Natabunan na ng makapal na ulap ang 'yong pag-asa
'Pagkat 'di mo na makaya pa matinding pagdurusa
Ang naghihintay na kinabukasan ay 'di na mabasa
Musmos ka pa lang ngunit inalipin na ng problema.
'Di ba dapat ang buhay para sa iyo'y puno ng kulay?
'Pagkat Nene ka pa lang na wala pang kamalay-malay
Ngunit sadya yatang kahirapan ay isang halimaw
Kaligayan sa puso mo ay tuluyan na nitong inagaw.
Marahil pakiramdam mo isa kang batang lagalag
Walang patutunguhan at hindi mapana-panatag
Kung kaya't sa mundo'y nagpasya ng tumiwalag
Baka sa kabilang buhay nandun hanap na liwanag!
Ninais mo lang namang magtamo ng edukasyon
Ngunit 'di makapasok dahil laging walang baon
Kahirapan ay mistulang sumpa na 'yong susun-suson
Sa araw-araw, kayo ng pamilya mo'y nagtitiis ng gutom.
Mga karaingan sa buhay ay 'di mo maihibik
Kaya't sa kapirasong papel na lang itinitik
Makaahon sa hirap, lagi mong pinapanaginip
Pag-ibig sa magulang at mga kapatid ang kalakip.
Sa iyong pagpapatiwakal sino bang dapat na sisihin?
Ikaw ba na musmos, marupok lang ang damdamin
O ang lipunang pabaya na sa kahirapan ay nagsusupling?
Mga pinuno'y pawang inutil bagama't nagmamagaling!
Ba't ngayon marami ang sa iyo'y nakikisimpatya?
Gayung huli na't hinanap mo na ang sariling laya
Ah, mapalad silang mayayamang kunwari ay pinagpala
Ilan pang batang tulad mo, sa hirap ay nakatanikala?
Tula kay Mariannet Amper (12 anyos na nagpatiwakal dahil sa matinding kahirapan)
CURTAINS DOWN
curtains down, dim the sun
i lay on the sheets
and you walk over
my velvet lover
with a smile meant just for me
and time lost us for a moment
as i lost myself under you
time lost us for a lifetime
and left us sated, through and through
curtains down, dim the sun
block the world from view
as skin to skin and on the verge
our needs conversing, we gently merge
as endless as the afternoon
when time lost us for a moment
and you lost yourself in me
time lost us for a lifetime
pleasure in your mysteries
curtains down, dim the lights
as i lay on moonlit sheets
and you, my lover
roughly discovers
all my secrets you would keep
IAWIT MO SA AKIN
maliit ang mundong aking inangkin
ngunit pilit pang pinasisikip at pilit akong dinadala
ng nakatanikala kong mga paa
sa malaki, madilim at malungkot na daigdig
hanapin mo ako
at ialis sa malungkot na mundong ito
buksan at pakatalasan mo lamang ang iyong mga tainga;
kahit nakapikit ang iyong mga mata
ako'y iyong makikita
hindi ako nagtatago
ako'y nawala at kinupkop
ng mga gunitang dapat ay patay na
tinuruan mo ako
kung papaanong humanap ng kislap at ningning
ngunit ano'ng saysay ng kislap at ningning
kung ang bawat kinang mismo ang pumapatay sa atin?
wala akong makita
wala..ang liwanag na nagpasaya
ay naglaho at iniwan akong nag-iisa
alam kong makikita kong muli ang paraiso
nalalapit na ang panahon upang ang mga sugat
ay maghilom at ang mga pangit na alaala
ay tuluyang mailibing na
harapin mo at sundin ang gusto ng panahon
sila ay dapat na kaibiganin
sila ang gagabay upang ika'y ilapit sa akin
hayaan mong matuka ka ng mga ibon sa iyong paglipad
yakapin mo ang ulap upang maramdaman mo
kung ano ang sarap at sakit ng may sugat
ang hapdi ng bawat dampi ay ang susi sa daan ng pag-uwi
sa pagsundo mo sa akin, hahanap tayo ng bahaghari
at tutuklasin kung ano ang kulay
ng buhay at ibibigay ko sa iyo
ang tunay na liwanag na kay tagal nang minimithi
kailanma'y hindi mawawaglit
kailanma'y hindi mapapawi.
Kung Ibig Mong Mawaglit sa Kasalukuyan
Kung ibig mong mawaglit sa kasalukuyan
Ang pagtakas ay isipin na karuwagan
Harapin nakapikit na katotohanan
Malupit niyang kaanyuan ay titigan.
Kapain mo, kaibuturan ng 'yong dibdib
Hanggang ang sarili ay tuluyang malupig
Sige, magpakalunod sa 'sang timbang tubig
Habang nabubulunan sa munting pinipig.
Tulugan ang bulaang pantasya't alamat
Umasa ka lamang sa iyong pandalumat
Isiping may taglay kang birtud o agimat
'Di kakapitan ng naknanaknak na sugat.
H'wag magtangkang tumanaw sa lumipas
'Pagkat lahat ng ito ay pawang napilas
H'wag maging propetang nanghuhula ng bukas
Kasalukuyan ay puno ng pandarahas.
Maglulunoy ka ba sa lagablab ng apoy
Hanggang matuklasan hiwaga ng kumunoy?
Bakit?Bakit nanasain mong maparool?
Sa kasalukuyang maraming humahatol.
Hindi katunggakan saglit na pagkawaglit
Ito'y pagbalikwas upang magbigay-init
Paglikha ng sariling paraiso't langit
Sa deliryo ng habagat na humahagupit.
Rebirth of the Ancient Cities
I
tiny creatures of the earth
submerged in mere folly
of an ancient cities; once
burned and sacked by
the heavens wrath
Woe to thee people of dust,
transporting thy self to the
hot mass of deluge, turning
against the path bestowed upon
the dilapidating race of mankind
by the Son of Man..
Who says that we live in an age
where gods of the myth
were already killed by the saints?
Who says that we live in an age
where idolatrous craps do not exist
any longer?
Thats at least for a while
For gods of the myth had only
put on a rest upon the fallacy
they once disseminated upon
our ancient fathers..
And now the idols have regained
their strength; reigning within
the threshold of rationalism.
II
A city breathing through the devils
breathe, kissed by the fallen mass
of angels, there rests the couch
he seeks and found, an idol god
named reason..
A throne imbued with the licks
of lust, drugs, and crime
and within the core of the sun,
in the name of an idol god,
there sprout out the culture of death,
spreading throughout his empire
Hail thou sleepers, get up and rise!
Climb the pinnacle of the highest plateau,
then come watch below..
Witness the rebirth of the ancient cities!
SAKTO LANG!!!
"kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagbuhos ng pagmamahal na namamagitan sa ating dalawa.."
dehins na importante kung meron mang ibang hindi nakakaalam.. sakto nang alam ko na alam mo na mahalaga ka para saken.. sakto nang nararamdaman mo ang iisang pangarap nateng dalawa na yumayakap sa bawat umagang dumadating sa'ten.. tama nang malaman ko na ako ang nag-iisang stick ng kendi para sa lollipop mo.. ok na ung pagpapalitan naten ng ngiti sa gitna ng maulan na panahon..
hindi na kailangang punan ng isa pang oras ang pagtatagpo ng ating mga hakbang sa mataong kalsada.. hindi na din kailangan pang manatiling magkahawak ang kamay naten sa ilalim ng lamesa't patagong naghaharutan ang ating hinliliit habang kumakain tau kasama ang mga kaibigang patay malisya(?) sa kakaibang "CONCERN" naten para sa isa't isa.. -wink-
auko ng magrequest pa ng isa pang kindat mula sa langit.. dahil kalabisan na yon.. ou! isang kalabisan na siguro ang mga pagkakataon na nagsosolo tau sa "sulok" para magkamustahan at magkwentuhan.. masaya na din naman ung palihim nateng abutan ng araw-araw nateng regalo para sa isa't isa.. regalong nakatuwaang pulutin, pitasin, bilhin sa tabi-tabi.. ^___^ sweet? hahaha!
bakit pa ko maghahangad ng habangbuhay kung kasalukuyan ko na tong nararanasan.... sa piling mo at ng ulan!
saktong sakto lang..
saktang sakto ka lang para saken..
sakto para magpatuloy ang pag-iral ko..
MASAYA!!!!
*para ke ULAN*
-ako si banik-
PADAYON!!!
Lola at Tatay
Mainit
maalinsangan,
matao..
Hindi pansin ang ingay.
Tahimik
nagdarasal.