sinulat ni: Oliver
Nagtatahip ang ina ng inimis na bigas.
Maraming nalalaglag mula sa kiskisan.
Pasuray-suray.
Biling-baligtad ang mga langgam.
Nag-uunahang makalabas sa bilao.
Bagaman gutom din,
Iniiwasan ang bagsak ng luha
Mula sa inang balisa.
Tahip ng dibdib.
Kasaliw ng tahip sa bigas na imis.
Saan siya hahanap ng bigas na pantawid?
Bawal ng mamulot sa kiskisan.
Bawal ng makiusap na dugtungan ang buhay.
Nagpupulasan.
Di man nila sinasadya,
Ang paglabas sa bilao ay pakikisimpatya,
Sa mga tahip ng pagkabalisa.
langgam sa bilao
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
antagal ko na palang hindi nakakapag tahip ng bigas.
bigla kong naalala yung el niƱo nung 1997 ba iyon? sa halip na bigas ang marami sa bahay...madaming pipino kasi yun yung kayang mag stand sa init.
Post a Comment