hikab....
nagpapatianod at pagduduyan
ng pagkatulala at
pagod...
hikab ulit...
mga matang hapdi sa pagkusot
at pumula sa pagpipilit
na pagbasa ng luha...
hikab pa...
kinulang sa paghinga
pati ang pag-alala
sa iyo kinapos
dahil gusto ng mapagod....
isa pa...
huwag masyadong ipilit,
mananakit ang sentido ,
di kasya ang nalalabing sentimo
bukas na lang ulit
tulog muna ako...
hikab
xuan
nakakita ako ng paro-paro
binulag ako
wala naman siyang pak-pak
lumipad siyang palayo...
nakikita ko siya
kasama ni bubuyog
akbay ng matamis na ngiti,
na humiwa sa puso
hindi dumugo,
pero nabulag ako
ng paro parong walang pakpak
pero lumipad palayo...
kayat
kahit bulag ako
pinagmamasdan kita,
nakikita...
habang papalayo ka....
tula mula kay Ironman (batas ito!)
at bumaba ang anghel
sa mga lupa...
isinama ang liwanag
ng sikat ng araw
isinabay ang hangin,
tumugtog sa mga dagat...
at gumuhit ang bahag-hari,
pinalamutian ng mga bulaklak
at paru-paro
ang mga hardin, kung saan,
sa saliw ng awit ng mga ibon
nag-iindak ang mga halaman
sa tugtog ng dagat
lumundag ang mga isda,
pumalakpak ang mga puno....
habang pikit matang mag-iiwan
ng isang matamis na halik...
ganito ang nag-uumapaw na kagandahan
sa pagmulat ng aking mga mata
hanngang dalawin ng antok sa pagdilim,
sa pag-akyat ng buwan
habang masid ang hiwaga
sa bawat sulok ng iyong mukha.
habang ika'y kayakap
sa aking dibdib at nakahiga...
bangungot
mabuti na lang
katabi kitang natutulog....
hinamon ko ang mga multo
at nais ko silang kausapin
tulungan ko ang bawat isa
iligtas ang kanilang kaluluwa....
mayabang!
lumabas ang isa
"may magagawa ka ba!!!"
sinundan pa ng tatlo,
lumabas ang lima pa
sa kung saan
hawak ako sa leeg..
mahigpit
pahigpit ng pahigpit...
may magagawa ka ba!!!
at may kandilang papalapit
humihinang liwanag
kapagdaka"y sumilaw
hanggang sa maging puti
tinatangay ako
ng ilaw na puti
huuungggg! ilabas mo na ang mga bata
ilayo mo na sila......
aaaaaH!haah...haah...!
mabuti na lang
katabi kitang natutulog.
wisik
hindi pa rin ako nakakapaligo
wisik wisik na lang...
lagpakan na ang mga libag ko sa aking paa
baka mapilayan ako....
mainam at may pag-ulan
mababasa ang mga tigang na lupa,
maliligo ang mga mababangis na hayop
uunlad ang hamog,
mapupunuan ang mga balon
ito yun matapos ang tagtuyot,
lalo na kung may nagpapaalala.....
malamig at tunaw(DREAM AND DRY CANDIES 1/12)
nilikha ang salitang paglisan,
kasabay ng pagbabalik,
kasunod ng mga alaala
habang lumulusong sa luha
hindi rin umaamin ang mga napipinid na pagpatak
at nagbabarang lalamunan
kapag mayroong paglayo...
lilipas nga ang panahon
dadalawin ka ng paglimot
aanurin sa kung saan ang aking ngalan
may mga maghihinampo
at mababasa sa ulan
may magaalis ng muta
at magkukusot ng mata
may magtataka
magtatanong ,
kaya...?
marahil... siguro nga....
ang pagbilang sa bituin ni bobong pilosopo
I. unang pagtatagpo
nagsimula siyang maglakad sa may rotonda
handang handa yaring mga paa
"saan ba ko pupunta"
"baka pede matulog sa luneta"
tangan ang diyaryong dalawang linggong naluma
ng paulit ulit na pag basa
"kuya pahiram ng dyaryo"
oo ba, basta ba ibabalik mo"
gusto ko na sana magpahinga
di naman mapigil yaring mga paa
"teka may anim na beinte singko pa ko
"kya pa siguro, kahit isang sigarilyo"
bakit?
sabi ng "bawal magtapon ng basura dito"
bat di mo rin maintindihan
na "bawal umihi dito"
kasama na yata yan sa kasaysayan
sa pagsasalinlahi,
o pakikidigma sa oras at kahirapan...
kaya?
ako si bobong pilosopo
hindi ako piksyunal na karakter
sa binabasa mong libro
huwag mo rin akong batukan
nasasaktan din ako...
II si bobong
may pamilya ka naman naturingan
mas pinili mo ang manitili sa lansangan
banyo mo ang buong mundo
gigisingin ka ng araw kapag oras ng magtrabaho.
"hindi na mahalaga kung sino ako,
ang una sa akiy, pagtatago ng sikreto
mainam na ito.
maiwaksi lamang sa gulo ng mundo
ang mga minamahal mo."
marami nakikipag-usap ang humahanga
subalit mas marami pa rin ang kumukutya..
at ang matamis na ngiti ay maglalaho sa labi
lalo na't lalayuan ka
di bale di ko naman nila ako kilala....
maliligo ako lalo nat may ulan
kasama na rin ang labada dyan,
itatanong mo marahil kung paano ako kumakain
kabisado ko na yata ang feeding program sa may amin...
III. simula ng maraming simula
masaya ako twing dapit hapon,
ibabalandra ko ang katawan katabi ng dagat,
hihintayin ko ang paglubog ng araw
dahil sa pagsapit ng dilim
bibilangin ko ang tangi kong yaman
wala kasing may ari nun
kaya akin na lang,
mga brilyanteng di ko nahahawakan
mga matang makislap na sa aki'y nakikipagtitigan
nagdudulot sa akin ng katiwasayan....
kaharian ng luha
nangingilid
dumadaloy
tumutulo
pumapatak
umaagos
masaya at malungkot
galak at galit
hinagpis at pagkabigo
nasugatan at lumimot
milagro...
sumampalataya...
pugto,
umaasa
natuyo,
lumaya
tara
magsisimula tayo matapos atakihin sa puso ang isang dating kaibigan...
inatake na rin ng pagkabigo ang kanyang utak samantalang hinayaan na lamang na ang kanyang pantalon ay tapunan ng tinta ng bolpen kaysa sa ipanulat ng mas makabuluhang bagay.
mula sa pagising sa umaga, o mula ng matuto kang sumulat at bumasa, sa pagkakumpleto ng ngipin at mula sa unang palo ng iyong ina dahil sa pagsubok mo sa pangngatwiran kung ano ang iyong pinaniniwalaan...doon nagsimula ang pagkakaroon ng pambihirang sakit na ang tanging gamot ay pagpapanday sa sarili mong kakayahan, ang linangin ang iyong kaalaman at dumigma sabawat hamon ng buhay. Paulit ulit nating narinig, at maririnig pang muli ang takatak ng daliri na dumugtong sa pinagpraktisang papel habang tinutuktok ng bolpen ang mesa habang higop ang mainit na nagtatalong kape at asukal ay aawatin ng gatas...
huwag tayong matakot, mailang at magdalawang isip...