Photobucket

"Ode to a Family

Sinulat ni: Therese Carmel
Minsan sa padel tayo ay nagsumpaan
Na kahit anong hirap walang iwanan,walang atrasan....
pinatibay ng padel and dating loob at damdaming malambot
Natutong lumaban at sa mundo ay sumubok
basta tayo ay magkasama walang makakapagpabagsak...
basta't tayo'y kumpleto walang puwedeng tumapak....
Magtulungan hanggang sa dulo
ito ang pangako sa padel natin binitawan,
maraming beses na nawalan ng kaibigan
pero kahit kailan hindi pa rin nila kayang pabagsakin....
Nagsama sama tayo at parang harina
kaupo tayo sa trono....
pero dahil sa batas ng padel
magpapakumbaba pa rin tayo...
tumulong sa kapwa at paglaban ang tama
ito ang batas na sa harap ng padel ay ating ginawa....
Marami mang nagtangka at umalipusta,
nagtulong tulong pa sila pero lahat
sila walang nagawa....
Tulad tayo ng padel,
Matigas at matibay hindi mababali at hindi mapapawi...
Sabihin man nila para tayong puno ang dahon ay unti unti nalalanta at natutuyo..
balang araw din ang puno
tatanda at magiging marupok...
Pero hindi tayo isang papel
na sa isang pag nilagay sa apoy ay biglang natutupok...
kumunti man pero kailanman hindi maglalaho...
KInapootan ng iilan, pero tayo ay minahal ng karamihan,
may batas na pinaglalaban kaya
nirerespeto tayo kahit na ng ating kalaban.... ...

No comments: