Anak, patawad kung tsyo man ay mahirap
Kaya't sana ay huwag maging mapaghanap
Pagkat puso ng ama mo'y nagkakasugat
Kapag ikaw'y nagmamaktol o umiiyak.
Kayo ng iyong ina ang tangi kong yaman
Di matutumbasan ng kahit ano pa man
Kung ito'y di sapat aking ipagdaramdam
Marahil ay dapat nga akong masumbatan.
Ito lang talaga ang aking makakaya
Kung ano'ng meron tayo ay pinagkakasya
Maging masinop ka sana't h'wag mag-aksaya
Magpasalamat sa Diyos sa munting grasya.
Di lahat ng naisin mapapasa-atin
Ang meron sa iba h'wag pakaasamin
Upang ang puso mo'y di maging mainggitin
Wala man tayo sana'y h'wag pakadibdibin.
'Sensya na, pangaral lang kaya kong ibigay
Ganito lang ang ama mo, may pagka-sentimental
Sa hirap ng buhay dapat ka ng masanay
Sa pagkatao mo ito ang magpapamday.
Bakit di na lang matulog mahal kong bunso
Baka paggising mo iyo ring mapagtanto
Na ang buhay sa mundo ay di gawang biro
Kaya ba't hahayaang puso mo'y magdugo?
Oyayi ni Itay
Sinulat ni:
William
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment