Photobucket

langgam sa bilao


sinulat ni: Oliver
Nagtatahip ang ina ng inimis na bigas.
Maraming nalalaglag mula sa kiskisan.
Pasuray-suray.
Biling-baligtad ang mga langgam.
Nag-uunahang makalabas sa bilao.
Bagaman gutom din,
Iniiwasan ang bagsak ng luha
Mula sa inang balisa.
Tahip ng dibdib.
Kasaliw ng tahip sa bigas na imis.
Saan siya hahanap ng bigas na pantawid?
Bawal ng mamulot sa kiskisan.
Bawal ng makiusap na dugtungan ang buhay.
Nagpupulasan.
Di man nila sinasadya,
Ang paglabas sa bilao ay pakikisimpatya,
Sa mga tahip ng pagkabalisa.

ito ang larawan ng mundo ko

sinulat ni: Therese Carmel
Paano?
Kung ang isang guhit ng titik
O isang dipa ng kamay
O anu bang maitawag dito
Isang dipa ng tulang makata?

Nakakatawa man sa isipan
Pag ginuhit itong nararamdaman
Kung isasalarawan
Isa itong maitim na ulap
Kung saan andun ang langit
Mukhang paraiso
Para sa isang bigo sa puso
Andun na nga lahat akalain nyang isa pla iyong mundong walang hanggan o buhay
Sa kanyang pagtahak,
sa bawat lakad na gagawin o hahakbangin
Wala ng marinig, hindi tipak sa bato
O tunog ng ingay na maririnig mo
Sa kanyang iniwang bakas galing sa paraiso
Tignan mo nga naiwan syang nagiisa sa mundo
Eto na at iginuhit nya ang sa palad nya
Isang maitim na mundo
Walang makikita kundi iisang tao
Taong nagdulot ng pasakit san?
Sa puso
Paulit ulit nalang
Sasambitin na naman
Walang katapusang tulain
Nakaksakit man sa mata ng makakabasa sa nakakarami
Ano nga bang mawawala
Magalit na sana pero ang sa nakakaunawa?
Ewan koPara sa akin isa itong talinhaga
Ginawa ko lamang ito
Bilang isang larawan ng mundong iniikutan ko
Sa ngaun sa kasalukuyang ikot ng mundong to
Mundo nya
Ewan ko larawan ko naman ito.

komposisyon ng taong di makatulog

sinulat ni: d LittleStar
Naninibugho ang pusong uhaw sa pagsuyo,Diwang sawi’t matang puno ng luha.Ngunit babangu’t-babangong muli,upang abutin—bagong pangarap,mula sa bagong pag-asang hindi maarok kung sa’n nagmumula.Luha—umagos ka.Lunurin ang kalungkutan,Pawiin ang dusa.Gisingin,Buhayin,Ang bagong pag-asa,Bagong pag-asa.[/COLOR]( ... nakatulog din... zzzZZZZ )

kabiguan...hindi katapusan

sinulat ni: d LittleStar
Ang kabigua’y hindi kabiguan,


kung ‘di titingnan bilang kabiguan.


Ang kabigua’y hindi kabiguan katapusan


kundi’y simula ng bagong agam-agam.




Ang kabigua’y pintuan ng bagong pag-asa,


hangga’t ang pusong bigo’y hindi nagsasara.


Ang kabigua’y lakas.


Lakas ng kaluluwang uhaw,


tungo sa pangakong bukangliwayway


ng maliwanag na bukas.

pledge

sinulat ni: rei


together with the moonlight you resonate
immortal magnificence

a creature blessed with beauty and
splendor

your heart burns like fire lighting the
night


i can no longer contain this incurable
passion

my soul screams with intense delight

i dare the h e a v e n s

i will pledge my eternity to you

pigil

minamasdan kita
mula ulo hanggang paa
mga matang mapupungay
at labing mapupula
hindi mo ako kayang
tuksuhin
at paikutin sa iyong mundo
malayo nga ako
pero
ang iyong panunnukso ay walang epekto,
sa suot mong panligo
na kaunti lang ang natatakpan sa maputi
mong kutis
at mga bahaging napilitan ka lang itago
akala mo tutulo ang laway ko
at maghahabol sa iyo
baka magkasala pa ako....

ito na lang ang bibilin ko
magasing may larawan ng oto....