Photobucket

Bangkang Papel

Ako ay isang maliit na bangkang papel. Naglalakbay sa isang mabatong ilog na tila walang hangganan. Madalas na nag-iisa, nagpapatangay lamang sa agos ng kanyang tubig. Kung minsan naman ay tinutulak ng hangin o kaya’y patpat na hawak ng mga taong nagdadaan.

Malayo na ang aking nalakbay, marami na rin ang nakasalubong at nakasabay na bangkang papel. Makailang beses na ring akong tumaob sa lakas ng hangin, nabasa ng ulan, pinaglaruan ng malilikot na bata at itinapon kung saan-saan. Naranasan ko na rin ang masira dahil sa pagkabasa at sa kamay ng malulupit na nilalang. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, ito pa rin ako, isang bangkang papel.

Nang isang araw habang ako’y namamahinga, may isang manlalakbay ang lumuhod sa tabi ng ilog at naghilamos ng kanyang pawis at pagal na mukha. Pinagmasdan ko siyang maigi. Maya-maya pa nang nakaginhawa na siya ay bigla siyang napatingin sa akin. Matagal ang aming titigan. Ngumiti siya na nagdulot ng kaba sa akin. Agad na sumagi sa aking munting isipan na ako’y kanyang sisirain. Sinibukan kong tumakas ngunit huli na, ako’y nasa kanyang mga kamay na.

Sinuri nya akong mabuti at muli siyang ngumiti. Inilagay niya ako sa kanyang bagahe. Inayos nya ako para hindi maipit ng iba pa niyang dala-dala at masilayan ko lahat ng aming dadaanan.

Isinama niya ako saan man siya magpunta. Mula noon ay naging matalik kaming magkaibigan. Nakita at narating ko ang mga lugar na nakita at narating niya. Doon ko nalaman na napakalaki ng mundo at napakaliit ng mundong ginagalawan ko. Pumunta kami sa isang daungan ng barko, isang araw. Labis ang aking pagkamangha sa aking nasaksihan.

Hawig ang aming anyo ngunit sobrang dami ng aming kaibahan. Likha siya sa makabago at matitibay na materyales. Sigurado akong hindi iyon kayang itaob ng malakas na hangin , kahit na ang matinding bagyo. Hindi rin siya kayang itapon kung saan saan, at paglarua’t punitin ng mga malulupit na nilalang. Higit sa lahat na aking ikinamangha, nakapagdadala siya ng maraming tao at bagay-bagay sa iba’t ibang lugar.

Tumingin ako sa aking sarili. Sobra akong maliit hindi lamang sa anyo kundi sa kung ano ako. Matapos ng dalaw na iyon ay ibinalik niya ako sa aking pinanggalingan – sa isang maliit na mundo. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na lumulutang sa isang mabahong kanal.

Ako’y napaluha na animoy ang nilalakbayan ko noon ay napunta sa aking mga mata. Doon ako napaisip nang higit sa maaabot ng aking isipan. Hindi ako maaaring manatiling bangkang papel. Nais kong maging isang barko.

Wala pa ang aking mga naranasan sa karanasan ng iba. Wala pa akong kakayahan na maipapakita sa iba upang malaman nilang nabubuhay ako. Wala pa akong nagagawang mabuti sa iba at higit sa lahat sa aking sarili.

Napagtanto ko rin ang dahilan ng aking pag-iisa. Ang aking mga kasama’y patuloy na naglalakbay at lumalaki samantalang ako ay nananatili lamang sa pagiging bangkang papel. Ginusto ng lahat na makarating sa maraming lugar, makagawa ng maraming bagay at bigyang kahulugan ang buhay na minsan lamang nila mahahawakan.

Tama na! Pagod na ako sa pagiging bangkang papel. Wala na akong makakasama sa ganitong kaanyuan at wala na akong ilog na pag-aanuran pagkat mabahong kanal na lamang ang meron ngayon.

Magsisimula ako ng bagong buhay at gagawin ang lahat upang maging barko.

Isang barkong matatag na di kayang pataobin ng ulan at bagyo. Isang barkong maraming nagagawa upang makatulong sa iba at makilala na may isang tulad ko ang nabubuhay sa mundo. Isang barkong di kayang itapon at baliwalain ng iba bagkus ay mamahalin at papahalagahan. Isang barkong kayang makipagsabayan sa iba at hindi namamaliit. Isang barkong handang maglayag sa malawak na mundo upang mabigyang kabuluhan ang buhay na pinahiram sa akin.

Kapag Pumula ang Araw sa Silangan

Kung paanong kinauuhawan
ng mga uhay ng palay
ang kristal na hamog sa bukang-liwayway,
at kung paanong sabik na sinasalubong,
kinakanlong ng mga bitak sa linang ng lupa
ang agos ng tila nahihiyang tubig
na titighaw at dadampi sa dibdib ng sakahan;
Alam kong hinihintay mo rin ako.

Inang bayan! babalik ako.
Tulad ng isang agilang
magpapakupkop sa init ng iyong pugad
ikampay man ng kaylayo sa nagpupuyos na hangin
ang kaniyang mga pakpak;
lakbayin man ang dawag ng mapagkanlong na gubat
at tawirin ang mapanglaw at kulay dugong batis
sanhi ng digmaan.

Sa iyong nawasak at naulilang dibdib...
babalik ako!
Libong ulit man akong masugatan;
hanggat makatitindig,
buong-giting na aawit ang tangan kong baril.
Pipilitin kong huwag malugmok sa kasukalan.
Pipilitin kong makabalik.

Dahil batid ko
tulad ng mga uhay ng palay
na kinasasabikan ang dampi
ng masuyong hangin,
at kristal na hamog sa bukang-liwayway;
nasasabik ka nang salubungin
ang katuparan ng isang pangarap;
na balang araw tagumpay akong makababalik
sa iyong sinapupunan;
at taas kamao mong ipagbubunyi
kasama ng iyong mga anak ang iyong kalayaan

Kapag pumula ang araw sa silangan!

Pagtakas?... Pagtuklas

Alas-cuatro na. Maya-maya lang, ang ingay na gumising sa akin ay masusundan ng ng amoy ng usok na galing sa nahamugang panggatong, halimuyak ng matapang na kape, at mga tunog na kaugnay sa paghahanda ng mesa. Gising na si Inay.

Umingit ang katreng aking kinahihigaan. Tila protesta sa bigla kong pagbiling, patalikod sa kaabalahang nagaganap sa labas ng aking kuwarto. Balak ko pa sanang umidlip nang kaunti bago ko kailanganing salubungin si Tatay sa aplaya, nang katokin ni Nana yang dingding na naghihiwalay sa kusina at sa aking silid.

“Alam kong gising ka na,” sita nito mula sa labas. “Tuamayo ka na riyan at isilong mo yung panggatong. Kabilin-bilinana ng ama mo na huwag pahamugan at kausok pag ginamit,eh.”

“Oho,” tanging sagot ko.

Ilang sandali pa ay handa na akong umalis patungo sa tabingdagat para tulungan di Itay sa pagdaong.

“Sabihin mo saTatay mo dumiretso na sya ng uwi. Ikaw na lang ang magdala sa palengke ng huli niya, hane?”

“Oho.” Dala ang gasera, tinahak ko ang pamilyar na daan patungo sa dalampasigan. Ilang oras pa ay mapupuno na ang malawak na buhanginang ito ng patutuyuing posit at isda, ibibilad sa araw para gawing daing. Pero sa ngayon, sasamantalahiln ko muna ang samyo ng tubig-dagat at katahimikan ng paligid.

‘Gising na kaya si Sara?’ Muli ay naramdaman ko ang magkahalong kapayapaan at pagkabalisa sa tuwing maiisip ang dalaga.

‘Makikita ko kaya siya sa palengke mamaya? Itatanong ko kung anong oras siya pupunta sa plaza para maaga ako makauwi. Sabay kaming pupunta sa sayawan. Magiging masaya piyesta sa bayan ngayong taon…’

** ** ** **

BOOM!! Dagundong ng mga pagsabog, kasunod ay pagyanig ng lupa ang tila marahas na mga kamay ang humugot sa kaniya mula sa mga ala-alang inakala niyang limot na.

Mula sa pagkakadapa sa maputik na damuhan, isa-isa niyang panakiramadaman ang bawat bahagi ng kanyang katawan. Dama niya ang mga pasa mula ulo hanggang paa.

‘Ibig sabihin walang putol sa mga ito,’ patuya niyang naisip.

Sapat ang layo niya upang makaiwas sa mortar ng kalaban ngunit hindi siya ligtas sa naging puwersa ng pagsabog. Marahil ay nawalan siya ng malay at tumilapon sa putikan ilang yarda ang layo mula sa dating kinatatayuan. Maaari ring tumilapon muna siya bago nawalan ng ulirat. Anu’t ano pa man, gusto sana niyang balikan ang mga sandaling hindi niya ramdam ang sakit at kaguluhan sa paligid.

Labingpitong taon siya sa alaalang iyon. Panahon kung saan ang buhay ay payapa. Kung saan ang kaligayahan ay simple lamang, at ang bukas ay mas may katiyakan. Ngunit kung may katiyakan ang buhay noon, bakit hindi niya nahiwatigang mapapadpad siya sa gulong ito? Bakit hindi niya nalaman nang maaga na hondi na makababalik ang ama matapos pumalaot nang arawna iyon? Na ito ang magbabayad sa iringang wala itong partisispasyon? Kung talagang nakatiyak siya sa kinabukasan, hindi ba dapat ay nasa dagat siya ngayon, naghihintay at nananabik sa oras na kailangan na niyang dumaong at ibenta ang huli? Kung talagang nakatiyak siya, dapat ay kapiling niya si Sara ay ang dalawa niyang anak.

“Pimentel!” may tumatawag sa kanya. Sa lugar na ito, tila wala kang karapatan mag-isip. Walang karapatang tumakas kahit man lamang ang iyong diwa. Tila naiinggit ang mundo sa tuwing makakakita ka ng kapahingahan mula sa init ng sagupaan, sa lamig ng takot, sa amoy ng kamatayan.

Isang malakas na kamay ang nagbiling sa kanya mula sa pagkakadapa. Pagkatapos ay dinampot siya sa kuwelyo at hinila patayo. Hinawakan siya ng kamay na iyon sa braso at isiniksik sa dibdib niya ang M16 na hindi namamalayang hawak pa niya.

“Hindi ka dinala dito para matulog!” sigaw nito sa gitna ng walang tigil na putukan, sigawan at daing ng paghihirap. “Pmunta ka sa burol, bilangin mo kung ilan sila at saan sila galing, naiintindihan mo?! GO!!” tulak nito bago pa siya nakasagot.

Horres? Torres? Hindi niya alam. Ang tiyak niya’y kasama ito sa eroplanong naghatid sa kanila mula Zambales hanggang Davao. Ang misyon ay alamin kung gaano kalaki ang grupo at eksaktong lokasyon. Madali. Iyon ay kung hindi naging maingay ang sikreto sanang paglapag, dahlan para ang lokasyon nila ang malaman ng mga rebelled.

Tama. Si Horres ang nagutos nakunin ang atensyon ng mga rebelde malayo sa nilapagan ng eroplano, sa gayon ay hindi mabulilyaso ang nag-iisang exit point nila.

Tinakbo niya ang may kalayuang distansya patungo sa burol habang iniisip kungbakit nga ba siya narito. Bakit niya inilalagay ang sarili sa peligro?

‘Para hindi mangyari sa iba ang nangyari kay Itay’

Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Ilang hakbang patungo sa dalampasigan nang mapansin niyang nagkakagulo ang mga tao sa nag-iisang bangka sa pangpang. Nang mapansin siya’y agad nanilapitan ng lalaking kasama ng ama sa pangingisda, hated ang balitang bumago sa kanyang buhay.

Sinalakay raw sila ng mga armadong lalaki at sapilitang kinukuha ang lahat ng huling isda. Hindi pumayag ang kanyang ama na ibigay ang pinaghirapan. Anito’y kailangang makapag-ipon para upang makapagpaaral ng anak sa Maynila. Binaril ng mga lalaki ang kanyang ama gayundin ang laman ng dalawang bangkang kalapit nito.

“Nasa tubig ako para iayos ang lambat nang mangyari iyon kaya’t nakapagtago ako sa likod ng pinaka-malayong Bangka,” umiiyak na kwento nito sa kanya. “Nakita ko nang kunin nilang lahat ng aming pinaghirapan, pagkatapos ay inihulog nila sa tubig ang lahat ng--,” hindi na nito natapos ang sinasabi nang mapaluhod ito sa buhangin at sumuka dahil sa kalupitang nasaksihan.

Hindi niya tiyak kung ang ka-engkwentro nila ngayon ay siya ring responsible sa pagkamatay ng kanyang Itay sa Cebu, ngunit alam niyang marami nang inosente ang nagdusa dahil sa mga ito. Para sa kanya, walang pinagkaiba.

Humihingal na narrating niya ang burol. Hindi siya dapat nag-iisip ng kung ano habang nasa operasyon dahil delikado sa mga ganitong pagkakataon, ngunit hindi nya maiwasan isipin kung may kabuluhan ang ginagawa niya ngayon. Kaagad siyang pumuwesto sa likod ng nakausling bato kung saan tanaw ang kaguluhan sa ibaba habang ikinukubli ang saril. Gamit ang largabista, sinuri niya ang sitwasyon.

Nagulat siya sa nasaksihan.

Tatlong kabataang lalaki, mula sampu hanggang labinglimang taong gulang, ang may hawak na baril at pilit na nakikipagsabayan sa mga sundalo. Lubhang maliliit sila kunpara sa kambal niyang sina lexter at dexter na kapwa papasok pa lamang sa high school. Ngunit heto at mulat na sila sa karahasan ng mindo. Inagawan ng karapatang maglaro at magkaroon ng simpleng pamumuhay. Isinama sa labanang hindi nila lubos na nauunawaan.

Umihip ang hangin patungo sa burol, at hated nito ang nakasusulasok na amoy ng pulbura at sartiwang dugo. Hated ang ingay ng pagdurusa at mga sigaw ng depresyon. Mga palahaw na sumusunod maging sa paghimbing ng isang trenta y otso anyos na sundalo.

‘Paano pa kaya ang mga musmos na ito?’ naitanong niya sa sarili. Paano na ang mga batang isipan na dapat sana’y napupuno ng makulay na panaginip at may liwanag na pangarap, nginit ngayo’y nababalot ng mala-bangungot pamumuhay.

Habang pinamamasdan niya ang galaw ng mga ito, hindi niya mapigilang isipin kung sino ang naglagay ng armas sa mga kamay na dapat sana ay lapis at papel ang hawak. Sino ang nagturo sa kanilang pumatay sa halip na bumasa at sumulat? Ang kanilang ama? O naghihiganti lang rin sila?

Rin. Natitigilang ibinaba niya ang largabista. Naghihiganti lang ba siya?

Ginusto niyang maging sundalo matapos ang nangyari sa kanyang Itay. Ang lahat ban g paghihirap na dinanas niya ay para lamang makabawi sa mga taong umagaw ng malinis niyang pagtanaw sa buhay? O ang nangyari sa ama ang gumising sa natutulog niyang nais na makatulong sa pagbabago?

Ibinalik niya ang paningin sa ibaba, sa mga batang rebelde. Pagkatapos ay inisip niya ang pamilya sa Cebu. Inalala ang masasayang tawanan ng mga anak habang nagtatampisaw sa dagat, ang hakahak ng mga ito habang naglalaro sa ulan. Si Sara. Ang pagmamahal, paggalang at pagmamalaki na ukol nito sa kanya—at sa kanyang mga ginagawa.

At unti-unti siyang napantag.

Hindi na. Malaya na siya sa hinanakit ng nakaraan. Ito ang kanyang kapalaran. Ang tumulong para matigil ang karahasan at mapanatili ang payak na pamumuhay ng nakararami, lalo na ang kanyang pamilya. Ang isakripisyo ang mga araw na dapat sana’y kapiling ang mahal sa buhay, kapalit ang pakikipaglaban para maiwasang madagdagan pa ang mga inosenteng napapasama sa kaguluhan. Tulad ng tatlong musmos na iyon. Ito ang dahilan kung bakit siya narito.

At ang isiping hindi masasayang ang alinman sa kanyang mga paghihirap ang patuloy na gigising sa kanya sa umaga para harapin ang panibagong panganib. Marahil ay hindi gugustuhin ng nakararami na mabuhay sa ganitong kaguluhan, ang mabuhay na ang tanging paraan ng kasiyahan ay ang mga ala-ala ng nakaraan, at ang pagtakas na dala nito’y panandalian lamang. Ngunit sa buhay na ito niya kayang mapanatag. Na sa kanyang munting niyang paraan, nakagawa siya ng pagbabago.

Naisip niya, sundalo man o hindi, wala namang nakakatiyak sa mangyayari bukas. At ang lumaban sa digmaan ay maaari ring kasing delikado ng pagtawid sa lansangan.

Kaya’t, buo ang isip, sinikap niyang ituon muli ang pansin sa kilos ng mga tao sa ibaba. Kung gaano kalaki ang grupo at kung saan sila posibleng naka-kampo. Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman niya ang pag-iisa ng kanyang isip at layunin, at hindi niya inaasahan ang kagaanan ng loob na dulot nito. Hindi na siya maguguluhan sa kungano man ang kanyang pakay.

Natuklas na niya.

to tim!

Birthday Icons
Animal Icons
wish you all the best tantrum!

Kaibigang Tunay

Kaibigang tunay ay laging matapat,
ang tulong ay laan sa lahat ng oras.

Siya ay mabait at saka marangal
sa lahat ng saglit ay maaasahan.

Sa pangangailangan, siya'y laging handa
nang ang kaibiga'y hindi mapahiya.

Siya'y nakalaan kahit na magtiis
upang mapagbigyan, katotong matalik.

Kaibigang lubos, kaibigang tapat
ay kayamanan din ang nakakatulad.

Paglalakad

Milyon milyong milya,
Maghapo'y tinatahak;
Binibigyang pasakit
Mga binting walang imik.

Palibhasa'y ang tumoma'y
Lubhang mapait,
Kaya't damdami'y inilulunod
Sa dumi't pawis ng laman.

Ibang klaseng pagpapakamatay;
Sa iilang hakbang maibabaon
Mga butil ng pag-asa.

Underline

Sumulat
ang
lapis
at
malaya kong binasa,
alaala ng tuldok,
tahimik at payapa.....

eksena ni bunso


walang may sabing bawal ang gumawa ng eksena dito sa blog na to!
wala din nagsabi na bawal ang kung ano anong post
at tula lamang ang maaaring ipost!
kaya ito ako ngayon, gagawa ng isang eksena
upang gisingin ang mga kuya at ateng natutulog!




wala lang to!
gusto ko lang iparating sa mga makakabasa nito na:
miss ko na si kuya bakal!
miss ko na si kuya zkey!
miss ko na si kuya seph!
miss ko na si kuya kabute!
miss ko na si ate pen!
at miss ko na ang bolpen@kape!
sana magkachat-chat tayo ulit!
miss ko na po kulitan natin eh!
love you all!



elow po kila ate grace, ate joanne, ate saminella, ate gracemags, ate maj, kuya oliver, kuya tony, at kuya johnpaul!miss you too!


bawal magpost dito o mawala sa harapan tong post na to hangga't walang comment lahat ng mga pangalang nakalagay sa taas! that's an order!
[epal talaga oh - pagbigyan na po...minsan lang naman eh]

Umiiyak...Sumisigaw ang Lupa

Umiiyak ang lupa.
Tumatangis.
Bumabalong...
ang pulang luha ng paghibik.
May pagsamo't panambitan
ang mga bitak ng palayan
na naging libingan...

Sa dibdib niya'y sumisibol
sumasamo't humihiyaw
ang mga mga patak ng dugo...
itinigis nilang hamak
na nagtangkang sumigaw,
magtampisaw sa panganib;
maabot lang...matanaw lang
ang paglayang inaasam;
mula sa kalawanging tanikala
ng hinagpis at pagkatimawa.

Nagdadalamhati...
di maikubli ng ulilang bukid
na naging piping saksi
sa mga bangungot ng gabi..
ang tinig ng pagmamakaawa
niyaong mga nilalang
na sapilitang isinauli
sa sinapupunan niyang humihikbi.
Sa kandungan nya'y nagsiamot ng kandili.

Mga bayaning di kilala
walang mukha...
walang pangalan ni palatandaan.
Basta na lamang tinabunan
sa mababaw nilang mga hukay.
Ibinaong tila balaraw
sa naghihinagpis niyang dibdib.

Inalisan ng karapatang isalaysay
ang saloobin.
Nilagutan ng pangarap
na mabuhay ng tiwasay...

Umiiyak...sumisigaw ang lupa.

[i]"Tinatawag ko kayo...
o' mga anak kong nalagasan!
kayo na mga naiwang
nangaglugmok sa kawalan...
Nasaan kayo?
kayong mga tinakasan na ng tapang...
magsidalamhati kayot manambitan
Nakalibing ang inyong KALAYAAN!" [/i]

I craft a woman with a lace

I craft a woman with a lace
to fill my empty bowl,
just to retrieve the lively grace
where I had swear my vow.

Thus I had then traced her features
and formed an imagery,
and found comfort through live picture,
young at age; pure as she.

I seek her smile and purity,
her innocence as well,
this one I'd met in destiny,
lovely and so noble.

But then, at least, just for a while;
for she's not she and she's
herself, not the one so fragile,
and so I trudged amiss.

No daffodils nor lavenders
could trace the charm of her,
neither daisies nor a pecker
could resemble her lure.

So I lament the lost of bond,
may she come back, I pray.
For now I live in moribund
in which I live as prey.

Kontradiksyon sa Isipan ng Isang Aktibista

Nailahad na ang iyong pagkadusta.
Malaon nang naisatitik at nalimbag
ang mga kwento ng pagkatimawa...

Noon pa man...
nagtalsikan na sa mga pader
at duguang katsa,
ang mga titik ng pagtutol,
at lunggati para sa paglaya.

Sa mga balisbisan ay naroon ka...
Sa bawat rali at mga protesta.
Sa kandili ng mga anak-dalita,
naroon ka at kasama nila.
Sa bawat bungong nabasag,
sa mga walang malay na katawan
na nahandusay at walang-awang pinaslang...

Hindi ka nga alipin...
pagkat sa bawat himaymay ng mga ugat
ay nanatili ang pagnanasa,
ang paghihimagsik,
ang pagbangon at pakikibaka!

Libong ulit ka mang masugatan
hanggat makatitindig...
naroon ka.
Sa kaibuturan ng lugaming puso,
patuloy kang aawit para sa paglaya.
Papandayin ka ng bawat nilang pagsupil
at pagtatangka,
na mapatay ang lagablab sa iyong mga salita.

Malaon ng nailahad ang iyong pagkadusta.
Paulit-ulit ka rin lang bang maglilitanya?
Maghihimagsik laban sa sistema?
May nakikinig nga ba sa iyong mga salita?

Inaapuhap mo ngayon sa iyong gunita...
sa papatakas mong kapit sa prinsipyo
ng pagbabagong mapayapa...
ang sagot sa mga tanong na pilit kumakawala...
May katuturan pa nga ba ang iyong ginagawa?

May puwang pa nga ba ang di-marahas na pag-aalsa?

luha sa aking daraanan

ano to?
mga basa sa daraanan ko,
kahit saan man ako magpunta
hindi ko maiwasan
hindi naman umuulan
wala ring nagbuhos ng kung ano...
nakakapagtaka talaga
pag lapag ko ng telepono
nahilam na ko
ang hapdi ng aking mata
na nagpalabo ng husto ng aking pagtanaw
lalo na ng pag-iisip
na di ko alam kung saan matatagpuan...

I Need To Know

I need to know if youre my true friend,
will you be by my side until the end?
Can I tell you my secrets deep,
and trust them in your heart youll keep?
We are neither of us without our flaws,
can you accept mine as I will yours?
Ill be a shoulder to cry on when youre blue,
will you be there for me when I need you?
No matter how busy I will make time for you,
if you are busy will you make time for me too?
I will take your hand and comfort your tears,
will you hold me and soothe my fears?
I will give you joy and many warm smiles,
can we share that even across many miles?
I will not forget whats important to you,
will you remember whats important to me too?
With you my most favourite things Ill share,
If only I know do you truly care?
If you can accept me as I do you,
then I will know you are a friend most true.

Katawang Walang Ulo

may piping hinaing ang litrato,
ng hubad na katawang
walang ulo.

walang bakas ng dugo
na naiwan sa sugpungan
ng mga buto.

ipinagkait ang liwanag,
sa matang inilibing
sa semento.

wala na rin ang tinig,
na minsang nagtanggol
sa mga kuliglig.

katahimikan ang musika,
sa taingang sinaksakan
ng bomba't granada.

wala na ang kanyang ulo,
kaya't si katarungan
hindi na bistado.

to zkey!

CommentYou.com is your One Stop Shop


to Bong and Shamille Marasigan!
best wishes and more powers!
from bolpen@kape!

korona

Mapaghihilom mo ba ang sugat
ng lugaming puso?
Mapapalakas mo ba ito
gayong nais nang sumuko
sa pagkasiphayosa pangamba
sa pagkagiyagis na nagpapawala
sa natipong lakas na pantawid sana
sa mabatong landas ng pakikitalad
sa aandap-andap kong buhay?

anong hiwaga mayroon ka
kung sadya ngang ang samyo
ng mga talulot mong nagbibigay kasiyahan
at ang kariktan ng bawat mong mga kulay
ay may hatid ngang pag-asa.
Bakit di ko ito maramdaman?

Mayroon nga ba?
May hiwaga bang natatago
Sa taglay mong ganda
Upang ang kasawian koy
Iglap mong mapawi

Mapaghilom mo pa kaya
ang sariwang sugat
balantukan at nagnaknak
sa pagkasiphayosa pagluha
sanhi ng pagluluksa?

Hindi kita kailangan!!!
Ang taglay mong bangoy nakaliliyo

Ang kailangan koy makabalik
Sa kahapong kapiling ko pa
Ang babaing tanging minahal ko

Ang nag-iisang bulaklak sa buhay ko

querida

(alay sa mga number two)

Umaga,
Pigilan mo ang nagbabagang araw sa kanyang pagdungaw.
Huwag mong pahintulutan ang bawat nakasisilaw niyang sikat
Na sumaboy sa buong nahihimlay na kapaligiran.
Hayaan mong kahit ngayoy humaba ang nananahimik na gabi
At minsan pang pagharian muli ng buwan ang madilim na himpapawid
Sampu ng mga nagkikislapang bituin sa langit.


Sapagkat sa maikling pagkakataon lamang na ito,
Ang mga inaasam-asam koy matatamo.
At ang mumunti kong mundoy muling magpapatuloy sa pag-inog.
Hayaan mong sarilinin namin ang bawat ipinuslit na sandali
At nang ang mga masisidhing damdamin ay di na kailangan pang ikubli.
Sapagkat ang ganitong pagkakataon ay maaring di na muling maulit.


Gabi,
Huwag mong hayaang ipaghele ako ng antok
Kasabay ng init ng kumot na sa akin ay bumabalot.
At nawa'y iligtas mo ako sa pagkalunod sa mundo ng nakasusuklam na bangungot.
Hayaan mong sa makamundong realidad, kami ay saglit na bumukod
Upang ang kanyang damdamin sa akin ay malugod niyang ituon.
Sapagkat alam kong sa sandali lamang na ito, wala nang iba pa kundi ako.


Umaga,
Huwag kang maging maramot, ikay magparaya.
Huwag mong kitilin itong ligayang nadarama
At hayaang ang damdaming nauumid ay patuloy na pumakawala.
Sa huling pagkakataon akoy nagmamakaawa.
Naway pigilan mo ang iyong liwayway sa pagbuka.
Sapagkat sa paglaho ng mapagkandiling gabi,
Akoy patuloy na niyang lilisanin.

A poem for my friends

Whenever I needed someone to talk to
You were always there.
My eyes filled with tears, my heart filled with pain, and
You were always there.
There was no time when I had doubt
to come to you because
You were always there.
I could see in your eyes you wanted to help, and that you really cared.

Whenever I was down and blue
You were always there.
No matter my problems, are what was wrong
You were always there.
Whenever I felt like nothing matters
You were always there.

Now your gone, and I don't know what to do
I close my eyes and think of you, and how
You were always there.
It's hard to look at the pictures, and get memories of you
Can you hear me now
At night I pray, and I speak to you
I guess you were right when you told me no matter how far you were
You would always be there.
I know one day I'll see you again, but till then I have to say goodbye

Even though it hurts to hear your name, and speak of you
One thing I will always say is
You were always there.

Pagkamatay ng Ilaw

pagkamatay ng ilaw
sabay ng banayad na yapak ng
determinado mong paa
at marahang pagbukas pilit
ng pribadong pinto
daan sa pagkamulat ng aking diwa
sa madugong pintig ng dahas

putangina mo!

iniba mo sa akin ang kahulugan ng
ngiti sa paglapat ng yong laman
ngiti, sa itim na bakas
ng iyong mga kamay
ngiti sa pag-angkin ng hindi naman sayo
HINDI NAMAN SAYO!
ngayon, hindi na rin sa'kin...

at sa iyong walang damdaming pag-alis
ni hindi mo nilingon
ang pagkawasak na nagpahid
ng aking dugo sayong balat...
iniwan mo ang iyong kasalanang
mulat at lubog
nakatigil sa dilim.

Bughaw

matagal nawala
nagpaikot-ikot
sa mga kalye ng isipan
poot
galit
kawalan
mga sangkap
ng bughaw na tinta

bangungot

mabuti na lang
katabi kitang natutulog....

hinamon ko ang mga multo
at nais ko silang kausapin
tulungan ko ang bawat isa
iligtas ang kanilang kaluluwa....

mayabang!

lumabas ang isa
"may magagawa ka ba!!!"
sinundan pa ng tatlo,
lumabas ang lima pa
sa kung saan
hawak ako sa leeg..
mahigpit
pahigpit ng pahigpit...

may magagawa ka ba!!!

at may kandilang papalapit
humihinang liwanag
kapagdaka"y sumilaw
hanggang sa maging puti
tinatangay ako
ng ilaw na puti

huuungggg! ilabas mo na ang mga bata
ilayo mo na sila......

aaaaaH!haah...haah...!


mabuti na lang
katabi kitang natutulog.

sapatos

di ko sukat
pero nais kong isuot
pinilit ko sa paa
di ko alam
kung sobra
o masikip ang kipot
di ko na lang muna isusuot
baka ako matisod
maganda siyang tingnan
maporma....

pero teka,
pagkain na lang muna....

Salamat pt.2

ikaw ang nagbigay sa'kin ng bagong lakas...upang lumaban, humarap sa mga hamon ng buhay.


ikaw ang ang naging daluyan ng mga hinaing.....naging daan sa pagkakagising.


ikaw ang nagmulat sa mga bagong pananaw
na dati'y di maabot ng kahit man lang ng tanaw.


ikaw ang nagpasigla sa diwang matamlay
at naging batayan sa desisyon sa buhay


ikaw ang nagpadama sa akin na ako'y may halaga....at ako'y di kagamitan na pansamantala.


ikaw din ang nagpaluha sa akin ng lubos......................


lalo ngayon.... na tila kayo'y
unti-unti nang...


nauubos.

Ang pekeng manliligaw

Sabi mo
hanap mo seryosohan.
Hindi ko naman naramdaman.
Ang hanap ko
taong aalagaan ako.
Hindi
yung bubuntisin ako.

Tama lang na hindi kita pinagbigyan.
Tama lang na hindi kita
hinayaang
pumasok sa buhay kong
magulo na dahil
lalong gugulo kapag
pumasok ka pa.

Mas maganda nang
imahinasyon ka na lang.

Huwag ka nang pumasok sa
realidad ko.

Hindi ka karapat-dapat.

Paalam.

In-Love

Paano ba ma-In love? Pag nakita mo ang crush mo?
Ang classmate mo na gusto mong makasama?
O ang kaibigan mong laging nasa tabi?

Eh Masarap bang ma-In love?
Eh, ano ang feelings mo? Masarap nga ba?
Di mo ma explain ano! Put.chang damdamin ito!

Di ka yata mapakali, kahit matulog sa isang tabi.
Gusto mo lagi mo siyang nakikita,
Eh ikaw? Napapansin ba naman niya!

Eh Paano ba talaga ang ma-In love?
Gagawin mo ang lahat
Kahit alam mong niloloko ka lang!

Kahit alam mong dalawa kayo,
Payag ka paring magpaka gago!
O shit! Nabuntis ako!

Letseng damdamin to!
Nakakalito at parang ang gulo!
Paano nga ba ang ma-In love!

E Ikaw na-In love ka na ba?

Luha sa likod ng Anino mo

Dalawang taon na ang lumipas,
ako ay mistulang alipin na ginapos ng iyong
mala obrang pagkatao,
Nagkulay pula ang harapan ng aking buhay,
at parang ayaw ko ng kumawala pa kahit kailan...
Hindi ko inalintana ang mga bagyong wala nang
pinatunguhan...
Pagka't iyon ay pawang kathang isip ko lamang...
Ako ay nagbigay ng itim na kulay sa aking kapangahasan,
na ika'y aking makukulong sa bisig ng walang hanggan...

Dumating ang isang araw, akala ko ako lang ang reyna sa buhay mo...
Hinayaan kong magbigay daan sa totoong bugso ng puso ko,
ako ay nalunod sa init ng iyong pagmamahal,
hindi ko naisip ang aking kinalalagyan,
parang paraiso ang aking napuntahan..
isang lugar kung saan tayong dalawa lang...
malaya...
masaya..
ngunit.

nakarinig ako ng katok...
dalawang katok sa pinto...

at mabilis na bumalik sa akin ang lahat...

halos hinahabol ko po ang emosyon ko ng mga sandaling iyon...
muntik na...

muntik na..lintik ako...muntik na...

at sa marahan kong pagbukas ng pinto at pagpapatuloy sa pintuan ng isang kaibigan, hindi ko alam kung ano ang aking iisipin,
isa akong taong may prinsipyo noon...
nakalimutan ko na andun kapa sa loob ng maliit na laboratoryong iyon...

lumipas ang ilang araw at sa ako ay nagisip...
masyado palang marupok ang aking pagkatao...
binigyang liwanag ko ang aking mga pangarap...inisip ko ang sa tingin ko ay nararapat...

ako ay nagpaalam sayo sa paraan ng isang duwag,
mga letra ng teknolohiya ang ginawa kong daan
ako ay napipi sa pag amin ng aking tunay na dahilan
at dahil doon, tayo ay nagkalayo ng tuluyan.

dalawang taon na ang natapos,
hanggang ngayon hindi ko alam kung dapat ko pang balikan

tuwing ikaw ay aking nakikita, puro sakit at galit sa sarili ko ang aking nadarama

isang malaking pagsisisi ang aking laging naaalala...

bakit kita hinayaang mawala sa buhay ko noon habang andun kapa?

ako ay isa nang propesyonal nang tayo ay muling nagkatagpo,
isang kaibigan na lamang ang alam kong lagay ko sayo
ngunit sa pagtitig sa iyong mga mata alam kong talagang wala na,
masakit sa akin pagka't kahit kamay mo ay nawalan na ng pagsuyo...

Ilang araw pa ang lumipas, heto ako at panay ang asa..
na sana hanggang ngayon ako ay nasa isip mo pa...

pagkat alam kong kasalanan ko..kaya hindi ako makapalag...pero sana malaman mo na ang tanging dahilan noon...

ay ang aking pagkaduwag....

Kagat Sa Mansanas

bumagsak ang mansanas sa ulo ni Newton,
kumatok sa daigdig ang lamog na dunong.
mga dalubhasa't pantas inalipin ng agham,
nagmarka ang katas sa aklat ng kasaysayan.

hindi iilan ang naghangad,
kumagat sa mabunying prutas.
at hindi rin iilan ang nakisawsaw,
sa eksena nina Juno,Hera at Venus.
walang nakinig sa mga babala,
ng mga isinugo at mga propeta...
sa loob ng mansanas,
may nananahang ahas...

hindi magtatagal mabubulok ang mansanas,
tuluyang lalaya ang demonyong ahas.
ang Tore ni Babel ay muling itatatag,
at magsisilbing tungtungan ng mga mapaghangad,
at muling pipitas ng panibagong prutas...

...at duon sa dakong di-abot ng tanaw,
lumuluha si Adan habang nakadungaw.
pinagsisisihan ang kanyang sinimulan.

Isang liham

Hindi ko batid ang lalim ng dagat na inyong nilalangoyan.

Hindi ko maarok ang taas ng inyong kaalaman.

Hindi ko maunawaan ang lahat ng mga kaganapan.

Ngunit nais kong ipaalam sa inyo

Handa akong matuto kung inyong tuturuan

Handa akong madapa at bumangon.

Handa akong mahusgahan at mahirapan.

Kung sa ganyang paraan ako magiging mabuting nilalang.


Patawad

Paumanhin

Pasasalamat

Iyan ang nais ipahiwatig ng liham na ito.


Kalungkutan

Kahinaan

Kagalakan

Iyan ang damdamin ng liham na ito.

Paano ba ang magsulat?

di malaman kung saan mananatili
ang aking pag-iisip di mapakali;
patuloy ang pagbabasa ng tula
gawa ng iba't ibang kaluluwa.
katuwaan at paghanga ang nadarama,
ngunit di ba't kabilang ako
sa mga manunulang ito?
ako'y nagsusulat din pero...
sinusulat ko nga ba'y may kabuluhan
o titik lamang na pinagtagpi-tagpi?
may nabubuo bang kung ano sa 'king akda?
o basurang nakakalat lamang sa tabi-tabi?
paano ba ang magsulat?
sa nagsisimulang tulad ko,
pakiusap sa mga bihasa na
ako'y iyong pagtuonang pansin,
alayan ng unting oras na turuan;
nais kong matutong sumulat.

Ang Multo

Iniiwan niyang mabigat ang mundo
ng kanyang mga bakas
ngunit walang nakadarama.

Araw-araw, binabagtas niya
ang parisukat ng mga lansangang
di mapanatag, hinuhuli ang hugis
ng takaw-espasyong hugos ng mga tao.
Sa antigo niyang kawalan ay marami
na ang kanyang nakaulayaw:

mga estudyante
mga namamalengke
mga nakatanaw sa mga bintana ng bus
mga batang umiiyak dahil nawawala
mga naliligo sa esteromga nagja-japan
mga umuuwing lasing at nanbubugbog ng asawa
mga kalahating pokpok, kalahating pulitiko
mga magnanakaw
mga kumakalabit ng bagting ng gitara sa mga kabundukan
mga hari at reyna (ng sariling mundo)
mga anghel ng propaganda
mga binabagyo ng bagabag
mga nagra-rally
mga humahabi ng tula
mga nagbabalak magpatiwakal mga propesor ng literatura
mga raker kuno, pangkista kuno
mga konyo
mga kapwa niya multo.

Hindi siya nauubusan ng mapaglilibangan;
(hitik sa salamangka ang sintetikong siyudad)

Sa kanya ang bungisngis sa pagitan ng mga tsismis.
Ang mamisong dagdag sa lata ng bulag.
Kapag mapaglaro, ay pinapasok niya ang mga kumbento
at binubulungan ang mga madreng taimtim na nagdarasal.
Mapapamulat sila.

Minsan, kapag natatagpuang pinid sa pagkakahimbing
ang mga pinto
at nagniningas ang mga naiwang yabag
sa kalsada

ay may mararamdaman siyang tila pag-ugong,
kahalintulad ng pag-iral ng isang
pagbibigay anyo.
Sisiksik iyon at titigil
sa likaw na bahagi ng sarili,
marahan,
at magnanaknak na animo'y sugat.
Puspos ng lunggati sa nakaambang
na pagbuo ng laman.

wangis


pagpasensyahan at mahirap gayahin ang sariling kamay habang gumuguhit :)
-si pen palaboy po

ulap

kaylapit ko sa ulap
mga asul at puting kagandahan
nararamdaman ko
ang pagpintig ng aking puso
subalit wala akong marinig
iniwan ko ang mga anghel na walang pakpak
subalit dinig ko ang kanilang awit
itaas ko lang ang aling kamay
mahahawakan ko na ang langit

hindi ko tuloy malaman
kung ano ang mararamdaman ko
nais kong lumuha
matuwa at malingkot....

LAYA

may layang isinisigaw
ang patak ng ulan
ang agos ng ilog
laya rin ang tinutumbok
ganun din kaya
ang nais ipabatid?
ng mga mata kong
sa luha'y nagingilid?
kapag umaapaw
ang lungkot sa dibdib...

Melancholic Taste VS My Block

Dreams of nothingness in the midst
of nocturnal place, like the stillness of my body in my room.
nobody can peel off the melodic phrases i have in mind.
Catatonic Paranoia vs unemployed human being!
bodily dysmorphic or just a maluinguering psychopat!!!
retrogression or simply nostalgia from the paradise i've been to
4 years ago!
sweet blood sugar from our past makes me shiver.!!!
KOW!!!!YADAYADA.........................

Bigo (Basted)

Nang katukin ang Puso,
ng Pag-ibig na hiwaga.
Ang nadama ng Puso'y
mapapait na pagluha.
'Pagkat ang babaeng
Inibig ko pagkabata,
sa hibik ng puso'y
'di siya naniwala.

Akong ito'y hindi pa rin
nasiraan ng loob,
sa paglapit sa babaeng
sa akin ay napatampok.
Nawika sa sariling
baka ako'y sinusubok
kung tunay ngang pag-ibig ko't
walang halong pag-iimbot.

Dumating ang oras
huling araw ng pagdalaw
sa babaeng ngang sa akin ay napatampok.
Nang mamutawi na
katagang binitawan
bagsak ang balikat kong
nilisan ang kan'lang tahanan.

alak, yosi at ikaw

alak.
sa malamig at
mamawis mawis mong botelya
ako'y napapakapit sa tuwing ika'y dumadampi
sa aking mga labi.
sa bawat daloy
ng taglay mong kamandag
ay kakaibang mundo ang nararating.
langit sa kalagitnaan ng realidad.
hari sa sirko ng tagay at kampay.

yosi.
sa maputi't makinis mong katawan
at sa amoy mong nakakabaliw
sinusuko ko sa 'yo ang bawat oras
ng kasiyahan at katahimikan.
sa bawat hithit ng nakalalason mong gayuma
kakaibang ginhawa
ang nadarama.
tila tinatangay at napapadpad sa kawalan.

ikaw.
ang nag-iisa kong ikaw.
mundo ng sariling katinuan.
ilaw sa bawat kadiliman ng ating karimlan.
sa bawat hirap at ginhawa
nariyan ka at kaakibat.
binubura ang bawat luha
at pinapalitan ng walang 'sing tamis na saya.

alak, yosi at ikaw.
mga natatanging kakampi sa bawat giyerang sugurin.
subalit sa tuwing lango na sa kamandag at gayuma,
tila ako'y nakakalimot at tumatalikod.
bawat lagok ay mapapait na luha mula sa iyong mga mata.
bawat buga'y nagbibigay sa iyo ng pangamba.
bawat basyong itinataob,
bawat upos na nalulupos,
katumbas ay mga pangakong nadudurog.
hangad ko'y kapatawaran..
mahirap ma'y aking pipilitin
na ang alak at yosi ay i-isang tabi.
pasasaan pa't
lilipas din itong kabataan
at kusang itutwid ang mali..
ang pagkukulang ay pupunuin..
panahon lamang ang aking hiling
at lahat ng iyong lumbayay aking kikitilin..



1:15

on the shallow waters of my river
i float dumbfounded,
but even in such waters
my soul must struggle,
for it must sink ever so deeply
beyond my reach
towards uncertain depths;
only to discover that in my sorrow
my waters are never shallow.


3:00

the truthful confessions of a reflection
tell me not all lakes are calm,
not those fed by the waters of despair.
glassy surface,
its placid countenance belies inner whirlpools
that tear apart a destitute heart.


Saturday Morning

27 wounds and a word embedded on my wrists are all i needed for me to realize is that my only hope was taken away from me once again..why does it have to be always like this?why me?so much fo everything that i held on to..i am tired..tired of believing all the false hopes and broken dreams..i have become a skeptic..a skeptic who will never be the same old gullible person that i was..but i still need to know the reason of my being..the reason why the wind took him away from me..i need to understand for me to calm the beast that i have become..i need to understand for me to save myself from the horror that i might do to myself..


at least for now..saturday morning07/07/07


ZKEY:

The beast inside was the beauty that sleeps between you and me Last saturday morning!!!

http://www.kauste.blogspot.com/

Pen Palaboy:

but the beauty that laid between you and I can no longer be seen..for these naked eyes can only see what is the wicked and what is unwanted..for this emotion can only feel angst and bitterness..this is my sweet revenge..this is what i have become since saturday morning..



ZKEY:

I was once blinded by the promise of blood and even tasted the kiss of ogre.If my words and poem can't save you from the beast that lives inside of you. I'll cry an endless masterpiece that paints the sweet revenge of a one dead poet. AhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhHHHHHHH

Pen Palaboy

If thy scream can serenade
the soul of the beast inside a helpless poet..
then maybe,
just maybe,
a glorious serenity
will blow the arms of these hands
and calm the horror within