padayukdok na ilalapit
ng eratiko’t nanginginig n’yang kamay
upang buong kasiyahang ipaglunoy
sa nanunuyong lalamunan.
hitit…
buga…
hitit at buga pa…
baka-sakaling itakas siya
ng laway na nilulunok
palayo sa kasukalan ng bagabag…
sa pusali ng walang katapusang pagsubok.
hakbang papalayo
ang bawa’t hitit…
ang bawat lunok…
ang bawat buga pailanlang
ng kumekembot, humalakhak na sungayang usok.
kakapit siyang nakangiti pa-lipad sa alapaap.
makikipagtawanan sa mga bituin.
ihahanap ng kagaanan
ang samu’t saring tinik sa damdamin.
paulit-ulit…
palipat-lipat…
pahalakhak niyang isasakay ang kanyang ulirat
sa nagsasalubungang ulap.
kakatagpuin ang sarili
sa hiwalay na mundong nais nyang likhain.
at sa mapungay at kulay-dugong mata…
pakunwaring magtatago at tatakas
ang luray niyang katawan na naghahanap ng laya
upang gulantangin lamang ng katotohanang
itatambad ng kunot-noong araw…
sa kanyang paggising
sarili pala niyang mga kamay ang kanyang iginapos…
sa usok ng kanyang kahinaan.
MaRyJaNe . . . Usok ng Kahinaan
Sinulat ni:
oliver carlos
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


1 comments:
tol, naibilang na kita sa listahan ng mga madalas kong babasahin pag online ako, pwede malaman yung name mo para sa onting personalization mo sa listahan ko? salamat kosa!
Post a Comment