Photobucket

Alay


Hahawiin ang ulap
at ipakikita ang bahaghari.
Sa panahong kailangan ng tibay,
Letra'y magsisilbing tungtungan at gabay.

Gigisingin at imumulat
sa katotohanang nagaganap
sa mundong puno ng galit
kapayapaan ang tanging hangad .

Hindi pa ma'y natapos na,
mga pangarap at halakhak.
Pag-ibig na wagas,
bakit sa isang iglap,
nawala ng lahat?

Higpit, kakapit ka
sa bughaw na alaala.
Sabay sa iyong paghimlay,
namulat yaring mga mata.
Hiningang hiram,
buhay na alay,
pag-asa at pagmamahal
sa iyo ibibigay.

Katotohang salat sa kalayaang wagas
nagniningas na alaala ang sadyang
naiwang ilaw at lakas .

Tila alikabok,
nawala ng bigla,
mga buhay na sadyang mga walang sala.
Malakas na pagsabog ang nagmulat nga,
sa mga matang natutulog,
luha'y di mapigil sa pagtulo.

Igpaw ng damdamin
hindi na napigilan.
Liwanag na hanap
Sa dilim natagpuan.
Sa gabok nagmula
Nilamon ng luha
Amang mapagpala
Kayo na po ang bahala.

Anong kagandahan
ang maaangkin?
Dugo at pangarap,
hindi na maihahambing.
Tama bang sa inosente kailangang manggaling,
Pagkatok sa hustisya na may gintong dingding?

Sa layo ng narating ay
nadinig pa rin,
mga palahaw at daing
na mga kapatid natin.
magpanting man ang tainga,
sisihin man ang dapat sisihin,
wala namang magagawa
kundi ang manalangin.


(Salamat sa mga sumuporta: Pen Palaboy, AnnaKris, Tony, Joanne, Tantrum, Maj, Zkey, Bj at Ironman)

1 comment:

Jade Martin said...

Nice "tula". Keep it up.