Photobucket

Ehersisyo sa Paglimot

Maglilinis ako ng bahay ngayong gabi. Kukuskusin ko ang mga pader hanggang mabakbak ang berdeng pinta. Wawalisin ko ang nanirahang dumi sa mga sulok sulok, papalitan ang mga kortina sa sala, ang sapin ng sopa. Lalabahan ko nang maigi ang bawat tela. Ibabad ko at ikukula. Pupunasan ko ang sahig, aalisin ang natuyong bakas ng paa.

Huhubaran ko ang buong bahay ng mga ala ala. At bukas sa ‘king paggising, kahit katiting na bakas ng iyong pag-alis ay walang matitira.

putol na kwerdas

itula mo sa akin
ang hiwagang nakatago
sa putol na bigkis
ng iyong pag-ibig;
na minsa’y inakala mong walang maliw

uunawain ko ang pait.
mga saloobin: damdaming di
mo na maari pang ihimig…
paano mo ilalapat ang ulilang kataga
ng sugatang damdamin?

ano pa ang kahulugan ng himig
kung di rin mailalapat sa sigaw ng dibdib…
sa iyong pag-iisa…
patuloy kang maglalakbay at maghahanap
sa naglahong pag-ibig.

nguni't sino pa ang makikinig?

intro

ilang oras na din ang ginugol sa pakikipagniig at pakikipagtalo sa pag-iisip. hapo na ang mga daliri sa pagkiliti sa mga tiklado ng makinilya. malamig na ang kapeng kanina'y tinatalo ang nginig ng katawang nangangatal sa simoy at hamog ng gabi. payapa na ang kapiligiran habang patuloy na nakabantay ang orasang nakakapit sa kupas na dingding. subalit sa kabila ng kalagayang ito, ang diwa ay namumutawing mulat at patuloy na hindi mapakali.

sa pagkakataong ang insiprasyong mailap ay muling nagpahaging, muling dadaloy ang tintang minsang natuyot na. muling sisisid ang kaisipan sa karagatan ng kamalayan at muling ipagpapatuloy ang pag-inog ng naudlot na obra, at unti-unting mabubuhay ang mga ideyang isinilang dulot ng mainit pagtatalik ng emosyon at kaisipan.

sa sandaling mailagay ang tuldok, paulit-ulit na hahagurin ng mapupungay na mga mata ang mga katagang binigyang kulay ng mapaglarong imahenasyon. sa kabila ng pagod na katawan, isang namamanghang ngiti ang guguhit sa mg labi; isang maipagmamalaking pakiramdam ang sasaklob sa sarili.

tunay nga't ang kaisipan ay walang palya sa paghahabi ng pinagtagpi tagping mga salita, subalit hindi biro ang pagsusulat. hindi man ako isang kwentista o makata, hayaan mong saglit kong ipasyal ang diwa mong lasing sa kabikabilang suliranin ng ating lipunan..

short..very short poem

enraged with jealousy
burnt with passion
i long for your existence
a maudlin shimmer beneath your shadow
i cannot refuse your invitation
i hunger for you..and only you.

Pagtatakwil sa Talinghaga

Itinatakwil nila ang talinghaga
Tulad ng malalabong gunita
Na ibinaon sa pusod ng lupa
Bawat umuusbong na saknong
Pinag-iisipan na parang bugtong
Walang isinasagot kundi pagtapon.

Itinatakwil nila ang ubaning taludtod
Upang sa bagong istilo magpakalunod
Ayaw baklasin ugat ng kasaysayan
Upang sundan yapak ng pinanggalingan,
Tulad ng paglimot sa pamana ng ninuno
Sa aral ng lumipas diwa'y pinagiging bano.

Tinalikuran nila ang kanilang mga sarili,
Ang tunay na kahalagahan ng guni-guni
Lumilikha sila ng makabagong awit
Ang mga dating likha'y pinilipit
Narahuyo sa harot at lantad na wika
Tulad mo, siya, ako o si Kaka.

Iniluwal ako ng pagiging hari
Sa pagtikwas ng nguso't daliri
At binura ang kulay ng bahaghari
Tulad nila ibig kong magpasarap sa pagpapagal
Upang ang sarili naman ang matanghal
Tayo baga'y tunay na hangal?

'Di ko masakyan ang nakababahing na usok
'Di ko makita ang buhay sa gusgusing alabok
'Di ko marinig ang oyayi para sa sanggol
Nauulinig ko ay hiyaw at pag-ungol
'Di ko matitigan ang anino sa salamin
May bahid-sumbat ang hiwaga sa pangitain.

Wala ng bulaklak sa parang
Walang naglipana kundi mga balang
Naglaho na matatatyog na kabundukan
Upang ang kalbong lungsod ang masilayan
Na dinadakilang huwad na kaunlaran
Sa paglimot sa tunay na kahulugan.

Ngunit nabubuhay ako sa pira-pirasong liwanag
Sa pagtatangka kong pilit na pagtiwalag
Muli akong inakit ng mahal na diwara
Upang ampunin ng dati ring salita
Bigla niya akong hinagkan at niyakap
At tinakpan ng makapal na sapot ng ulap.

Wala Na

Paano ko isusulat
Ang kawalan
Sa pagkawala
Ng saglit, na minsan
Ay sumambulat
at kumawala
Sa tagipusu-on*
Nitong manunulat
At saglit na nagdala
Sa isang di maisulat
Ng pagpapakawala?
Kaya Ngayon
Wala nang maisulat.
Pagkat saglit lang din
Ang pagkawala
Nung saglit,
Na hahantong
Lang din naman pala
Sa wala
At sa kawalan,
At maiiwan akong
Pilit sinusulat,
Ang kawalan
Laman makaalpas,
Kahit saglit,
At tuluyang mawala
Sa kawalan.

The Old World

From changing to stopping
From a glance to a hateful staring
With a word of meaning

Things has grown from everything to nothing
Shadows that was to be walking
Now they are there on black’s hiding

The laughter that could be anywhere be hearing
Is gone with her taking
And with the words of joy left sad sorrowing

That feeling that I hold the earth
When it moves when all are bold
Now helpless am I and on my own world being cold

The echoes that surrounds my universe
Has turned soft backing up to my own verse
That whatever it would pledge to say, would turn back to me as a curse

Leaving things old
As is of molds
No life, love is sold

Radikal

Pumasok ka sa isang madilim na silid.
Magsindi ng kandila.Hayaang kumawala
ang iyong anino;bigyang-laya ang kaanyuan.

Pagmulat ng liwanag,
sino ang unang tumambad?


Pagkaraan,magsindi ng isa pang kandila.
At isa pa,hanggang lahat ay tumanglaw.

Sa mga aninong bumalandra sa dingding
at sahig,subukang piliin kung alin ang
nagmamay-ari sa iyong katawan.

Iisa ang kulay ng mga anino,itim.
Lahat sila ay sa akin.


Ngayon,isa-isang patayin ang sindi.
Hilahin ang mga anino pabalik sa iyo.

Pagtapak ng dilim,
sino ang unang nangubli?


Dahan-dahang ipikit ang mga mata.
Sa huling segundo ng pagtiklop ng talukap,
sikaping aninagin ang pagdapo ng anino.

Pakiramdaman kung saan sila nagmumula.
At sa iyong pagmulat,kapain mo sa isip
ang kanilang hugis.

Ano ngayon ang nakita mo?

Dilim.

Entablado

bawat sinag at kutitap
ng pulang ilaw-dagitab,
balaraw na tumitimo,
sa dibdib niyang nawawasak.
sa himig at lamyos ng maharot na musika’y
unti-unting iindayog...
malalaglag papalayo sa maalindog nyang katawan
ang nalalabing dignidad na pinaka-iingatan.

nakasisilaw ang kinang ng mga ilaw
na naghahantad sa kanya sa kahihiyan.
sing-kinang ng mga salaping papel
na isa-isa nyang pinupulot
matapos ang bawa’t pagtatanghal.

hanggang kailan siya iindak..
hanggang kailan siya iiyak?
hanggang kailan mahihiga
sa tabi ng mga buwitre’t asong gala -
hayok sa laman at handang sumila?

dilim sa gitna ng liwanag.

may luha sa bawat sulok
ng parisukat na mundong kinasadlakan.

sadya nga bang sa bawat tao’y
may musikang nakalaan;
na sa gitna ng pagluha’y
kailangan niyang isayaw…
sa entablado ng buhay?

Isang Bilibid ang Pangungulila

Walang sala ngunit nakapiit
Sa kulungan ng damdaming sakdal-lupit
'Di maabot ng tanaw isang dipang langit
Sa pangungulila mo'y walang dumadalaw
Kaya sumisidhi lalo ang pamamanglaw
Masamang pangitain naglalaro sa balintataw
Waring sinasapo mo ang rehas na bakal
Sa labas ng daigdig 'di makadunghal
Mataas na pader ay nakasagabal
Napakakipot ng selda ng ligaya
Kapag nagngunguyngoy ka sa iyong pag-iisa
Mga bangasang mukha ang nakikita
Hindi mo makaramay maging kakosa
Mga tattoo sa bisig ay nagbigay dungis
May ahas sa dibdib na lumiligkis
Waring bibitayin ngayong alas-tres
Para ring tinatarakan sa tiyan ng balisong
May dugong itim na bumabalong
Pangungulila'y labanan ng Oxo at Sigue-Sigue
Pagkatapos may ihahatid sa huling biyahe
Mananalangin ka sa harap ng ataul
Ang iyong diwa'y naglalamay, nakaburol
Sa pangungulila unti-unting nasusukol!

A Decade of Remembering

Sitting there nothing
On my mind thinking
Plainly is of something
Motions are stuck on my eyesight’s blocking

Then a strong feeling of old was coming
To my heart it was beating
Rumbling like a big thunder soft to the start of the beginning
Where my world was all on pink running

It was no other than the solitaire beauty
That one lady
With gold and ribbons in her eyes, round and so bright
Can’t believe she was there, walking again on my sight

Leaving her essence
Like a smooth feeling of a great sense
From her skin that’s so white soft porcelain
On that air it was moving, staying as colorful as pink

Like it could mold into a thing
Where moon and sun are dancing
A smell of gold, a sound of romance all hearing
All together in one moment, all together in one happening

Thee lady is there, not knowing how to believe how true it is, thinking
Oh moon and sun are smiling, emotions are stuck and praying
Talking to both planets inside of a heart, there it sounds of a million beating
Pink, pink, pink, pink it’s saying, pink it seeing, pink its sensing

It was the destined solitaire lady
Back from there to my reality
Amazing but truly
From a decade now I’ve see. Wonderful it is, I’m free