Photobucket

Oda para kay klasmeyt

Saan patutungo ang pagawit ng lumang sakripisyo?
Hampas sa laman, lamat sa buto.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng apoy sa sulo?
Alon lang ba o isa ng alimpuyo?

Sa bawat tanikalang napapatid,
ay markado ang pag-aklas.
Kapatid sa paglaban, huwag ubusin ang iyong lakas.
Ano ang bukas kung ang sulong hawak ay pinapaso ang sariling kamay?
Si Sisang binaliw ng kahirapan at kalabisan, baliw pa rin ng namatay.

Bukas matang hindi tinitigan ang liwanag na naghihintay,
Binulag at biningi ng maling prinsipyong dapat ay gabay.

Sisikat ng muli ang araw sa malayong silangan.
Nawa'y madatnan kitang dala ang tula,
na ating isinulat mula sa mga natuyong putik,
sa ating mga paang hindi napagod
sa pag-ahon.

("Paitimin ng husto ang Pula, upang maging isang kaaya-ayang Lila")

1/8

MY DEAREST WARM PILLOW OF WINTER,
I'M SURROUNDED BY SPIDER'S WEB.

CRUCIFIED TO THIS BED.

AND THAT SOUND ON THE ROOF CONTINUES...

EMBRACE ME NOW.

Oda para kay klasmeyt!!!!(Salamat sa istorya)

Saan patutungo ang pagawit ng lumang sakripisyo?
Hampas sa laman, lamat sa buto.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng apoy sa sulo?
Alon lang ba o isa ng alimpuyo?

Sa bawat tanikalang napapatid,
ay markado ang pag-aklas.
Kapatid sa paglaban, huwag ubusin ang iyong lakas.
Ano ang bukas kung ang sulong hawak ay pinapaso ang sariling kamay?
Si Sisang binaliw ng kahirapan at kalabisan, baliw pa rin ng namatay.

Bukas matang hindi tinitigan ang liwanag na naghihintay,
Binulag at biningi ng maling prinsipyong dapat ay gabay.

Sisikat ng muli ang araw sa malayong silangan.
Nawa'y madatnan kitang dala ang tula,
na ating isinulat mula sa mga natuyong putik,
sa ating mga paang hindi napagod
sa pag-ahon.

("Paitimin ng husto ang Pula, upang maging isang kaaya-ayang Lila")

wish I could be your rain

if i could simply be
the thing that
i would wanna be,
i'll be happy to be the rain
that endlessly
pours down on you...
so i could kiss away the tears
which flows down
from your cheeks...

I shall come to you
with a promise
not to be tired
of drowning out...
of washing away...
and of melting
those bricks of emptiness;
and those walls of solitude
which you had built in bitterness...

But sadly...
I cannot be that rain...
for i have my own tears
which falls down on my cheeks...
also waitin' for some rain
to be drowned and washed away...

I could but sigh in pain
for i have nothing to offer...
only a heart
which could share with you...
could cry with you,
...in your sadness…
...in your pain.

Ang Pagsusulat

Sa pagsusulat daw lalo na’t kung ikaw ay isang baguhang manunulat ay maaring ang iyong mga gawa ay may impluwensiya ng kung ano man ang iyong nabasa. Maaring halaw din sa kung anong iyong nabasa. Ito ay ayon kay Bobong Pinoy, na siguro siya man din ay ganun din, nung una siyang magsulat.

Sang ayon ako sa kanya at siempre depende iyon sa kung ano naman ang hilig mo na laging basahin. Kasi ba naman eh kung laging FHM, Playboy, Tiktik, Sagad, at yung mga kauri nito nalang ang malimit mong basahin eh malamang magsulat ka na nga rin,
He he he . Masarap yatang magmunimuni ng kung anu-anong bagay lalo na’t nag-iisa isa ka sa kwarto mo at tahimik. At siempre para lalong masarap eh kasama mo ang boyfriend mo, este, girlfnriend mo sa pagtuklas ng iba pang bagay, duooonnnn sa nabasa mo at duooonnnnn sa isusulat mo. (ehem!)

At kung ang hilig mo ay Romance? Uummm! Sarap talagang ma-In Love!! Damang dama mo ang kiliti sa Puso, lalo na’t malimit mong nakikita ang Crush mo.

Sana Pansinin ako!

Sana Cross-Eyes kami, este, mag Cross ang eyes namin. Sabay tungo ng konti na medyo parang napahiya dahil napatingin. (Oooyy!)

At kung ang hilig mo naman ay Sad Stories, siempre, eto yung may kirot sa dibdib. Hikbing di mapigilan na parang sininok. Kahit lalaki ka eh, mangingilid ang luha sa sulok ng iyong mga mata at tutulo na lang ng di mo napapansin. At siempre, mabilis mong kuskusin ng kamay mo ang iyong mga mata dahil baka may makakita! Tapos ipapasok ang dalawang kamay sa bulsa na habang nakatungo ay kukuya-kuyakoy pa.

Pa Feeling Macho ka pa ha! Iyakin ka rin Pala! Baklaaaaaaa!!!!!!!!

At yung malimit kong basahin, (hindi yung una kong binanggit, Bweseettttt!!!).

Puro Jokes Yun!

Meron din horror….. Pang Pepeng Agimat at Pedro Penduko….. Pambata..… medyo bata….. mas bata pa uli ng kaunti..…. pabata ng pabata,…. at medyo seksi pa? Yun ang hilig ko!!! (DOM! Este Phidophile pala, Ngekk!)

At siempre, parang sine, kayo na ng kaibigan mo ang nakabasa nito eh, eto pa rin ang pinagkukwentuhan nyo.

ZACHARIEL

Missing you,
yet can't find the right words to say.

what do i misses in you?
hugs, kisses, a simple touch on my back,
saying I love you, face to face!

Hmm...me nagging at you!
hearing your singing voice!
seeing your ever sleepy eyes!
your smirk! your laughter!

I even miss drinking our coffee together!
looking at each other and making a funny comment!
that will lead to a tickle fight!(you always lose!)
and then dancing with the music only in our minds!

Playing mind games! (that will lead to nonsense words)
callimg me sexy! and beautiful!

Misses your armpits!
your protruding tummy! (where? inhales deeply!)
and last of all the bonus massage...
at the end of the day, everyday!!!

Madonna

Nagsimula ang lahat sa pagdidilim ng langit.
Waring naramdaman ng mga ibon ang
paparating na panganib.Tinatakasan

ang paglukob ng anino sa lupa.Ramdam
ang tensyon sa ugoy ng mga punongkahoy.
Pagkaraan ay bumulusok ang ulan.Kasunod

ang daluhong ng hangin.Sunud-sunod na hablig
na bumali sa tukod ng mga bintanang nanunubok.
Sa loob ng isang kubo,payapang natutulog

ang sanggol habang hinihele sa nanginginig
na bisig ng ina;idinuduyan sa mga pigil na yakap.
Sumasalag ng kaligtasan para sa bugtong

na anak.Sa gitna ng sigwa,paano nga bang
maihihiwalay ang oyayi sa awit ng kamatayan?

Sa pagtatapos ng unos bubungad ang isang

senaryo:isang sanggol na payapa pa ring
nahihimbing sa mga bisig ng inang wala
nang buhay.Isang larawan ng pag-aalay.