Isinisilang na muli ang mga makabagong manunula sa panahon ng kung saan ang lahat ay abala sa pag-aayos ng gamit para sa gagawing paglikas. Kapag ang lahat ay nalilito at tumatakbo. Huwag ninyo silang pababayaan. Balutin sila ng kapangyarihang nananangan sa ating mga letra at hayaang mahimlay sa paraiso na matagal na nating inihahandog sa kanila. Minsan pa gagawa tayo ng lagusan mula sa mundo ng mga tao patungo sa ating mundo. Painumin ang mga nauuhaw at pakainin ang mga nagugutom. Sila ay mga pagod sa pakikidigma sa kanilang mundo. Kumutan ninyo ang mga giniginaw, gamutin ang mga sugatan. Sila ang magiging buhay na patotoo na may mundo pa sa labas ng kahon. May mundo pa sa labas ng kahon..... mayroon pa...... -ZKEY salubungin ang panibagong oras ng pakikibaka sa bawat elemnto ng kasalukuyan.. huwag manatiling piping saksi, huwag piringan ang mga mata.. tayo ay mamulat at hayaang ang tinta ay muling dumaloy sa ating panulat.. gawin natin itong sandata.. 'pagkat sa ganito.. tayo ay magiging malaya.. -pen palaboy panahon na upang bumangon at mangatwiran...
sa mundo kung saan matimbang ang langis mananatiling asin ang luha mo't pawis meron bang puwang ang iyong tinig? kung lagi nang panis ang laway mo sayong bibig? sa mundo kung saan hari ang semento mananatiling tatsulok ang hugis ng mundo magagawa mo bang ibuwal ang pader? kung ang tanging sandata mo ay lapis at papel? sa mundo kung saan bida ang pilosopo mananatiling blangko ang laman ng 'yong ulo meron bang silbi ang iyong dahilan? kung ang tanging alam mo ay iling at tango? -Vener hanggat lumuluha ng ideya ang mga panulat kasabay nating tutuklas ang mga syentista ng bawat hiwaga at misteryo ng buhay at ng kanyang pakikibaka at tagumpay mga pagluha at galak at sa mga naabot ng paningin
ang tanging kaibahan natin sa kanilang layunin ay ang hindi limitadong pang unawa at pagbibigay ng kahulugan gamit ang tumutulong kaisipan na pumapatak sa sulatan..... -ironman
No comments:
Post a Comment