Saan patutungo ang pagawit ng lumang sakripisyo?
Hampas sa laman, lamat sa buto.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng apoy sa sulo?
Alon lang ba o isa ng alimpuyo?
Sa bawat tanikalang napapatid,
ay markado ang pag-aklas.
Kapatid sa paglaban, huwag ubusin ang iyong lakas.
Ano ang bukas kung ang sulong hawak ay pinapaso ang sariling kamay?
Si Sisang binaliw ng kahirapan at kalabisan, baliw pa rin ng namatay.
Bukas matang hindi tinitigan ang liwanag na naghihintay,
Binulag at biningi ng maling prinsipyong dapat ay gabay.
Sisikat ng muli ang araw sa malayong silangan.
Nawa'y madatnan kitang dala ang tula,
na ating isinulat mula sa mga natuyong putik,
sa ating mga paang hindi napagod
sa pag-ahon.
("Paitimin ng husto ang Pula, upang maging isang kaaya-ayang Lila")
Oda para kay klasmeyt!!!!(Salamat sa istorya)
Sinulat ni:
zkey
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment