Nagtatahip ang ina ng inimis na bigas.
Maraming nalalaglag mula sa kiskisan.
Pasuray-suray.
Biling-baligtad ang mga langgam.
Nag-uunahang makalabas sa bilao.
Bagaman gutom din,
Iniiwasan ang bagsak ng luha
Mula sa inang balisa.
Tahip ng dibdib.
Kasaliw ng tahip sa bigas na imis.
Saan siya hahanap ng bigas na pantawid?
Bawal ng mamulot sa kiskisan.
Bawal ng makiusap na dugtungan ang buhay.
Nagpupulasan.
Di man nila sinasadya,
Ang paglabas sa bilao ay pakikisimpatya,
Sa mga tahip ng pagkabalisa.
Langgam sa Bilao
putol na kwerdas
itula mo sa akin
ang hiwagang nakatago
sa putol na bigkis
ng iyong pag-ibig;
na minsa’y inakala mong walang maliw
uunawain ko ang pait.
mga saloobin: damdaming di
mo na maari pang ihimig…
paano mo ilalapat ang ulilang kataga
ng sugatang damdamin?
ano pa ang kahulugan ng himig
kung di rin mailalapat sa sigaw ng dibdib…
sa iyong pag-iisa…
patuloy kang maglalakbay at maghahanap
sa naglahong pag-ibig.
nguni't sino pa ang makikinig?
Entablado
bawat sinag at kutitap
ng pulang ilaw-dagitab,
balaraw na tumitimo,
sa dibdib niyang nawawasak.
sa himig at lamyos ng maharot na musika’y
unti-unting iindayog...
malalaglag papalayo sa maalindog nyang katawan
ang nalalabing dignidad na pinaka-iingatan.
nakasisilaw ang kinang ng mga ilaw
na naghahantad sa kanya sa kahihiyan.
sing-kinang ng mga salaping papel
na isa-isa nyang pinupulot
matapos ang bawa’t pagtatanghal.
hanggang kailan siya iindak..
hanggang kailan siya iiyak?
hanggang kailan mahihiga
sa tabi ng mga buwitre’t asong gala -
hayok sa laman at handang sumila?
dilim sa gitna ng liwanag.
may luha sa bawat sulok
ng parisukat na mundong kinasadlakan.
sadya nga bang sa bawat tao’y
may musikang nakalaan;
na sa gitna ng pagluha’y
kailangan niyang isayaw…
sa entablado ng buhay?
MaRyJaNe . . . Usok ng Kahinaan
padayukdok na ilalapit
ng eratiko’t nanginginig n’yang kamay
upang buong kasiyahang ipaglunoy
sa nanunuyong lalamunan.
hitit…
buga…
hitit at buga pa…
baka-sakaling itakas siya
ng laway na nilulunok
palayo sa kasukalan ng bagabag…
sa pusali ng walang katapusang pagsubok.
hakbang papalayo
ang bawa’t hitit…
ang bawat lunok…
ang bawat buga pailanlang
ng kumekembot, humalakhak na sungayang usok.
kakapit siyang nakangiti pa-lipad sa alapaap.
makikipagtawanan sa mga bituin.
ihahanap ng kagaanan
ang samu’t saring tinik sa damdamin.
paulit-ulit…
palipat-lipat…
pahalakhak niyang isasakay ang kanyang ulirat
sa nagsasalubungang ulap.
kakatagpuin ang sarili
sa hiwalay na mundong nais nyang likhain.
at sa mapungay at kulay-dugong mata…
pakunwaring magtatago at tatakas
ang luray niyang katawan na naghahanap ng laya
upang gulantangin lamang ng katotohanang
itatambad ng kunot-noong araw…
sa kanyang paggising
sarili pala niyang mga kamay ang kanyang iginapos…
sa usok ng kanyang kahinaan.
...backspace...
Iniib < . . .
…iniiba na lang ang usapan pag kaharap ka na.
laging ganun...lalo na ‘pag sukol na talaga
ng mga titig mo ang namumungay kong mata…
Inii < . . .
….iniimbento na lang ang mga dahilan
ang mga pakunwaring paalam na may pupuntahan.
kathang-isip na kwento sa syotang hindi naman,
at text messages na pinapadala sa sarili na lang.
(di mai-send sa’yo, sa takot na iyong pagtawanan)
Iniibig k < . . .
…iniibig ko ang Pilipinas, ito ang aking lupang sinilangan…
(blah…blah...blah….et cetera…et cetera…)
tumalsik na lang sana ang
para masabi ko ng diretso ang laman ng dibdib ko!
… di ako maka-< Esc > sa feelings ko
… di kita ma-< Delete > sa puso ko.
...ang umiibig na puso...
gagap ng puso
maging ang pinakamalalim na mga talinhaga.
damdamin mang di maibulalas
na sa dibdib ay nag-uumalpas,
di man ito kayang sambitin ng nauumid na dila,
sapat na sa kanya ang malalalim na buntung-hininga.
nararamdaman ng puso
ang mga pahiwatig ng katugong-puso
pagkat sa kanya lamang ito nakikinig.
di kailangang bigkasin ang anumang kataga,
sapat na ang mga nagsusumamong luha
upang maintindihan ang iniluluhog
ng isang pusong sumasamba.
nauunawaan ng puso
ang mga dalamhati ng kapwa-puso
dinudugtungan nito maging ang nalalabing tibok
ng isang pusong naghihingalo at nagdurugo…
sinasagip ng kanyang pag-ibig mula sa pagkalunod
maging ang ligaw na damdaming nagtalusira.
pagkat dakila at walang hanggang unawa ang
kaya nitong padaluyin mula sa kanyang kaibuturan.
maging ang sarili nitong tibok,
kayang sikilin…
kayang supilin.
dahil gagap ng puso…
ramdam ng puso…
nauunawaan ng puso…
kung ano ang ibig sabihin
ng isang wagas na pag-ibig.
Lamentasyon para sa Hangin
Hindi ka nila kailanman hiniling…
nguni’t nariyan ka sa kanilang piling.
Nalulugod sila sa indak at sayaw
ng luntiang dahong nangaglambitin
sa mga sanga ng punong nagbibigay lilim.
Nakangiti nilang hinahagkan
ang mga talulot ng rosas na namumukadkad.
pinipitas nila ang mga ito sa kanilang hardin
upang gawing adorno sa kanilang mga buhok.
Nguni’t batid ba nila ang misteryong bumabalot
sa bawa’t indak ng luntiang dahon at rosas
na pumapawi sa kanilang lungkot?
Ramdam ba nila ang iyong mga himutok?
Inawitan nila ang luntiang dahon.
Ipinaghele sa pagmamahal ang mga bulaklak.
Ngunit hindi ikaw….
kailanman ay hindi ikaw.
Ikaw na nasa likod ng bawa’t indak at sayaw
ng mga daho’t bulaklak na marahan mong hinihipan
upang magsabog ng karikta’t halimuyak ….
na humahalina sa kanila’t nagbibigay galak.
Ikaw na kanilang nilalason…
Ikaw na hangin.
... pInK tOrMeNt . . .
beaten black and blue,
they want her to be a he.
he is a she.
in her anguish…
in her sadness…she can’t be he.
abominated.
despised.
she quips…
she smiles …
she laughs, no matter what.
he is a she.
and that’s the way it’s gonna be.
(… acceptance is what she pleads for….)
verses for a battered woman...
perturbed and trying to find comfort
in that solitary room…
all she wanted is to bury her face
in that warm soft pillow.
her heart mourns in silence
for the bruises and wounds
inflicted unto her battered body.
and with her shattered dignity,
her essence as a woman painfully craves
for the fragrance
drawn out from the flowers of human respect.
she keeps on asking…
until when she will suffer?
will there ever be time
for mending a broken heart?
will there be place for forgiveness?
for healing?
hatred is now a cloud
shrouding each rays
of her once unconditional love…
and as she hears his dreadful voice
at the other side of the door,
her tired bleeding heart
had shut every emotions connected to him…
that door will no longer be opened.
and to a jaded, tuckered heart…
there's freedom in letting go.
**********************************
Published by Bulatlat (www.bulatlat.com)
Vol. VII, No. 48, January 13-19, 2008
twenty minutes...
Standing on a corner…
twenty minutes
before your vow.
I was still hoping
that you won’t come…
but you did.
I will leave the place
with a heavy heart.
tryin’ to imagine
that I am that man
kneeling next to you…
Twenty minutes.
It will soon be over…
and with twenty deep cuts
on my wrist,
perhaps….just perhaps…
the pain will subside.
and everything will be over.
Hiling Ninyo'y Lupa
Hiling Ninyo’y Lupa
(Sa alaala ng mga Martir ng Mendiola Massacre)
Nakatindig akong kasama n’yo
sa balisbisang iyon ng Mendiola…
sa harap ng sementadong tulay
na naghiwalay sa atin mula sa kanila…
silang mga panginoon dito sa lupa,
at tayong mga aliping bumubungkal ng lupa.
Naroon ako.
Anak din ako ng lupa…
at sumusumpa akong wala kayong kasalanan
sa katampalasanang ipinalasap sa inyo
sa madugong araw ng Enerong iyon.
Sumisigaw kayo't humihiling
ng lupa…
ng buhay…
Nais ninyong madama nila
na ang lupa ay inyong buhay…
at ang buhay nyo'y kadugtong na ng lupa.
Hindi kayo nagtungo roon
upang wari'y sumugba sa apoy…
upang kitlan ng hininga…
manapa'y ninais nyo lamang
na madugtungan pa ang inyong buhay.
Wala kayong kasalanan…
para yurakan at barilin ang inyong tanging hiling.
Ang nais lamang ninyo'y lupa.
Nakatindig pa rin ako.
isinisigaw ang hiling n'yo…
HINDI BALA … KUNDI LUPA.
************************************
Inilathala ng Bulatlat (www.bulatlat.com)
Vol. VII, No. 47, January 6-12, 2008
R. I. P. (Anti- Subversion Law)
tanikalang apoy
na kinakaladkad,
sibat kang tumarak
sa dibdib sumugat
at sa pagkadipang
bayubay ng hirap
talim kang humiwa
sa leeg ng hamak
narito kang tila
multong gumagala
inihahasik mo’y
takot at pangamba
ikaw ba’y babalik
upang ipagsama
sa iyong libingan
ang natamong laya?
di kami papayag
na umahon ka pa
sa puntod na sa iyo’y
aming hinukay na
kahit kalansay kang
sa amin’y magbabanta
duduruging pilit,
ibabaon sa lupa!!!
******************
Inilathala ng Bulatlat (www.bulatlat.com)
Vol. VII, No. 46, December 23, 2007-January 5, 2008
wish I could be your rain...
if i could simply be
the thing that
i would wanna be,
i'll be happy to be the rain
that endlessly
pours down on you...
so i could kiss away the tears
which flows down
from your cheeks...
I shall come to you
with a promise
not to be tired
of drowning out...
of washing away...
and of melting
those bricks of emptiness;
and those walls of solitude
which you had built in bitterness...
But sadly...
I cannot be that rain...
for i have my own tears
which falls down on my cheeks...
also waitin' for some rain
to be drowned and washed away...
I could but sigh in pain
for i have nothing to offer...
only a heart
which could share with you...
could cry with you,
...in your sadness…
...in your pain.
If thou shalt leave...
if thou shalt leave…
walk thou slowly whilst am asleep
that my ears hear not the deafening
sound of your footsteps…
walk thou in peace
and turn thy back in silence…
dare not to speak a word
and gaze not upon me
with your teary eyes;
for it hurts…
it breaks me into pieces.
let me fall asleep
deeply as I could…
for in my dreams…
I might be strong enough
to hug you…
to say goodbye to you
for the last time…
I might be able to wave
this trembling hand…
while you go…
while I set you free.
wish I could be your rain
if i could simply be
the thing that
i would wanna be,
i'll be happy to be the rain
that endlessly
pours down on you...
so i could kiss away the tears
which flows down
from your cheeks...
I shall come to you
with a promise
not to be tired
of drowning out...
of washing away...
and of melting
those bricks of emptiness;
and those walls of solitude
which you had built in bitterness...
But sadly...
I cannot be that rain...
for i have my own tears
which falls down on my cheeks...
also waitin' for some rain
to be drowned and washed away...
I could but sigh in pain
for i have nothing to offer...
only a heart
which could share with you...
could cry with you,
...in your sadness…
...in your pain.
Latay sa Likod ng Kabayo
Napapaigik ang buto’t balat
na kabayo…
sa tuwing ihahampas
sa likuran nito ang latigo…
Kailan pa nga ba
maghihilom
ang mga latay na tinamo,
kung doon din sa dating sugat
hahampasin ng kutsero?
Lugmok na sa pagod
hinahampas pa rin ang likod.
Paulit-ulit nyang titisin
diretso lang ang tingin.
Tuloy lang sa pagtakbo.
Nagtitiis…
Magtitiis…
ang bayan ko!
______________________
...kung pangkaraniwan na ang kamatayan, ang pagkakaiba na lang ay kung para saan.
Huling Saknong
Natuyo na ang tinta
ng nagdadalamhating pluma.
Pahagulgol kung umihip,
at tila nakikiluha ang hangin
sa umaalmang papel.
Malamlam…
aandap-andap ang munting
ilawan...
Naghihinanakit marahil
sa huling saknong
na di man lang naisulat…
Huling saknong sana ng
isang tula…
nang dalamhati
at protestang
mandi’y nais ibulalas
ng nakalugmok na makata…
Isang bala ang kumitil
sa laya ng tula.
Nung sacali man....
Nung sacali man…
e pa sapat ing sala ning bulan
ban atanglauan mu ing lungcut
caring matang mipnung lua…
mamalisbis caring pisngi
qng alang patugut cung pamanangis…
Nung e pa sapat ing idalit
cu ing sablang pait at pamagsisi
qng pangauale mu cacu…
Paburen mung ing tiup
ning angin a maglambing
caring balang bulung
da ring bulaclac
qng gilid ning pampang
a mitatayid tang delanan…
y yang magsalita
nung macananu cung manamdaman…
nung macananung mapupugtu
ing cacung inaua…
qng balang aldo milalabas
a agaganaca da ca…
nung sacali man
at aganaca mung mamatiauan
caring pilapil a mipnung tula
at micacaul tang liclucan…
ganacan mu sana cacung sinta…
mipnung lugud…
panayan da ca…
******************************
(tagalog version)
Kung sakali man…
at di pa sapat ang liwanag ng buwan
upang matanglawan ang lungkot
sa mga mata kong tigib ng luha,
mga luhang sa pisngi ko’y dumadaloy
dahil sa walang tigil kong pagtangis….
Kung sakali’t di pa sapat
ang itaghoy ko ang lahat ng pait at pagsisisi
dahil sa iyong pagkawalay sa akin…
Hayaan mo sanang ang ihip
ng hangin na naglalambing
sa dahon ng bawa’t bulaklak,
sa gilid ng pampang
na noo’y magkahawak-kamay
nating dinaanan…
ang syang mangusap
kung gaano ako nasasaktan.
Kung paanong unti-unting
napupugto ang aking hininga
sa bawa’t araw na lumilipas
na naaalala kita…
Kung sakali man
at maalala mong lumingon…
tumanaw sa mga pilapil
na noo’y buong-saya at magkayakap
nating inupuan…
alalahanin mo sana, aking sinta
Buong-pagmamahal…
Hinihintay kita…
Isama Mo Kami, Marianette
(tulang pakiusap kay Marianette Amper (SLN) –
ang 12-taong gulang na batang nagpatiwakal
dahil sa labis na kahirapan)
**************************
isama mo kami, Marianette
sa lalakbayin
mong panatag na daan.
duon sa natanaw mong pag-asa
sa kabilang buhay…
Sa dako pa roon…
kung saan marahil,
may liwanag…
may pag-asa…
may kapahingaan
para sa aming mga dukhang
tulad mo ring sa lupa’y
walang pagkahingalay…
tulad mo…
pagod na rin kami.
pagod nang unawain
at hanapan ng dahilan…
kung bakit paulit-ulit lang
at di matapos-tapos ang kahirapan…
ang paghahari’t pagsasamantala ng iilan
kaya’t sa iyong pagtakas
sa lupit ng mundong nakagisnan,
sa iyong pagtakas…
sa lipunang tigib
ng dusa’t dahas ng kahirapan,
isabay mo kami sa iyong pamamaalam.
Isama mo kami
sa iyong pupuntahan…
Kung ikaw ang Liwanag...
Pakislapin mo pang higit
ang taglay mong sinag.
Bulagin mo na lang
ang mugto kong mga mata;
na ayaw ng lumuha pa
o magluksa sa siphayo't
kadustaang nadarama...
Kung nariyan pa ang poot
at alab mong dumadarang,
sunugin mo na rin ang
nananaghoy kong dila.
Pigilan itong makapaglitanya pa
at maisatinig ang mga taghoy
at bagabag ng konsensya
dahil sa kabulukang nakikita.
Kung magkakagayon,
hindi ko na lang masisilayan pa
ang mga daluyong at lagablab
na salimbayang kumakaway...
pumipisan sa sinilabang diwa.
Nagbabadya ng trahedya
sa lipunang lugmok
at tigmak sa luha ng pagdaralita.
O! kaypalad nilang bulag
na wala nang nakikita.
Walang galit na nadarama.
Walang kuyom na kamaong
isinusuntok sa duguang lupa.
Walang sugat ng hinanakit
at sinimpang ngitngit
sa nagpupuyos nilang dibdib.
Sa bawat buhay na napugto,
Sa bawat dilang naumid,
sa nilagok nilang tubig
ng takot at panganib.
Sa bangungot ng pagmamalupit
nilang mga haring kumikitil
sa daing at panaghoy
ng bayan kong tumatangis!
Kung ikaw ang liwanag...
bulagin mo na lang sa iyong sinag
ang mugto kong mga mata.
Idarang sa iyong apoy
ang nananaghoy kong dila.
Kundi mo man ito magawa
hayaan mo na lang ako
na maglambitin minsan pa
sa iyong mga silahis...
mangarap ng laya
mula sa aming pagkahapis.
Madama ko man lang...
Mapatotohanan ko man lang
na nariyan ka lang sa aming piling
tumatanglaw sa amin sa gitna ng dilim.