Photobucket

R. I. P. (Anti- Subversion Law)

tanikalang apoy
na kinakaladkad,
sibat kang tumarak
sa dibdib sumugat
at sa pagkadipang
bayubay ng hirap
talim kang humiwa
sa leeg ng hamak

narito kang tila
multong gumagala
inihahasik mo’y
takot at pangamba
ikaw ba’y babalik
upang ipagsama
sa iyong libingan
ang natamong laya?

di kami papayag
na umahon ka pa
sa puntod na sa iyo’y
aming hinukay na
kahit kalansay kang
sa amin’y magbabanta
duduruging pilit,
ibabaon sa lupa!!!

******************
Inilathala ng Bulatlat (www.bulatlat.com)
Vol. VII, No. 46, December 23, 2007-January 5, 2008

No comments: