Photobucket

Luha sa likod ng Anino mo

Dalawang taon na ang lumipas,
ako ay mistulang alipin na ginapos ng iyong
mala obrang pagkatao,
Nagkulay pula ang harapan ng aking buhay,
at parang ayaw ko ng kumawala pa kahit kailan...
Hindi ko inalintana ang mga bagyong wala nang
pinatunguhan...
Pagka't iyon ay pawang kathang isip ko lamang...
Ako ay nagbigay ng itim na kulay sa aking kapangahasan,
na ika'y aking makukulong sa bisig ng walang hanggan...

Dumating ang isang araw, akala ko ako lang ang reyna sa buhay mo...
Hinayaan kong magbigay daan sa totoong bugso ng puso ko,
ako ay nalunod sa init ng iyong pagmamahal,
hindi ko naisip ang aking kinalalagyan,
parang paraiso ang aking napuntahan..
isang lugar kung saan tayong dalawa lang...
malaya...
masaya..
ngunit.

nakarinig ako ng katok...
dalawang katok sa pinto...

at mabilis na bumalik sa akin ang lahat...

halos hinahabol ko po ang emosyon ko ng mga sandaling iyon...
muntik na...

muntik na..lintik ako...muntik na...

at sa marahan kong pagbukas ng pinto at pagpapatuloy sa pintuan ng isang kaibigan, hindi ko alam kung ano ang aking iisipin,
isa akong taong may prinsipyo noon...
nakalimutan ko na andun kapa sa loob ng maliit na laboratoryong iyon...

lumipas ang ilang araw at sa ako ay nagisip...
masyado palang marupok ang aking pagkatao...
binigyang liwanag ko ang aking mga pangarap...inisip ko ang sa tingin ko ay nararapat...

ako ay nagpaalam sayo sa paraan ng isang duwag,
mga letra ng teknolohiya ang ginawa kong daan
ako ay napipi sa pag amin ng aking tunay na dahilan
at dahil doon, tayo ay nagkalayo ng tuluyan.

dalawang taon na ang natapos,
hanggang ngayon hindi ko alam kung dapat ko pang balikan

tuwing ikaw ay aking nakikita, puro sakit at galit sa sarili ko ang aking nadarama

isang malaking pagsisisi ang aking laging naaalala...

bakit kita hinayaang mawala sa buhay ko noon habang andun kapa?

ako ay isa nang propesyonal nang tayo ay muling nagkatagpo,
isang kaibigan na lamang ang alam kong lagay ko sayo
ngunit sa pagtitig sa iyong mga mata alam kong talagang wala na,
masakit sa akin pagka't kahit kamay mo ay nawalan na ng pagsuyo...

Ilang araw pa ang lumipas, heto ako at panay ang asa..
na sana hanggang ngayon ako ay nasa isip mo pa...

pagkat alam kong kasalanan ko..kaya hindi ako makapalag...pero sana malaman mo na ang tanging dahilan noon...

ay ang aking pagkaduwag....

No comments: