Latay sa Likod ng Kabayo
Napapaigik ang buto’t balat
na kabayo…
sa tuwing ihahampas
sa likuran nito ang latigo…
Kailan pa nga ba
maghihilom
ang mga latay na tinamo,
kung doon din sa dating sugat
hahampasin ng kutsero?
Lugmok na sa pagod
hinahampas pa rin ang likod.
Paulit-ulit nyang titisin
diretso lang ang tingin.
Tuloy lang sa pagtakbo.
Nagtitiis…
Magtitiis…
ang bayan ko!
______________________
...kung pangkaraniwan na ang kamatayan, ang pagkakaiba na lang ay kung para saan.
gusto ko......
gusto kong manumbalik ang dati kong sigla sa pagsulat ng mga tula at kanta.....
matagal-tagal din akong nahinto dahil sa mga elementong pagkaisipan at pangkalooban....
ngayon...
nami-miss ko ang ang paggawa ng mga bagong titik, bumuo ng bagong himig at madadagdagan ang mga likhang awitin.
kung saan ko nakuha ang dating lakas.......di ko tiyak.
marahil kailangan kong muling hanapin at balik-balikan ang mga hakbang upang matunton ang kasagutan.
Ebony and Ivory
Feel my Heart to the rhyme of your music,
Hear thy beat to the pound of your songs,
On the sweetness of your smile,
On every breathe that you take,
Oh Holy Mary of Thy Grace,
When will it end.
Sweetest Downfall
Yesterday i was alone
Sun shines and sets so fast
Flowers doesn't bloom
Time always strucks a heart ache
Rivers may stop flowing
Mountains starts to erode
Whenever I am weary
then I start to cry.
But everybody's changing
'till i walk in a mile
now time has passing
i'll just gonna try, once again.
I'm always searching
for a love that's true
nobody is enough
"till I met you.
All the sorrows starts fading,
grays become gold
Happiness fulfilled
and two daughters were born!
tula mula kay Ironman (batas ito!)
at bumaba ang anghel
sa mga lupa...
isinama ang liwanag
ng sikat ng araw
isinabay ang hangin,
tumugtog sa mga dagat...
at gumuhit ang bahag-hari,
pinalamutian ng mga bulaklak
at paru-paro
ang mga hardin, kung saan,
sa saliw ng awit ng mga ibon
nag-iindak ang mga halaman
sa tugtog ng dagat
lumundag ang mga isda,
pumalakpak ang mga puno....
habang pikit matang mag-iiwan
ng isang matamis na halik...
ganito ang nag-uumapaw na kagandahan
sa pagmulat ng aking mga mata
hanngang dalawin ng antok sa pagdilim,
sa pag-akyat ng buwan
habang masid ang hiwaga
sa bawat sulok ng iyong mukha.
habang ika'y kayakap
sa aking dibdib at nakahiga...
TATLONG TAON
***alay sa tropa***
unti unting binabalot ng kadiliman
ang nakagisnang kapaligiran
animo ito'y sadyang pinagsawaan
at patuloy nang iniwan.
tila ang lahat ay mayroon nang taning
mga nalalabing sandali ay nakakabitin.
ang nakaguhit na masasayang ngiti
ngayo'y nasalinan na ng hikbi.
nagsimula sa kamulatan,
pinagtibay itong sariling bugkos.
bakit ngayo'y marahan nang nalulupos
at tila nag-uumpisa nang maglaho.
inakalang habambuhay na paraiso
itong pinanghahawakang ginto.
kasiglahan sana'y hindi maubos,
ngunit bakit ang lahat tila ay nagbago?
pilit ko na lamang na pipiringan ang mga mata
at maging bulag sa mga nakikita.
tatakpan na lamang ang mga tainga
upang magmistulang bingi sa mga dinidikta.
pipigilan ko na lamang ang bibig sa pagbuka
upang magsilbing pipi at hindi na makapasalita.
nais kong maging manhid sa katotohanan
upang hindi na makaramdam ng anumang alitan.
ang matitingkad na kulay ng pagkakaibiga'y
unti-unti nang humuhupa
ang musika ng bawat halakhak ay
isa-isa nang tinatangay ng panahon.
ano pa't ginawa ang lahat upang ito'y maisalba
kung sa kabila ng lahat ng pingasamahan
ito din nama'y tatalikuran..
at hahayaan nang mawala..