inip

sinulat ni: al
nakita kong lumubog ang araw
hinihintay ko ang pagsikat
matagal ba o naiinip lang ako
kapag nahinto
kabiguan,
hindi ko na masisilayan
ang kagandahang lagi kong nakikita
sa likod ng mga matang nakapikit.

nakita kong lumubog ang araw
pero kahit sa panaginip
pagsikat niya'y
pinagkakait
pilit na lang tinanabunan ng ngiti
at pagbabakasakali
ang takot at pagaalinlangan
habang inaalala ko
ang pigil na pagluha
sa paglayo...

No comments: