Photobucket

Bernardo Carpio

kadiliman ng gabi'y ginulantang
nang sa ere'y pumailanlang
ang halakhak ni Ares...
at sa dakong timog
ay aking natanaw
ang pagguhit ng pulang ilaw
at ako'y nasilaw...

tinahak ko ang daan
patungong silangan
sa pagbabakasakaling
doon masumpungan
ang tunay na liwanag
ngunit sa bawat hakbang
ng aking mga paa
bumabaon sa talampakan
ang pira-pirasong bubog
ng basag na perlas...

sa diwa kong nangangalay
katanunga'y humihiyaw:
"may pag-asa pa kayang
sumikat ang araw?
kung ang awtoridad
ay nasa kanluran?"
at ang diwa kong pagal
ay tuluyang nahimlay...

sa pagbabalik-diwa
sarili'y natagpuan
sa pagitang ng dalawang
nag-uumpugang bato
sa buhay na katauhan
ni Bernardo Carpio...

2 comments:

Jade Martin said...

Interesting blog, this I have to say. Nice poetry.

HERMIE
a.k.a. hersmart4ever (mylot)

bolpen_at_kape said...

thanks bro join us here...