ilang oras na din ang ginugol sa pakikipagniig at pakikipagtalo sa pag-iisip. hapo na ang mga daliri sa pagkiliti sa mga tiklado ng makinilya. malamig na ang kapeng kanina'y tinatalo ang nginig ng katawang nangangatal sa simoy at hamog ng gabi. payapa na ang kapiligiran habang patuloy na nakabantay ang orasang nakakapit sa kupas na dingding. subalit sa kabila ng kalagayang ito, ang diwa ay namumutawing mulat at patuloy na hindi mapakali.
sa pagkakataong ang insiprasyong mailap ay muling nagpahaging, muling dadaloy ang tintang minsang natuyot na. muling sisisid ang kaisipan sa karagatan ng kamalayan at muling ipagpapatuloy ang pag-inog ng naudlot na obra, at unti-unting mabubuhay ang mga ideyang isinilang dulot ng mainit pagtatalik ng emosyon at kaisipan.
sa sandaling mailagay ang tuldok, paulit-ulit na hahagurin ng mapupungay na mga mata ang mga katagang binigyang kulay ng mapaglarong imahenasyon. sa kabila ng pagod na katawan, isang namamanghang ngiti ang guguhit sa mg labi; isang maipagmamalaking pakiramdam ang sasaklob sa sarili.
tunay nga't ang kaisipan ay walang palya sa paghahabi ng pinagtagpi tagping mga salita, subalit hindi biro ang pagsusulat. hindi man ako isang kwentista o makata, hayaan mong saglit kong ipasyal ang diwa mong lasing sa kabikabilang suliranin ng ating lipunan..
intro
bulong sa buwan
kung may paran sana upang marinig mo
ang isinisigaw ng damdamin ko..
sana'y naibulong ko na ito.
kung matatangay lamang ng hangin
itong mga halik ko patungo sa mga labi mo,
sana'y naramdaman mo na ang init nito.
kung may paraan sana upang madama mo ang mga yakap ko,
sana'y nakabalot ka na sa mga bisig ko.
kung sana'y sa bawat pagmulat ng mga mata'y
ikaw ang nakikita,
di sana'y ikaw ay kapiling na.
kung may paraan lamang sana..
TATLONG TAON
***alay sa tropa***
unti unting binabalot ng kadiliman
ang nakagisnang kapaligiran
animo ito'y sadyang pinagsawaan
at patuloy nang iniwan.
tila ang lahat ay mayroon nang taning
mga nalalabing sandali ay nakakabitin.
ang nakaguhit na masasayang ngiti
ngayo'y nasalinan na ng hikbi.
nagsimula sa kamulatan,
pinagtibay itong sariling bugkos.
bakit ngayo'y marahan nang nalulupos
at tila nag-uumpisa nang maglaho.
inakalang habambuhay na paraiso
itong pinanghahawakang ginto.
kasiglahan sana'y hindi maubos,
ngunit bakit ang lahat tila ay nagbago?
pilit ko na lamang na pipiringan ang mga mata
at maging bulag sa mga nakikita.
tatakpan na lamang ang mga tainga
upang magmistulang bingi sa mga dinidikta.
pipigilan ko na lamang ang bibig sa pagbuka
upang magsilbing pipi at hindi na makapasalita.
nais kong maging manhid sa katotohanan
upang hindi na makaramdam ng anumang alitan.
ang matitingkad na kulay ng pagkakaibiga'y
unti-unti nang humuhupa
ang musika ng bawat halakhak ay
isa-isa nang tinatangay ng panahon.
ano pa't ginawa ang lahat upang ito'y maisalba
kung sa kabila ng lahat ng pingasamahan
ito din nama'y tatalikuran..
at hahayaan nang mawala..
pink shadow
are all that i can remember
from your last night's sweet litany
stabbing words
piercing touch
disturbing serenity
are all that i have in this solitary
acceptance is all that i need...
takip silim
may mangilan-ngilang oras ko na ring binabaybay ang kahabaan ng kalayaan; di inaalintana ang patak ng ulan na sumasaboy sa aking yayat na katawan. waring isang basang sisiw na naglalakad sa kawalan. hindi ko maubos maisip kung bakit tila ako'y walang kahapuan sa kabila ng mahabang paglalakbay, tila ako'y dinadala na lamang ng sariling mga paa kung saan nito naising pumunta. tila baga may sariling pag-iisip at ako'y kanyang minamanipula at pinasusunod sa bawat kautusang nais ipagawa.
muli akong bumalik sa aking ulirat nang ako'y magpasyang sumilong at magpatuyo mula sa ngayo'y tumitila nang ulan. malamig ang paligid, malakas ang hanging dumadampi sa aking pisngi. tila isang mapagkalingang daliri na umaanyaya sa aking silid. nais kong matulog...matulog at tuluyang makalimot as makamundong realidad at mamuhay na lamang sa palasyo ng mga panaginip.
hindi ko mawari kung ano ang nais mong ipahiwatig. marami ang aking mga katanungan...mga katanungang ikaw lamang ang makpagbibigay ng kasagutan. tila isa kang unos sa isang payapang kabukirang may dalang panganib. subalit sa kabila ng kaakibat mong panganib, ako'y isang alipin na patuloy pa ring nagaantay sa iyong pagdating. subalit hanggang kailan? nais kong malaman ang layon ng minsang mong pagdating...nais kong malaman ang iyong kabuluhan.
hindi ko maubos maisip kung ikaw ba ay pawang totoong nilalang o isang ilusyon...isang tau-tauhang nilikha lamang ng aking mapaglaro at mapanlinlang na pag-iisip. nais kitang ikubli at angkinin subalit papaano?kailan? saan? marahil ay hindi ako pahihintulutan ng maramot na pagkakataon at mapagsariling tadhana, marahil ay ipagpapatuloy ko na lamang ang aking paghihintay bagamat walang katiyakan kung ika 'y muling masisilayan. marahil patuloy ko na lamang lulunurin ang sarili sa pag-asang baka dumating ang pagkakataong ako'y iyong sagipin. magsisilbi na lamang akong isang dilim na maghihintay habang ikaw na isang araw ay nagsasaboy ng liwanag sa ibang himpapawid.
gumagabi na. tila mga bituin na lamang ang nagbibigay ilaw sa daan bukod sa madalang na pagdaan ng mga rumaragasang sasakyan. tuyo na ang kaninang basang kamisetang kumakapit sa aking dibdib...tuyo na ang sapatos na kanina'y tumutunog sa bawat hakbang na itapak...tuyo na ang mga matang kanina'y naliligo sa hindi mabilang na patak ng luha. uuwi na lamang ako, marahil sa sandaling pumasok ako sa bahay ay naroon ka na at naghihintay...
querida
(alay sa mga number two)
Umaga,
Pigilan mo ang nagbabagang araw sa kanyang pagdungaw.
Huwag mong pahintulutan ang bawat nakasisilaw niyang sikat
Na sumaboy sa buong nahihimlay na kapaligiran.
Hayaan mong kahit ngayoy humaba ang nananahimik na gabi
At minsan pang pagharian muli ng buwan ang madilim na himpapawid
Sampu ng mga nagkikislapang bituin sa langit.
Sapagkat sa maikling pagkakataon lamang na ito,
Ang mga inaasam-asam koy matatamo.
At ang mumunti kong mundoy muling magpapatuloy sa pag-inog.
Hayaan mong sarilinin namin ang bawat ipinuslit na sandali
At nang ang mga masisidhing damdamin ay di na kailangan pang ikubli.
Sapagkat ang ganitong pagkakataon ay maaring di na muling maulit.
Gabi,
Huwag mong hayaang ipaghele ako ng antok
Kasabay ng init ng kumot na sa akin ay bumabalot.
At nawa'y iligtas mo ako sa pagkalunod sa mundo ng nakasusuklam na bangungot.
Hayaan mong sa makamundong realidad, kami ay saglit na bumukod
Upang ang kanyang damdamin sa akin ay malugod niyang ituon.
Sapagkat alam kong sa sandali lamang na ito, wala nang iba pa kundi ako.
Umaga,
Huwag kang maging maramot, ikay magparaya.
Huwag mong kitilin itong ligayang nadarama
At hayaang ang damdaming nauumid ay patuloy na pumakawala.
Sa huling pagkakataon akoy nagmamakaawa.
Naway pigilan mo ang iyong liwayway sa pagbuka.
Sapagkat sa paglaho ng mapagkandiling gabi,
Akoy patuloy na niyang lilisanin.
alak, yosi at ikaw
alak.
sa malamig at
mamawis mawis mong botelya
ako'y napapakapit sa tuwing ika'y dumadampi
sa aking mga labi.
sa bawat daloy
ng taglay mong kamandag
ay kakaibang mundo ang nararating.
langit sa kalagitnaan ng realidad.
hari sa sirko ng tagay at kampay.
yosi.
sa maputi't makinis mong katawan
at sa amoy mong nakakabaliw
sinusuko ko sa 'yo ang bawat oras
ng kasiyahan at katahimikan.
sa bawat hithit ng nakalalason mong gayuma
kakaibang ginhawa
ang nadarama.
tila tinatangay at napapadpad sa kawalan.
ikaw.
ang nag-iisa kong ikaw.
mundo ng sariling katinuan.
ilaw sa bawat kadiliman ng ating karimlan.
sa bawat hirap at ginhawa
nariyan ka at kaakibat.
binubura ang bawat luha
at pinapalitan ng walang 'sing tamis na saya.
alak, yosi at ikaw.
mga natatanging kakampi sa bawat giyerang sugurin.
subalit sa tuwing lango na sa kamandag at gayuma,
tila ako'y nakakalimot at tumatalikod.
bawat lagok ay mapapait na luha mula sa iyong mga mata.
bawat buga'y nagbibigay sa iyo ng pangamba.
bawat basyong itinataob,
bawat upos na nalulupos,
katumbas ay mga pangakong nadudurog.
hangad ko'y kapatawaran..
mahirap ma'y aking pipilitin
na ang alak at yosi ay i-isang tabi.
pasasaan pa't
lilipas din itong kabataan
at kusang itutwid ang mali..
ang pagkukulang ay pupunuin..
panahon lamang ang aking hiling
at lahat ng iyong lumbayay aking kikitilin..
Saturday Morning
27 wounds and a word embedded on my wrists are all i needed for me to realize is that my only hope was taken away from me once again..why does it have to be always like this?why me?so much fo everything that i held on to..i am tired..tired of believing all the false hopes and broken dreams..i have become a skeptic..a skeptic who will never be the same old gullible person that i was..but i still need to know the reason of my being..the reason why the wind took him away from me..i need to understand for me to calm the beast that i have become..i need to understand for me to save myself from the horror that i might do to myself..
at least for now..saturday morning07/07/07
ZKEY:
The beast inside was the beauty that sleeps between you and me Last saturday morning!!!
http://www.kauste.blogspot.com/
Pen Palaboy:
but the beauty that laid between you and I can no longer be seen..for these naked eyes can only see what is the wicked and what is unwanted..for this emotion can only feel angst and bitterness..this is my sweet revenge..this is what i have become since saturday morning..
ZKEY:
I was once blinded by the promise of blood and even tasted the kiss of ogre.If my words and poem can't save you from the beast that lives inside of you. I'll cry an endless masterpiece that paints the sweet revenge of a one dead poet. AhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhHHHHHHH
Pen Palaboy
If thy scream can serenade
the soul of the beast inside a helpless poet..
then maybe,
just maybe,
a glorious serenity
will blow the arms of these hands
and calm the horror within
