Photobucket

ang tanong sa kanila-freeverse

ang bagal ng buhay
bawat minuto ramdam
ihip ng hangin, mga ibon at awitin.
mga letrang nasa mata lamang nakatatak
galing sa ibat ibang tanawin
sariling hinga ng buhay naagda
anu pa nga ba ang dapat makita?
upang sa titik ito'y iukit.
ako, tayo madaling makakita..
panu ang ibang taong mababaw ang paniniwala
sa letra man o titik na nakahibla
dapat ko bang ipinta
bawat salita na aking nadadama?
kung maari lamang kasama sa panulat ay pintura
kung saan lalabas litratong buhay at di nabubura
kung ganun sana lahat ay may paniniwala
sa simpleng letra masasabi nila" ito ay maganda".

No comments: