreading throughout his empire
Hail thou sleepers, get up and rise!
Climb the pinnacle of the highest plateau,
then come watch below..
Witness the rebirth of the ancient cities!
SAKTO LANG!!!
"kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagbuhos ng pagmamahal na namamagitan sa ating dalawa.."
dehins na importante kung meron mang ibang hindi nakakaalam.. sakto nang alam ko na alam mo na mahalaga ka para saken.. sakto nang nararamdaman mo ang iisang pangarap nateng dalawa na yumayakap sa bawat umagang dumadating sa'ten.. tama nang malaman ko na ako ang nag-iisang stick ng kendi para sa lollipop mo.. ok na ung pagpapalitan naten ng ngiti sa gitna ng maulan na panahon..
hindi na kailangang punan ng isa pang oras ang pagtatagpo ng ating mga hakbang sa mataong kalsada.. hindi na din kailangan pang manatiling magkahawak ang kamay naten sa ilalim ng lamesa't patagong naghaharutan ang ating hinliliit habang kumakain tau kasama ang mga kaibigang patay malisya(?) sa kakaibang "CONCERN" naten para sa isa't isa.. -wink-
auko ng magrequest pa ng isa pang kindat mula sa langit.. dahil kalabisan na yon.. ou! isang kalabisan na siguro ang mga pagkakataon na nagsosolo tau sa "sulok" para magkamustahan at magkwentuhan.. masaya na din naman ung palihim nateng abutan ng araw-araw nateng regalo para sa isa't isa.. regalong nakatuwaang pulutin, pitasin, bilhin sa tabi-tabi.. ^___^ sweet? hahaha!
bakit pa ko maghahangad ng habangbuhay kung kasalukuyan ko na tong nararanasan.... sa piling mo at ng ulan!
saktong sakto lang..
saktang sakto ka lang para saken..
sakto para magpatuloy ang pag-iral ko..
MASAYA!!!!
*para ke ULAN*
-ako si banik-
PADAYON!!!
Lola at Tatay
Mainit
maalinsangan,
matao..
Hindi pansin ang ingay.
Tahimik
nagdarasal.