Isang natatagong kayamanan
bagong tuklas na kakayahan
Halika't alamin ang sining
na gawa ng lakas ng isipan
Minsan pa ay pasukin ntin
ang mundong gawa nila
Daigdig ng panulat at
kakaibang mga likha
Sa bawat kumpas ng lapis
ay parang isang daan pabalik sa panahon
Panahong nabuhay ang mga bayani ng kahapon
Hayan na sila!!!
Ang mga makabagong manunulat
Dugo ng mga bayaning nananalaytay sa ugat
At muling umagos ang ilog
ng natuyong tinta
Pagyayamanin ang lahat
ng dadaluyan nila
Mamumukadkad muli
ang mayayabong na halaman
Tatamis ang bunga
ng puno ng kaalaman
Mga bagong kaibigang
tatatak sa aking isipan
Mga kasamang hindi ko
kaylanman kakalimutan
Iniaalay ko ito
sa lahat ng nandito
Sa lahat ng mga taong
hinahangaan ko
At sa panahong ito
na limot na ang kahapon
Muling babangon
mga dakila ng makabagong panahon...
PARA SA INYONG LAHAT!!!
Sinulat ni:
TanTrum
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
At sa pag-agos ng ating tinta
tatangayin yaong hangal na kaluluwa.......ZKEY
..at ang natatanging yamang matitira ang siyang magniningning..kusang magbibigay ng lakas upang ang sandata ay muling bumuhay ng isang makata..
at sa isang nabuhay na makata
isang makabagong pakikibaka
muling ipagsisigawan ang dunong na bigay ng may likha...
Post a Comment