Photobucket

Bernardo Carpio

kadiliman ng gabi'y ginulantang
nang sa ere'y pumailanlang
ang halakhak ni Ares...
at sa dakong timog
ay aking natanaw
ang pagguhit ng pulang ilaw
at ako'y nasilaw...

tinahak ko ang daan
patungong silangan
sa pagbabakasakaling
doon masumpungan
ang tunay na liwanag
ngunit sa bawat hakbang
ng aking mga paa
bumabaon sa talampakan
ang pira-pirasong bubog
ng basag na perlas...

sa diwa kong nangangalay
katanunga'y humihiyaw:
"may pag-asa pa kayang
sumikat ang araw?
kung ang awtoridad
ay nasa kanluran?"
at ang diwa kong pagal
ay tuluyang nahimlay...

sa pagbabalik-diwa
sarili'y natagpuan
sa pagitang ng dalawang
nag-uumpugang bato
sa buhay na katauhan
ni Bernardo Carpio...

FRIENDSHIP

Days will pass,
and things will grow old.
Flowers will bloom,
and soon will decay.
But when friendship starts,
all of the year it will remain fresh...

Friends will grow old,
but friendship will never.
As long as both cares,
it will remain young forever.
Death will separate it on earth,
but it will reborn in heaven...

wisik

hindi pa rin ako nakakapaligo
wisik wisik na lang...
lagpakan na ang mga libag ko sa aking paa
baka mapilayan ako....

mainam at may pag-ulan

mababasa ang mga tigang na lupa,
maliligo ang mga mababangis na hayop
uunlad ang hamog,
mapupunuan ang mga balon

ito yun matapos ang tagtuyot,

lalo na kung may nagpapaalala.....

Tagtuyot

Madalas
nanlilimos
ako ng tula sa diyos ng mga letra.

Ano't ano tila baga'y hindi ako naririnig.
Lilipas na ang buwan ng Agosto at maghahari na muli ang tunay na
tag-lamig.

Subalit
hanggang ngayon ang mga letra ay sadyang tila walang
saplot
at
aliw pa sa lumipas na tag-araw.....

malamig at tunaw(DREAM AND DRY CANDIES 1/12)

nilikha ang salitang paglisan,
kasabay ng pagbabalik,
kasunod ng mga alaala
habang lumulusong sa luha
hindi rin umaamin ang mga napipinid na pagpatak
at nagbabarang lalamunan
kapag mayroong paglayo...

lilipas nga ang panahon
dadalawin ka ng paglimot
aanurin sa kung saan ang aking ngalan
may mga maghihinampo
at mababasa sa ulan
may magaalis ng muta
at magkukusot ng mata
may magtataka
magtatanong ,
kaya...?

marahil... siguro nga....

ang pagbilang sa bituin ni bobong pilosopo


I. unang pagtatagpo


nagsimula siyang maglakad sa may rotonda
handang handa yaring mga paa
"saan ba ko pupunta"
"baka pede matulog sa luneta"
tangan ang diyaryong dalawang linggong naluma
ng paulit ulit na pag basa
"kuya pahiram ng dyaryo"
oo ba, basta ba ibabalik mo"
gusto ko na sana magpahinga
di naman mapigil yaring mga paa
"teka may anim na beinte singko pa ko
"kya pa siguro, kahit isang sigarilyo"
bakit?
sabi ng "bawal magtapon ng basura dito"
bat di mo rin maintindihan
na "bawal umihi dito"
kasama na yata yan sa kasaysayan
sa pagsasalinlahi,
o pakikidigma sa oras at kahirapan...
kaya?



ako si bobong pilosopo
hindi ako piksyunal na karakter
sa binabasa mong libro
huwag mo rin akong batukan
nasasaktan din ako...



II si bobong

may pamilya ka naman naturingan
mas pinili mo ang manitili sa lansangan
banyo mo ang buong mundo
gigisingin ka ng araw kapag oras ng magtrabaho.
"hindi na mahalaga kung sino ako,
ang una sa akiy, pagtatago ng sikreto
mainam na ito.
maiwaksi lamang sa gulo ng mundo
ang mga minamahal mo."
marami nakikipag-usap ang humahanga
subalit mas marami pa rin ang kumukutya..
at ang matamis na ngiti ay maglalaho sa labi
lalo na't lalayuan ka
di bale di ko naman nila ako kilala....
maliligo ako lalo nat may ulan
kasama na rin ang labada dyan,
itatanong mo marahil kung paano ako kumakain
kabisado ko na yata ang feeding program sa may amin...


III. simula ng maraming simula

masaya ako twing dapit hapon,
ibabalandra ko ang katawan katabi ng dagat,
hihintayin ko ang paglubog ng araw
dahil sa pagsapit ng dilim
bibilangin ko ang tangi kong yaman
wala kasing may ari nun
kaya akin na lang,
mga brilyanteng di ko nahahawakan
mga matang makislap na sa aki'y nakikipagtitigan
nagdudulot sa akin ng katiwasayan....

Dream And Dry Candies

mga pares ng matang kaylayo ng tanaw,
lamig ay dama,sa init nauuhaw.
damang kalungkuta'y hindi maitago,
matang nagtutubig,biglaang lumalabo...

dama ko ang bakas ng iyong paglayo,
ramdam ko ang hapdi ng kirot sa puso.
dalamhati tiyak sa iyong paglisan,
iiyak ang langit,luluha ang ulan...

ngunit tulad ng ilog,di-mapigil ang agos,
alam kong sa dulo tayo'y magtatagpo.
ang lahat ng bagay ay may'rong dahilan,
ang agos ng laya ay ating sabayan...

at tulad ng kendi matunaw man sa'king bibig,
maiiwan ang tamis,sa puso ko'y uukit...

Are You My Friend?

Will you be there when I'm down,
And catch me when I fall?
Will you hold me when I need
To feel the warmth of your touch?

Will you laugh when I laugh,
And cry when I cry?
Will you let me rant and rave,
When I need to let off steam?

Will you discuss those painful things,
That you'd rather not think about?
Like the times we've hurt each other,
And promised would never do so again?

Will you say the right thing,
When all I've heard is the wrong?
And tell me soothing words,
That make the pain I feel subside?

Will you understand me when I say,
"I can't see you now, go away"?
Will you come back when I call,
As if nothing happened at all?

If you'll do these things for me,
And keep smiling all the way.
If you'll be with me through the bad times,
As well as the good.

Then truly you are my friend,
My pal, my mate and my confidante.
And that means so much to me.
I thank you dearly, for being there,
You, My Friend.

Pag-ibig

dinigma ng alon
ang pulutong ng buhangin
sa dalampasigan

di-maawat na paghahamok
damdaming nag-uumapaw
tulad ng puso kong
nais tumalon,kumawala
sa aking dibdib
tuwing ika'y makikita

sa saliw ng ihip
ng hanging amihan
may tugtuging hatid
ang iyong paggalaw
puso koy umiindak
sumasayaw sa galak
dibdib ko'y tumatambol
tuwing sayo'y napapasulyap

kaysarap pagmasdan
taglay mong kariktan
mata'y pagtampisawin
sa batis ng iyong
kagandahang taglay
handog ko sayo'y
bulaklak sa parang
kapiling ng mga puno
ibon at halaman
may awiting likha
ibinulong sa hangin
musikang sa iyo'y
nais sanang iparating
at kung marinig mo
sana'y bigyang pansin
ang abang paggiliw

damdaming di-masabi
tanging langit ang saksi
sana mamayang gabi
sa iyong pagtingala
mabatid mo ang mensahe
sa ningning ng mga tala
sa bilog na buwan
may ngiting nakasilay
sa aking pag-ibig
siya ang magpapatunay

Walang Kakalas

Natuto akong sumigaw ng katahimikan
sa gitna ng mga nagkakagulong leon,
at
sa
mabilis kong pagkilos ay agad kong naitali
ang hangin dulot ng hangal ng kaisipan..

Lunurin ang pakikiulayaw sa alon
at hayaang ipaghele mula sa awit ng mga baril
ang gutom at hungkag na tiyan.

Ina oh aking Ina, huhugasan ko ng dugo
ang mantsang iniwan ng mga nagpakilalang kauri natin.

Papandayin ni bunso ang bala
na siyang aawit sa kanayunan at
hindi magtatagal ay makakatulog ka na sa alingawngaw ng pakikibaka.

Ina, titiisin kong lumuha ka sa aking pagalis,
subalit ipinapangako ko na bukas isang araw,
ang
lahat
ay
magbabalik,
payapa at malaya


Paalaam.........

kaharian ng luha

nangingilid
dumadaloy
tumutulo
pumapatak
umaagos

masaya at malungkot
galak at galit
hinagpis at pagkabigo
nasugatan at lumimot

milagro...
sumampalataya...

pugto,
umaasa
natuyo,
lumaya

magwawakas.....

tara

magsisimula tayo matapos atakihin sa puso ang isang dating kaibigan...








inatake na rin ng pagkabigo ang kanyang utak samantalang hinayaan na lamang na ang kanyang pantalon ay tapunan ng tinta ng bolpen kaysa sa ipanulat ng mas makabuluhang bagay.


mula sa pagising sa umaga, o mula ng matuto kang sumulat at bumasa, sa pagkakumpleto ng ngipin at mula sa unang palo ng iyong ina dahil sa pagsubok mo sa pangngatwiran kung ano ang iyong pinaniniwalaan...doon nagsimula ang pagkakaroon ng pambihirang sakit na ang tanging gamot ay pagpapanday sa sarili mong kakayahan, ang linangin ang iyong kaalaman at dumigma sabawat hamon ng buhay. Paulit ulit nating narinig, at maririnig pang muli ang takatak ng daliri na dumugtong sa pinagpraktisang papel habang tinutuktok ng bolpen ang mesa habang higop ang mainit na nagtatalong kape at asukal ay aawatin ng gatas...





huwag tayong matakot, mailang at magdalawang isip...