... backspace...

sinulat ni: Oliver
Iniib < . . .
…iniiba na lang ang usapan pag kaharap ka na.
laging ganun...lalo na ‘pag sukol na talaga
ng mga titig mo ang namumungay kong mata…

Inii < . .
.….iniimbento na lang ang mga dahilan
ang mga pakunwaring paalam na may pupuntahan.
kathang-isip na kwento sa syotang hindi naman,
at text messages na pinapadala sa sarili na lang.
(di mai-send sa’yo, sa takot na iyong pagtawanan)

Iniibig k < . . . …iniibig ko ang Pilipinas,
ito ang aking lupang sinilangan…
(blah…blah...blah….et cetera…et cetera…)
tumalsik na lang sana ang sa keyboard ko,
para masabi ko ng diretso ang laman ng dibdib ko!…

di ako maka-<> sa feelings ko…
di kita ma-<> sa puso ko.***************

No comments: