Mataman nating pinagmamasdan ang dagat.
Sinusukat ng tingin ang agwat ng alon sa isa't isa.
Inililista sa tubig ang mga kalkulasyon.
Namumuhay tayo sa gitna ng pagbabakasakali.
Minsan nilulusong natin ito.
Sinisikap arukin ang pagitan ng oo at hindi;
Ang hindi mapunuang puwang ng marahil.
Nasa mata ng tumatanaw ang lalim;
Ang hindi masilip na butas ng solusyon.
Minsan,may nangangahas na sumisid.
Kadalasan hindi naaabot ang layon.
May nakararating ngunit pag-ahon
Sumusuka ng buhangin.
Hindi sa kakayahang lumusong nakasalalay
Ang lahat,kundi sa hangaring maiahon
Ang kubling hininga sa pusod ng dagat.
Matagal na tayong lunod,hindi nga lang ganap.
Teorya
Sinulat ni:
vener
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment