Photobucket

Isang Panawagan!!!

Gumawa po ako ng Fun climb Itinerary para na rin sa ating matagal ng inaasam na GEB. Actually, lakad ko po ito talaga itong darating na sunday. Nagbabakasali lang po ako kung may interesadong sumama. Kung sakali mang wala eh tuloy pa rin po ako mag-isa(hehehehe).

ANG PAGTATAGPO NG MGA LIGAW NA MANUNULAT(Part 1)

Fun Climb: Mt. Manalmon/Gola
(Sitio Madlum, Brgy Sibul San Miguel Bulacan)
January 13, 2008
Budget: 800Php(maluho na yan)

Food: Pack Lunch

0600 Kitakits at BALIWAG Terminal Cubao
0700 ETD from Cubao, take bus bound to Cabanatuan (120Php)
1000 ETA Brgy. Kamias, San Miguel; take tricycle to jump-off (P50)
1030 Arrive at jump-off; register and get guides
1100 Packs on back/ Start Trek(adventure begins)
1200 ETA foot of Mt. Manalmon
1300 ETA peak; Chow Yun Fat/Kodakan/Tawanan na walang humpay
1400 Start descent
1500 Back at river maya/ Swimming/kwenthuhan/Merienda/Poetry Reading(Oha!)
1600 Final preparation
1700 ETD from jump-off (point of origin)
1730 ETA Brgy Kamias, San Miguel Bulacan(take bus bound to Pasay)
2100 Nasa bahay na kayo dala ang alaala ng pag-akyat…..

Mga kailangan dalahin:
Pack Lunch and Merienda
2 liters of water
Bag Pack
Kikay Kit(hindi pwede magdala ng blush-on Joke!)
Pack Lunch
Trash Bag/Plastic bag (para sa basang damit)
3 shirts and underwears/ shorts/trekking pants(kung meron)
Trekking shoes/Sandals/Havianas(kung wala kayo nito, ang Rambo Red ay pwede)
Camera (sa mga mahilig magposing-posing)

Paalala:

Sa mga gustong sumama ay iemail po ako sa Likastubig@yahoo.com. Maaari rin po kayong magsama ng inyong mga kaibigan. Siguraduhin lang po na siya ay matino at walang sayad(joke). Ang Mt. Manalmon po ay isa ng National Park kaya panatilihin po nating nasa ayos ang lahat. Maging sensitibo din po tayo sa ating paligid at sa mga taong naninirahan sa paligid nito. Mahigpit pong ipinagbabawal ang bandalismo, pagiingay at pagkakalat sa lugar. Ipinagbabawal din po ang pumutol ng punong kahoy at pagtripan ang mga pananim.
Kayo po ay pinapayuhang magdala ng Trekking Sandals o kaya ay tsinelas(bukod pa sa sapatos) dahil tayo po ay tatawid ng River Maya. Ito po ay para maiwasan na mabasa ang inyong mga sapatos at upang maiwasan na rin ang pangangamoy ng inyong mga paa. Wala pong hiraman ng toothbrush subalit maari pong manghingi ng toothpaste. Pinapayuhan din po ang mga sasama na huwag mag skinny jeans. Tayo po ay tatawid ng ilog kaya ang shorts o salawal ay tunay na kinakailangan. Ang pantalon po ay maaari na ninyong gamitin paguwi. Huwag din po palang kalilimutan ang mga gagamitin ninyo sa inyong pagkain(kutsara at tinidor). Maaari din po kayong magdala ng mga dilata dahil may malulutuan naman po tayo. Picnic style po tayo sa Merienda kaya hati-hati na lang po sa mga dala nating pagkain. Masaya yun diba. AMININ MO!!!

Iemail po ninyo sa akin hanggang Miyerkules ang inyong mga free time at Location this week upang maiSet natin ang Pre-climb. Wala pong magaganap na pag-akyat kung hindi tayo magkakaroon ng Pre-climb. Ito po ay upang maiwasan ang ano mang pagkalito at upang mabigyan kayo ng sapat na kaalaman sa ating gagawing pag-akyat. Hinihingi po ang kooperasyon ng mga taong nais sumama. Lilimitahan din po natin sa 20 katao lamang ang makakasama upang mabigyang ng sapat na pansin ang bawat isa. Ito po ay kukuhanin sa mga makakaattend ng Pre-climb. Maraming salamat po at maligayang pag-iisip. Godbless!!!


Trivia:

Ang Mt. Manalmon ay may taas na 196+ MASL(ayon sa pinoy mountaineer group) at isa mga paborito ng mga mamumundok. Bukod kasi sa ganda ng mga tanawin ay malakas din ang hatak ng Madlum River na tunay naming kaaya-aya ang pagligo. Ang bundok na ito ay nananahan sa Brgy Sitio Madlum, San Miguel Bulacan. Bukod pa sa ilog at bundok ay marami din ditong kweba o cave. Madlum Cave, Bayukbok Cave(pinaka-sikat na cave dito) at Victoria cave. Maaari din itong puntahan ng kung sino-man nagnanais makapasok dito. Ipagbigay alam lamang ito sa inyong giya(guide) upang maihanda ang mga kailangan gamitin.

Ang lugar ding ito ay paborito ng GMA 7(kapuso) na pagkuhanan ng mga teleserye at iba pa nilang programa. Dito kinuhanan ang pelikulang Mulawin at ilang eksena sa ZAIDO(“bakat” ang tawag ng isa kong kaibigan babae). Dito rin kinuhan ang mga ilang eksena sa Extra Challenge ni Paolo Bediones at ilang programa na plano sa akin ibigay ng Kapuso(hahaha). Pananim na gulay at Lungaw(paggawa ng uling) ang ilan sa kanilang pinaghahanapbuhayan.

Eko-Turismo:

Sa tulong ng Miriam PEACE, Peace Corp Volunteers, Philippine Australian Community Assistance Program at DENR ay bumuo sila ng barkadahan na tinatawag na MADLUM CAVE GUIDE GROUP. Isa ito sa mga nakalaban ng Street Boys nung araw(joke). Ang MCGG ay ang nagsisilbing giya ng mga turistang gustong pumasok ng cave, mag-camping at iba pa.

Ang ilan pa sa mga nasimulan ng “barkadahan” nila ay ang “communal” fishpond particular na ang tilapia at paggawa ng bamboo handicrafts/souvenirs. Sa kasalukuyan, ang pangteknikal na aspeto ng kanilang kabuhayan ay nagmumula sa mga unibersidad ng UP Los Banos at CLSU sa Nueva Ecija. May ugnayan din sa ibat’-ibang ahensya ng gobyerno katulad ng Department of Agriculture.

(Ang mga impormasyon ay mula sa M.A.D.L.U.M. Inc.,)



Tara na………….



Kuha ni:ZKEY

4 comments:

Chelle Batanes said...

gusto ko ito kaso toxic ako sa thesis heheh

Pinoy Wit said...

namaaaaaaaan. ako gusto talaga sumama pero ang layo niyooooo. sigh. next time nalang pag nanalo ako sa lotto sagot ko kayo lahat. haha. kailan pa kaya?

b3ll3 said...

elow po!ay ang saya naman! dumating na ang pinakahihintay ko na pagkakataon para mamundok!hehe!tagal ko na di nakaka-akyat ng bundok!try ko po makasama, papaalam po ako at mangungupit ng pera este hihingi pala...salamat ng marami kuya zkey!please pray na maraming sumama!

Anonymous said...

Sana may mga sumama. Pero ok din lang kung wala tutal nagtry lang naman ako. Lakad ko naman talaga ito at nagbakasali lang naman ako kung may interesado sumama para naman may kakwentuhan ako. kahit wala namang sumama aakyat pa rin ako eh. Godbless to everybody.mwahmwahmmwah!!!