kadiliman ng gabi'y ginulantang
nang sa ere'y pumailanlang
ang halakhak ni Ares...
at sa dakong timog
ay aking natanaw
ang pagguhit ng pulang ilaw
at ako'y nasilaw...
tinahak ko ang daan
patungong silangan
sa pagbabakasakaling
doon masumpungan
ang tunay na liwanag
ngunit sa bawat hakbang
ng aking mga paa
bumabaon sa talampakan
ang pira-pirasong bubog
ng basag na perlas...
sa diwa kong nangangalay
katanunga'y humihiyaw:
"may pag-asa pa kayang
sumikat ang araw?
kung ang awtoridad
ay nasa kanluran?"
at ang diwa kong pagal
ay tuluyang nahimlay...
sa pagbabalik-diwa
sarili'y natagpuan
sa pagitang ng dalawang
nag-uumpugang bato
sa buhay na katauhan
ni Bernardo Carpio...
Bernardo Carpio
FRIENDSHIP
Days will pass,
and things will grow old.
Flowers will bloom,
and soon will decay.
But when friendship starts,
all of the year it will remain fresh...
Friends will grow old,
but friendship will never.
As long as both cares,
it will remain young forever.
Death will separate it on earth,
but it will reborn in heaven...
wisik
hindi pa rin ako nakakapaligo
wisik wisik na lang...
lagpakan na ang mga libag ko sa aking paa
baka mapilayan ako....
mainam at may pag-ulan
mababasa ang mga tigang na lupa,
maliligo ang mga mababangis na hayop
uunlad ang hamog,
mapupunuan ang mga balon
ito yun matapos ang tagtuyot,
lalo na kung may nagpapaalala.....
malamig at tunaw(DREAM AND DRY CANDIES 1/12)
nilikha ang salitang paglisan,
kasabay ng pagbabalik,
kasunod ng mga alaala
habang lumulusong sa luha
hindi rin umaamin ang mga napipinid na pagpatak
at nagbabarang lalamunan
kapag mayroong paglayo...
lilipas nga ang panahon
dadalawin ka ng paglimot
aanurin sa kung saan ang aking ngalan
may mga maghihinampo
at mababasa sa ulan
may magaalis ng muta
at magkukusot ng mata
may magtataka
magtatanong ,
kaya...?
marahil... siguro nga....
ang pagbilang sa bituin ni bobong pilosopo
I. unang pagtatagpo
nagsimula siyang maglakad sa may rotonda
handang handa yaring mga paa
"saan ba ko pupunta"
"baka pede matulog sa luneta"
tangan ang diyaryong dalawang linggong naluma
ng paulit ulit na pag basa
"kuya pahiram ng dyaryo"
oo ba, basta ba ibabalik mo"
gusto ko na sana magpahinga
di naman mapigil yaring mga paa
"teka may anim na beinte singko pa ko
"kya pa siguro, kahit isang sigarilyo"
bakit?
sabi ng "bawal magtapon ng basura dito"
bat di mo rin maintindihan
na "bawal umihi dito"
kasama na yata yan sa kasaysayan
sa pagsasalinlahi,
o pakikidigma sa oras at kahirapan...
kaya?
ako si bobong pilosopo
hindi ako piksyunal na karakter
sa binabasa mong libro
huwag mo rin akong batukan
nasasaktan din ako...
II si bobong
may pamilya ka naman naturingan
mas pinili mo ang manitili sa lansangan
banyo mo ang buong mundo
gigisingin ka ng araw kapag oras ng magtrabaho.
"hindi na mahalaga kung sino ako,
ang una sa akiy, pagtatago ng sikreto
mainam na ito.
maiwaksi lamang sa gulo ng mundo
ang mga minamahal mo."
marami nakikipag-usap ang humahanga
subalit mas marami pa rin ang kumukutya..
at ang matamis na ngiti ay maglalaho sa labi
lalo na't lalayuan ka
di bale di ko naman nila ako kilala....
maliligo ako lalo nat may ulan
kasama na rin ang labada dyan,
itatanong mo marahil kung paano ako kumakain
kabisado ko na yata ang feeding program sa may amin...
III. simula ng maraming simula
masaya ako twing dapit hapon,
ibabalandra ko ang katawan katabi ng dagat,
hihintayin ko ang paglubog ng araw
dahil sa pagsapit ng dilim
bibilangin ko ang tangi kong yaman
wala kasing may ari nun
kaya akin na lang,
mga brilyanteng di ko nahahawakan
mga matang makislap na sa aki'y nakikipagtitigan
nagdudulot sa akin ng katiwasayan....
Dream And Dry Candies
mga pares ng matang kaylayo ng tanaw,
lamig ay dama,sa init nauuhaw.
damang kalungkuta'y hindi maitago,
matang nagtutubig,biglaang lumalabo...
dama ko ang bakas ng iyong paglayo,
ramdam ko ang hapdi ng kirot sa puso.
dalamhati tiyak sa iyong paglisan,
iiyak ang langit,luluha ang ulan...
ngunit tulad ng ilog,di-mapigil ang agos,
alam kong sa dulo tayo'y magtatagpo.
ang lahat ng bagay ay may'rong dahilan,
ang agos ng laya ay ating sabayan...
at tulad ng kendi matunaw man sa'king bibig,
maiiwan ang tamis,sa puso ko'y uukit...