Nablangko ang isipan
Sa saglit na kahungkagan
Nagkakalkal sa dumi ng panahon
Agiw sa mata ang naglalambong.
Humahabi ng mga kataga
Ngunit bakit ngayon walang makapa?
Natutulog ba ang iyong diwa
Mula sa pagkawalang-bahala?
'Di maulinig huni ng kuliglig
Pagka't huminto ang daigdig
Ngayon ay saan mo balak bumaling
Ba't tila naglaho ang pagkahumaling?
Nakatungo pa ang iyong ulo
Waring ayaw titigan ang sariling anino
Nanggigipuspos,walang masabi kahit ano
Maging pagkatao ay tila ikanandado.
Ngunit 'di kailangan pa ng inspirasyon
O ng samu't saring ritwal at bendisyon
'Di na kailangan pang magnaknak ang diwa
O duguin sa pag-iisip ng mga kataga.
Buksan mo lang ang puso't isipan
Paliparin sa dawag ng kamalayan
Naghihintay ang samu't saring larawan
Mga imaheng hinugot mula sa kawalan...
Rico Blanco
Sinulat ni:
William
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment