Hindi ako si Narcisus na bida sa mga
alamat
Wal a sa akin ang kakisigan o
kagandahan
u pang sambahin… pakatitigan
ang sariling anyo sa harap ng
pinagtining na tubig-batis..
Hindi marapat.
Walang kahulugan ang linaw ng tubig
gaano man ito kalalim.
Ang titigan at sambahin
ang sarili kong anyo ay lalong
magpapabig at
sa di-matingkilang sakit at
pagkabagabag…& lt;BR>sa mga hapdi at
latay ng pagkasadlak
sa putikan
Ang sarili kong anyo’y niyurakan
ng mga anak kong nagkanulo at
nagpagahasa
sa yaman at kagandahan kong taglay…
Makik isig silang namintuho
at nagpakita ng pagpapahalaga
Huw ad na pagmamahal pala
na sa kalaunan ay pinagmistulang sisiw
na pinadagit nila sa agila…
upang busugin lamang ang kanilang
pagkahay ok
at magdusa sa gitna ng kanilang
pagpapas asa…
Ako na sarili nilang ina…
Ipinagkanulo nila upang magkamal
ng yaman na kaya ko namang ibigay sa
kanila..
Hi ndi ako si Narcisus na bida sa isang
alamat…
Ang pangalan ko’y Pilipinas.
Ang pangalan ko’y Pilipinas
Sinulat ni:
oliver carlos
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
sa yungib ng kasarinlan..pasasaan pa't ang bawat huwad na anak ay muling magbabalik sa nakagisnang ina..upang dumulog at humingi ng saklolo..oo ang inang iniwan mo'y parororon sa iyo..magbibigay ng kalinga't pagmamahal na sa iba'y hindi mo ni minsan ay natamasa..subalit kapag ang lahat ay maayos na..ikaw na anak..ano't ika'y lilisan na naman
Post a Comment