Photobucket

Langgam sa Bilao

Nagtatahip ang ina ng inimis na bigas.
Maraming nalalaglag mula sa kiskisan.

Pasuray-suray.
Biling-baligtad ang mga langgam.
Nag-uunahang makalabas sa bilao.
Bagaman gutom din,
Iniiwasan ang bagsak ng luha
Mula sa inang balisa.

Tahip ng dibdib.
Kasaliw ng tahip sa bigas na imis.

Saan siya hahanap ng bigas na pantawid?
Bawal ng mamulot sa kiskisan.
Bawal ng makiusap na dugtungan ang buhay.

Nagpupulasan.
Di man nila sinasadya,
Ang paglabas sa bilao ay pakikisimpatya,
Sa mga tahip ng pagkabalisa.

No comments: