Let not the shower
of despair trample
me on through the dome
of divine abattoir
Let not my angst nor
grief push me to the
gates of solitude
For these sorts
are mere vanities and
wild pretension
Let not this gloom
stream forth into my dale,
where bios and zoe
makes their stand
against each selves
that keeps their flames
of desires going
All of these, let not let not,
but let the desire
of killing the bios, be my
impetus to tread inside
the dome of solitude..
Let it be the mystic flame..
divine abattoir
Coffe with God
If He'd ask me
How I'm doing
I'd say nothing much
Just improving
My thoughts, my life
And finding reasons
To strive
To live in a place
To live and not waste
Any moment
and every event.
If He'd allow me
To ask anything
I think I would ask
Why create everything?
All You do is look at us
From above
Gaze and stare
Even if were not aware
The gift of life
Surely is a gift
But more of a curse
And we suffer from it.
We love other people
We invest emotions
But in the end You'll take them
Without any caution
That our hearts will become
Hollow
Gallons of tears will soon
Follow
The healing is not assured
Mostly there is no
Cure.
We get sick
We become evil
We destroy
And we will
Do it over and over
Again
Why create us then?
Maybe He'll just laugh
Or maybe He'd ask
What do you want?
I'll look at Him
As I give Him my mug
Words from my mouth
"Please fill my empty cup"
My Lass
Maiden Le Fair,
A.rdent sweet embrace you gave
Caressed my whole being as we
Rolled each other's lips tight.
I fell deep into your arms
Stricken with awe and enticement
Till your breath kissed mine.
I live, and
Never shall I die!
And you,
M.y sweet maid, my
Lady of the clouds,
Are the treasure, dearest
To behold!
Oh, hold me with
Zest and fervor
As we drop limp in ecstatic joy...
PARA SA INYONG LAHAT!!!
Isang natatagong kayamanan
bagong tuklas na kakayahan
Halika't alamin ang sining
na gawa ng lakas ng isipan
Minsan pa ay pasukin ntin
ang mundong gawa nila
Daigdig ng panulat at
kakaibang mga likha
Sa bawat kumpas ng lapis
ay parang isang daan pabalik sa panahon
Panahong nabuhay ang mga bayani ng kahapon
Hayan na sila!!!
Ang mga makabagong manunulat
Dugo ng mga bayaning nananalaytay sa ugat
At muling umagos ang ilog
ng natuyong tinta
Pagyayamanin ang lahat
ng dadaluyan nila
Mamumukadkad muli
ang mayayabong na halaman
Tatamis ang bunga
ng puno ng kaalaman
Mga bagong kaibigang
tatatak sa aking isipan
Mga kasamang hindi ko
kaylanman kakalimutan
Iniaalay ko ito
sa lahat ng nandito
Sa lahat ng mga taong
hinahangaan ko
At sa panahong ito
na limot na ang kahapon
Muling babangon
mga dakila ng makabagong panahon...
Hinahanap Ka Namin
Kalayaan…
tulad mo’y masuyong hangin
na humahaplos sa malikot na salamisim.
Humuhugos na daluyong sa dagat
ng bawa’t naming tagimtim.
Dahon kang kumakaway
sa tuktok ng bumbunang hinibang.
tindakan ng hapis ng mga anak
mong dantaong dinalipay.
Alimpuyong dumadarang,
pumipisan at sumisigaw
sa duguang balikat ng mga pilapil
na pinagliliyab ng sanghaya
ng mahapding paghahamok.
Piping saksing nanambitan
sa bawat kadustaan
niyaong mga kaluluwang
tinakasan na ng pita at aliw-iw;
ng mga tibok ng damdaming
pinanawan na ng ungol at pagkasing.
Hindi kami mabubuhay
nang malayo sa iyong piling.
Lingunin mo kami at yakapin.
Hinahanap ka namin.
takip silim
may mangilan-ngilang oras ko na ring binabaybay ang kahabaan ng kalayaan; di inaalintana ang patak ng ulan na sumasaboy sa aking yayat na katawan. waring isang basang sisiw na naglalakad sa kawalan. hindi ko maubos maisip kung bakit tila ako'y walang kahapuan sa kabila ng mahabang paglalakbay, tila ako'y dinadala na lamang ng sariling mga paa kung saan nito naising pumunta. tila baga may sariling pag-iisip at ako'y kanyang minamanipula at pinasusunod sa bawat kautusang nais ipagawa.
muli akong bumalik sa aking ulirat nang ako'y magpasyang sumilong at magpatuyo mula sa ngayo'y tumitila nang ulan. malamig ang paligid, malakas ang hanging dumadampi sa aking pisngi. tila isang mapagkalingang daliri na umaanyaya sa aking silid. nais kong matulog...matulog at tuluyang makalimot as makamundong realidad at mamuhay na lamang sa palasyo ng mga panaginip.
hindi ko mawari kung ano ang nais mong ipahiwatig. marami ang aking mga katanungan...mga katanungang ikaw lamang ang makpagbibigay ng kasagutan. tila isa kang unos sa isang payapang kabukirang may dalang panganib. subalit sa kabila ng kaakibat mong panganib, ako'y isang alipin na patuloy pa ring nagaantay sa iyong pagdating. subalit hanggang kailan? nais kong malaman ang layon ng minsang mong pagdating...nais kong malaman ang iyong kabuluhan.
hindi ko maubos maisip kung ikaw ba ay pawang totoong nilalang o isang ilusyon...isang tau-tauhang nilikha lamang ng aking mapaglaro at mapanlinlang na pag-iisip. nais kitang ikubli at angkinin subalit papaano?kailan? saan? marahil ay hindi ako pahihintulutan ng maramot na pagkakataon at mapagsariling tadhana, marahil ay ipagpapatuloy ko na lamang ang aking paghihintay bagamat walang katiyakan kung ika 'y muling masisilayan. marahil patuloy ko na lamang lulunurin ang sarili sa pag-asang baka dumating ang pagkakataong ako'y iyong sagipin. magsisilbi na lamang akong isang dilim na maghihintay habang ikaw na isang araw ay nagsasaboy ng liwanag sa ibang himpapawid.
gumagabi na. tila mga bituin na lamang ang nagbibigay ilaw sa daan bukod sa madalang na pagdaan ng mga rumaragasang sasakyan. tuyo na ang kaninang basang kamisetang kumakapit sa aking dibdib...tuyo na ang sapatos na kanina'y tumutunog sa bawat hakbang na itapak...tuyo na ang mga matang kanina'y naliligo sa hindi mabilang na patak ng luha. uuwi na lamang ako, marahil sa sandaling pumasok ako sa bahay ay naroon ka na at naghihintay...
Ang pangalan ko’y Pilipinas
Hindi ako si Narcisus na bida sa mga
alamat
Wal a sa akin ang kakisigan o
kagandahan
u pang sambahin… pakatitigan
ang sariling anyo sa harap ng
pinagtining na tubig-batis..
Hindi marapat.
Walang kahulugan ang linaw ng tubig
gaano man ito kalalim.
Ang titigan at sambahin
ang sarili kong anyo ay lalong
magpapabig at
sa di-matingkilang sakit at
pagkabagabag…& lt;BR>sa mga hapdi at
latay ng pagkasadlak
sa putikan
Ang sarili kong anyo’y niyurakan
ng mga anak kong nagkanulo at
nagpagahasa
sa yaman at kagandahan kong taglay…
Makik isig silang namintuho
at nagpakita ng pagpapahalaga
Huw ad na pagmamahal pala
na sa kalaunan ay pinagmistulang sisiw
na pinadagit nila sa agila…
upang busugin lamang ang kanilang
pagkahay ok
at magdusa sa gitna ng kanilang
pagpapas asa…
Ako na sarili nilang ina…
Ipinagkanulo nila upang magkamal
ng yaman na kaya ko namang ibigay sa
kanila..
Hi ndi ako si Narcisus na bida sa isang
alamat…
Ang pangalan ko’y Pilipinas.