Nagsimula ang lahat sa pagdidilim ng langit.
Waring naramdaman ng mga ibon ang
paparating na panganib.Tinatakasan
ang paglukob ng anino sa lupa.Ramdam
ang tensyon sa ugoy ng mga punongkahoy.
Pagkaraan ay bumulusok ang ulan.Kasunod
ang daluhong ng hangin.Sunud-sunod na hablig
na bumali sa tukod ng mga bintanang nanunubok.
Sa loob ng isang kubo,payapang natutulog
ang sanggol habang hinihele sa nanginginig
na bisig ng ina;idinuduyan sa mga pigil na yakap.
Sumasalag ng kaligtasan para sa bugtong
na anak.Sa gitna ng sigwa,paano nga bang
maihihiwalay ang oyayi sa awit ng kamatayan?
Sa pagtatapos ng unos bubungad ang isang
senaryo:isang sanggol na payapa pa ring
nahihimbing sa mga bisig ng inang wala
nang buhay.Isang larawan ng pag-aalay.
Madonna
Sinulat ni:
vener
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment