naroon ako sa ibabaw ng bunton ng mga kalansay,
tinatanaw ang unti-unting pagdidilim ng kalangitan.
sa aking ibabaw ay may ligaw na kalapati,palipad-lipad,
ipinapahiwatig na hindi pa ako kabilang sa mga patay.
nagbabadya ng sigwa ang hampas ng hangin sa aking
mukha,sumusugat sa mga kamay na ipinanghaharang.
naroon pa rin ang kalapati,sinasagupa ang hangin...
tuluyan na ngang bumagsak ang galit ng langit,
bawat patak ay umaalingawngaw sa aking pandinig.
bawat patak ay kalansing ng nagtatagisang tabak,
tumitilamsik ang dugo sa bawat paghahamok.
humahalakhak ang lupang naganid sa dugo.
naroon pa rin ang kalapati,sinasalo ang bigwas
ng unos na sana'y para sa akin...
bumaha ang dugo sa tigang na lupa,
nanimbang ako sa bunton ng kalansay.
sinulyapan ko ang kalapati,naroon pa rin
subalit bakas na ang hirap at pagod,
naghahanap ng madadapuan ang lasog na katawan...
ibinigay ko ang aking palad upang dapuan,
subalit tumanggi,at tuluyang nagpatihulog,
humalo sa dugong umaapaw sa lupa...
mag-isa ko ngayong binabata ang hirap,
sinasalo ang dagok ng nag-aalimpuyong sigwa.
muling nanariwa ang mga dating latay
na likha ng mga lumipas na unos...
...sa pagtatapos ng bagyo,naroon pa rin ako
sa ibabaw ng bunton ng mga kalansay.
sa ibabaw ko ay naroon ang ligaw na kalapati,
may mga bahid ng dugo sa pakpak.
sa muling pagsikat ng araw,
nakatanaw pa rin ako sa kalangitan.
hindi na ang bagyo ang bumibingi sa akin,
kundi ang mga tinig ng hinagpis at hinaing.
lumikha ng arko ang mga dugo at luha sa kalangitan.
ipinikit ko ang aking mata,hindi ko nanaising makita
ang itim na kulay ng bahaghari...
Itim Ang Kulay Ng Bahaghari
Tapik Sa Balikat
Kung ang bawat pag-ibig
na may makulay na simula;
makulay din sana ang nagiging wakas,
kaysaya...
kaygaan ng pakiramdam,
kung ang bawa't pag-ibig
ay nabibigyang kaganapan.
Wala sanang panghihinayang
sa iningatang tamis ng bawat lumipas.
Wala rin sanang luhang mababakas
sa mga matang di maititig at maiharap
sa nakikiramay mong mga titig at
paglingap.
Masarap maramdaman
ang marahan mong tapik sa aking balikat.
Tapik ng pag-aalala at pagsisikap
na ipadamang nariyan ka lang...
handang dumamay sa pait na nararamdaman.
Sana dumating ang panahong
maititig ko rin sa iyo ang aking mga
mata.
Panahong ako naman ang magpapasaya...
ang magpapahid sa iyong mga luha.
Sana...
ang paglimot ay matutunan ng puso...
maampat ang luha sa mga matang namumugto.
Masumpungan sana ang daan papunta sa
iyo..
Maramdaman kung gaano ka kahalaga...
Bago ka pa mapagod.
Bago ka pa mawala.
Sana nga. . . sana nga.
Kabilang Sulok Ng Bilog
Minsan hindi nangangailangan ng bago para maging ganap na masaya. Dahil minsan kailangan gamitin mo ang lungkot para makita ang tunay na kahulugan ng kasiyahan! Sa mundng mong may lapis at papel nananangan ang paraiso na tanging lunas sa mahabang pagkakahimbing. Hayaan mong maging ganap ang lahat at doon makikita mo na bago na pala ang lahat. Gaya ng dati!!
I Will Be Your Friend
My friend
when inside you are hurting
and only I know
I wish the forces of nature
were at my command
I would reverse time
and make you smile
when deep inside you
a storm is raging
and your soul is but a boat
upon the lonely seas
I want to calm the waves
and bring you home
I am always here if you need me
to cry with you if you need me
to laugh with you
to pray with you
to run with you
to live life with you
You are my friend
I will never leave you
Love Never Fails
PTL
"Commit thy works unto the LORD, and thy thoughts shall be established."
- Proverbs 16:3
God bless and Enjoy...
"Love never fails"
Love never fails
even in a modern time
It always leads, never trails
even if there comes persecution and crime
God's Love is Infinite
It never fails, it never ends
Our God is Infinite
His Reign never ends
No matter where you may be
what time it it
Christ's Love you will see
makes your inner self more than fit
His Love is Awesome
Infinite, Unfailing and Gracious
Never arrogant or quarrelsome
His Love is Truly Precious
His Love never fails....
To God be the glory always
A friend is…
A friend is someone you can turn to.
A friend is someone who you can call your own.
A friend is someone who shows you love and respect.
A friend is someone who cares for you.
A friend is there to make you smile.
A friend is someone who makes you happy.
A friend is someone who understands you.
A friend is someone who is special.
A friend is there to support you.
A friend is always there for you.
A friend is someone who comes to you for help.
A friend is someone you can trust.
A friend is someone who loves you for who you are.
A friend is someone who will always be cherished.
A friend is someone who takes care of you.
A friend is someone who will always be your friend.
FLAME TO A MOTH
i should come with a sign
to keep you from me
cos you just won't heed their warnings
and i'm as powerless to stop you
as you are to stop yourself...
you're not the only one
held hostage by desire.
if i could, i would run
but i crave the way you flutter
and i melt against your wings
sweat on skin
and i heat up all the more
as you draw closer
eager for your kiss...
desist, dear moth!
because i cannot help myself
loving me ends tragic'lly
and it makes my blood run cold, knowing
i'd have to watch you burn
before my very eyes
under my very touch.