May bumubulusok na bulalakaw!
*Saluhin mo!*
*Huwag!Pagmasdan mo na lang!*
*Sige sundan mo lang ng tanaw at pagkatapos ay puntahan mo kung saan bumagsak.*
*Naalala mo yung panday?Baka maging ganun ang kapalaran mo!*
*Ah,bahala na!Hintayin mo na nga lang bumagsak.*
*Sandali asan na nga ba?*
Naguguluhan na talaga ako.Nitong mga nagdaang araw ay napakaraming tanong ang naglalaro sa isip ko.May nagbabasketbol,may nagtetennis,may nagjajackstone,may nagsusungka,at...at...at hindi ko na maalala dahil sa sobrang dami.Pero tanggap ko naman lahat yun eh.Ang hindi ko lang talaga magustuhan ay yung may maglalaro ng cara y cruz sa utak ko!Bwisit na buhay to!
AKO: Ano yang pinakikinggan mo?
IKAW: Musika!
AKO: Alam ko!Pilosopo!
IKAW: Alam mo pala nagtatanong ka pa!Bobo!
*Yan ang mahirap minsan,alam na nga ang ginagawa eh nagtatanong pa.Tsk tsk tsk!*
AKO: Alam kong musika yan,pero bakit punebre?
IKAW: Eh sa ito ang gusto ko eh!Trip trip lang yan.
AKO: Baliw ka ba?
IKAW: Wag mo nang itanong.
AKO: Masama bang magtanong?
IKAW: Nagtatanong ka nanaman.
AKO: Bakit,masama nga ba?
IKAW: Bawal magtanong dito!Basahin mo yung karatula.
AKO: (lingon sa itinuro)Huh?
(BABALA:BAWAL ANG INOSENTE DITO.BAWAL MAGTANONG!)
AKO: Oo nga!
IKAW: Ayan maliwanag na sayo.
AKO: Asan nga ba ako?
IKAW: %$&^**($%#$&*^ mo!Bawal nga magtanong!
*Minsan talaga mahirap magpaliwanag.Mapapamura ka na lang dahil sa kakulitan ng taong kausap mo.Mahirap nga bang sumunod sa mga simpleng panuntunin?*
NO SMOKING
Kanina pa ako nag-aabang ng masasakyan.Kanina pa rin ako pinagpapawisan at bwisit na bwisit na dahil malelate nanaman ako sa usapan namin ng girlfriend ko.Napatingin ako sa relong pangbisig.Shit,alas otso na!Late na ako ng 25 minutes pero andito pa rin ako.
May dumaang batang nagtitinda ng yosi at dyaryo.Tinawag ko at bumili ng isang stick na marlboro.Napamaang ako sa nasulyapan kong headline sa dyaryo: TRANSPORT GROUPS,NAGLUNSAD NG STRIKE.
Waaaa!Bwisit talaga!Bakit ba kasi hindi ako nagbasa ng dyaryo kaninang umaga pagkagising.Naiipit tuloy ako ngayon sa dami ng problema.Pati problema ng Pilipinas pinapasan ko na.Anak ng kamote naman oh!Makapagyosi na nga lang.
Nasa akma ko nang sisindihan ang yosi ng may dumating na jeep.Ayos!Thanks Jesus!Natawag ko na yata lahat nang santo sa mga sandaling yon.
Siksikan sa loob ng dyip.Pero wala yatang pakialam ang mga pasahero sa isa't isa.Sa gawing dulo may isang estudyante na nakikinig ng music sa kanyang i-pod.Gumigitara pa habang isinasabay ang ulo sa tugtog.Sa katabi ko may mamang kakaiba ang amoy!Shit!Kapag minamalas ka nga naman uli oh!Bakit dito pa ako natabi?Wala na akong magagawa kundi magtakip ng ilong.
Sa tantya ko eh 20 katao lang ang pwedeng maisakay sa dyip na ito pero tila mahigit pa kami sa singkwenta.Nagmistula kaming sardinas.Made in portugal(waha!nakuha ko pang magbiro).Kinilatis ko isa-isa ang sakay.May mag syotang dikit na dikit sa isa't isa(putsa,naalala ko girfriend ko.Nandun pa kaya yun sa tagpuan namin?),may natutulog,may magkumareng nagtsitsismisan,may lolong may hawak na panabong.Pero ang naging sentro ng paningin ko ay yung mamang kaharap ko at nagyoyosi habang sa tabi niya ay may matandang babaeng ubo nang ubo!
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa lalaking naninigarilyo at sa matandang hirap sa pag-ubo.Shit naman,tila walang pakiramdam ang mamang ito ah?Ubo na nga nang ubo yung katabi hindi pa itapon yung yosing hawak.
Maglalakas-loob na sana akong sawayin yung mama nang bigalang pumreno ang dyip,sabay sabi ng mamang tsuper:"Flat tayo,napako siguro yung gulong.Lipat na lang po kayo sa ibang dyip."
Anak ng kwagong tsinito naman oh!Para akong pagdidiliman ng paningin ng mga sandaling yon.Wala na nga akong magagawa.Binunot ko sa bulsa ang yosing binili ko kanina at sinindihan nang lapitan ako ng isang sekyu.
"Sir,bawal ho manigarilyo dito.
Saka ko lang napansin na nasa harap pala ako ng gasoline station.
BWISIT!!!
AKO: Aalis na ako.
IKAW: Hindi pwede.
AKO: Bakit naman?
IKAW: Nagtatanong ka naman.
AKO: Bakit nga hindi ako pwedeng umalis?
IKAW: Isang tanong mo na lang may mangyayari na sayo.
AKO: Hindi ako pwedeng umalis.
IKAW: Yan!Ganyan nga!
AKO: Hindi ako pwedeng umalis dito.
IKAW: Hindi ka pwedeng umalis dahil ikaw ay ako.
AKO: Ako ay ikaw?
IKAW: Binalaan na kitang huwag ka nang magtatanong.
AKO: Ako ay ikaw?Paanong nangyari?
IKAW: Bilang kaparusahan,mababaliw ka!Kakausapin mo sarili mo habambuhay!
AKO: Hindi maaaring ikaw ay ako!Ako ay ikaw!Ikaw ay ako!Hindi ako baliw!Hindi ako baliw!
HINDI AKO BALIW!
Tapos na ba?
Ikaw at Ako: Isang Monologo
Sinulat ni:
vener
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
32 comments:
haha, entertaining!
kakatawa..=D haha
can i barrow this monolog?
pang finalz qLang..ΓΌ
tnx!
very nice one...what a piece!
haha.. nice.. pahiram po ah.. gagawin ko lang guide.. mag moonolog ako.. hehe.. tnx.. keep up!
haha.. nice.. pahiram po ah.. gagawin ko lang guide.. mag moonolog ako.. hehe.. tnx.. keep up!
gagamitin ko sana ito para sa proyeko namin. nakakatawa kase! hahaha!
..hahaha...gravehh kakatawa 2..e2 ang imomonolog q ngaung semi-finals nmen...
for sure matutuwa ang mga klasm8 q n2...
pahiram nito aa..
ahe..
ahehehe.. ang gnda ai..katwa kht nakakaglo ng jutak..aheheh..phram dn poh aq huh..ai sha ngkhraman na..
ui..,nice one huh?! pahiram ah..para matawa clazm8x quoh sa filipino period namin!!!tnx
pahiram din po @ my proj lang tnx waaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
jeje nakakatawa! borrow q muna pra sa bro q! d kc alm gmawa monologo!! hekhek
==>pahiram poh nuh, kaylangan lang poh ng brother qoh, e toh poh ung napile qoh kasi ang ganda. . .
keep ur good WORK<== ",
ahahahaha... ang ganda!! nagustuhan ko talaga!! pahiram po ha? gagawin ko lang guide sa ass. ko..hehehehhe...
:D
Ganda ganda po..i luv it..pahiram din gagawin kong guide para sa monologue ng anak ko.. keep on writing more po hehe..nakakaaliw kasi
good one
eto n lng pnili q bka mataas p grade q
tenchu
ska nkakatuwa super !!!
:)
nice..may i use this piece so i could explain well what is monologo..
nice..may i use this piece so i could explain well what is monologo..
hehehehe medyo di ko maintindihan haaaa.
pero k na po ito.....ilove the story peru maintindihan kaya nila,..
nice one. na enjoi ko toh. pwd ko bng gmitin ito kc may monolog kaming ggwin sa fil eh. tnx dito ha.
ang ganda!!!
._;pwede;pong;pahiram;nitong;pyexa;na;to;ang;ganda-ganda;kaxi;eh;at;nakakatawa;pa;'!!! gagamitin;ko;po;xana;xa;aming; practicum;''!!!!
xalmat;po;kung;xino;man;po yong; my;gawa;nito;'!!!
<_GOD_BLESS_YOU-ALL->
and;keep;up;the;good;job;
tnx100x;tlaga;muah2x;tsup2x.....!!
._;pwede;pong;pahiram;nitong;pyexa;na;to;ang;ganda-ganda;kaxi;eh;at;nakakatawa;pa;'!!! gagamitin;ko;po;xana;xa;aming; practicum;''!!!!
xalmat;po;kung;xino;man;po yong; my;gawa;nito;'!!!
<_GOD_BLESS_YOU-ALL->
and;keep;up;the;good;job;
tnx100x;tlaga;muah2x;tsup2x.....!!
nice piece!! pahiram po ako ha.. thanks.. may idea na ako kung anu to
hahahha nakakatawa, pagaya na lang kailangan ko kasi ng monologo para sa project namin. :) thanks! hhahahhahaha
wala ang putik, nabaliw nga naman, kulit kasi sabi nang wag tanung nang tanung yan tuloy nabaliw. hahahaha
pwede po pakiram?
para po sa compilation ng mga examples ng ganito sa filipino namin..
tnx po..
pahiram poh aah, it captures my attention eeh
marami pong salamat, dahil sa monolog po ninyo nakakuha po ako ng idea kung anong isusulat ko
para po sa takdang aralin namin!
WAAAAHHH laughtrip. Hahaha, ang galing (y)
hehehe,ang cute,funny.
paborrow po ako,.:P,<3
Hahaha, ang kulit. Hehe.
Pahiram po pang project lng.
Thankie!!! :)
Nakakatawa at ang ganda haha. Salamat nagka idea na rin ako sa monologo ��
Pahiram puuu hahaha need lang tenchuu
Post a Comment