Dream And Dry Candies

mga pares ng matang kaylayo ng tanaw,
lamig ay dama,sa init nauuhaw.
damang kalungkuta'y hindi maitago,
matang nagtutubig,biglaang lumalabo...

dama ko ang bakas ng iyong paglayo,
ramdam ko ang hapdi ng kirot sa puso.
dalamhati tiyak sa iyong paglisan,
iiyak ang langit,luluha ang ulan...

ngunit tulad ng ilog,di-mapigil ang agos,
alam kong sa dulo tayo'y magtatagpo.
ang lahat ng bagay ay may'rong dahilan,
ang agos ng laya ay ating sabayan...

at tulad ng kendi matunaw man sa'king bibig,
maiiwan ang tamis,sa puso ko'y uukit...

1 comment:

Anonymous said...

ironman

wow sa sandaling oras nakagawa kayo ng tula, kakailanganin pa ba ang dalawa't kalahating buwan para dito? sa dami ng utak nyo na nakalagay sa iisang ulo, hindi makalalayo ang pagkilala sa bawat isa... kahit milya pa yan. magaling! magaling! magaling