Kuyom yaring palad, sa kamay na may pilak
Larawan ng pagkabata, ano na nga’t nawawala.
Tukso sa kanyang laman, lason din sa isipan
Pilit iwinawaksi sa dilim hinahabi.
Hinubog ng panahon sa nakitang mga hirap
Palabra sa sarili’y dugo ang naging panulat
Lumayag na may bagwis, sa laot napadpad
Lupang pinangarap, sa ganid na hinayupak!
Bitbit tanging alam, Propetang pinagkamalan
Ililigtas daw sila, maging sa kapahamakan
Pinilit maging Malaya, pinaupo ng may sala
Sa limayon ni Magdalena, Hala! Tila naging abala.
Mataas pa sa kalabaw, tingin ay isang paham
Mga bata sa putikan ano baga’t tinuturuan
Huwad kung turingan, hindi nila alam
Sa kamay na may pilak, bitbit kahit saan.
Kristong ipinapako, sa mga Hudyo isinisi
Sa tangan mong pilak anong iyong masasabi
Mag sa Pilato ka man, hugasan maging katawan
Isa ka sa dahilan kung bakit tayo naging ganyan.
Bakas ni Hudas
Sinulat ni:
Tony
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment