pagkamatay ng ilaw
sabay ng banayad na yapak ng
determinado mong paa
at marahang pagbukas pilit
ng pribadong pinto
daan sa pagkamulat ng aking diwa
sa madugong pintig ng dahas
putangina mo!
iniba mo sa akin ang kahulugan ng
ngiti sa paglapat ng yong laman
ngiti, sa itim na bakas
ng iyong mga kamay
ngiti sa pag-angkin ng hindi naman sayo
HINDI NAMAN SAYO!
ngayon, hindi na rin sa'kin...
at sa iyong walang damdaming pag-alis
ni hindi mo nilingon
ang pagkawasak na nagpahid
ng aking dugo sayong balat...
iniwan mo ang iyong kasalanang
mulat at lubog
nakatigil sa dilim.
Pagkamatay ng Ilaw
Sinulat ni:
Maj
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment