Photobucket

Ehersisyo sa Paglimot

Maglilinis ako ng bahay ngayong gabi. Kukuskusin ko ang mga pader hanggang mabakbak ang berdeng pinta. Wawalisin ko ang nanirahang dumi sa mga sulok sulok, papalitan ang mga kortina sa sala, ang sapin ng sopa. Lalabahan ko nang maigi ang bawat tela. Ibabad ko at ikukula. Pupunasan ko ang sahig, aalisin ang natuyong bakas ng paa.

Huhubaran ko ang buong bahay ng mga ala ala. At bukas sa ‘king paggising, kahit katiting na bakas ng iyong pag-alis ay walang matitira.

5 comments:

Jessica said...

magandang ritwal ito ng paglimot.

masubukan nga. :)

ginabeloved said...

para ka ring nagtayo ng bagong bahay.

:)

Anino said...

Aba, pwede ito sa akin.

b3ll3 said...

matagal ko na ginagawa to pero di epektib..hmmm...dapat siguro kasama utak sa nililinis eh..hehe...

Saminella said...

nalungkot naman ako.




















malapit na akong magligpit ng mga gamit sa apartment. lilisanin ko na ang LB. :(