Pangarap mong maging 'sang sikat na makata
Makatang may putong ng lawrel sa tainga
Kaya't ganun na lang pananalig sa pluma
Walang sawang nakikipagkumpetensiya.
Ibig maging hari ng mga patimpalak
Diyata't sobrang tayog ng lipad ng utak
Ayos lang kahit pabuya'y pingas na pilak
Magkamit lang ng papuri't mga palakpak.
Marahil para sa 'yo lang ang sukatan
Upang masabing may taglay na kagalingan
Bawat sandali ay nakikipagtagisan
Natutuwa kapag merong nauungusan.
Oo na, sa iyo ay wala na ngang gagaling!
Mahihirap na paksa iyong nalilining
Ikaw'y isang dakilang alagad ng sining
kaming kapwa mo makata'y nasa ilalim.
Bilib kaming lahat sa galing mong bumerso
At nasapul panlasa ng mga hurado
Minsan naman para kang pulpol na kritiko
Ang ginagawa'y tira doon, tira rito!
Iyong-iyo na sinasabi mong parangal
Ang tulad namin ituring na mga hangal
Nilalaman ng tula'y lubhang mabababaw
Kumpara sa iyo na ayaw magpasapaw!
Bernard Palanca
Sinulat ni:
William
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment