I. unang pagtatagpo
nagsimula siyang maglakad sa may rotonda
handang handa yaring mga paa
"saan ba ko pupunta"
"baka pede matulog sa luneta"
tangan ang diyaryong dalawang linggong naluma
ng paulit ulit na pag basa
"kuya pahiram ng dyaryo"
oo ba, basta ba ibabalik mo"
gusto ko na sana magpahinga
di naman mapigil yaring mga paa
"teka may anim na beinte singko pa ko
"kya pa siguro, kahit isang sigarilyo"
bakit?
sabi ng "bawal magtapon ng basura dito"
bat di mo rin maintindihan
na "bawal umihi dito"
kasama na yata yan sa kasaysayan
sa pagsasalinlahi,
o pakikidigma sa oras at kahirapan...
kaya?
ako si bobong pilosopo
hindi ako piksyunal na karakter
sa binabasa mong libro
huwag mo rin akong batukan
nasasaktan din ako...
II si bobong
may pamilya ka naman naturingan
mas pinili mo ang manitili sa lansangan
banyo mo ang buong mundo
gigisingin ka ng araw kapag oras ng magtrabaho.
"hindi na mahalaga kung sino ako,
ang una sa akiy, pagtatago ng sikreto
mainam na ito.
maiwaksi lamang sa gulo ng mundo
ang mga minamahal mo."
marami nakikipag-usap ang humahanga
subalit mas marami pa rin ang kumukutya..
at ang matamis na ngiti ay maglalaho sa labi
lalo na't lalayuan ka
di bale di ko naman nila ako kilala....
maliligo ako lalo nat may ulan
kasama na rin ang labada dyan,
itatanong mo marahil kung paano ako kumakain
kabisado ko na yata ang feeding program sa may amin...
III. simula ng maraming simula
masaya ako twing dapit hapon,
ibabalandra ko ang katawan katabi ng dagat,
hihintayin ko ang paglubog ng araw
dahil sa pagsapit ng dilim
bibilangin ko ang tangi kong yaman
wala kasing may ari nun
kaya akin na lang,
mga brilyanteng di ko nahahawakan
mga matang makislap na sa aki'y nakikipagtitigan
nagdudulot sa akin ng katiwasayan....
ang pagbilang sa bituin ni bobong pilosopo
Sinulat ni:
ironman
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment