Photobucket

Pagtakas?... Pagtuklas

Alas-cuatro na. Maya-maya lang, ang ingay na gumising sa akin ay masusundan ng ng amoy ng usok na galing sa nahamugang panggatong, halimuyak ng matapang na kape, at mga tunog na kaugnay sa paghahanda ng mesa. Gising na si Inay.

Umingit ang katreng aking kinahihigaan. Tila protesta sa bigla kong pagbiling, patalikod sa kaabalahang nagaganap sa labas ng aking kuwarto. Balak ko pa sanang umidlip nang kaunti bago ko kailanganing salubungin si Tatay sa aplaya, nang katokin ni Nana yang dingding na naghihiwalay sa kusina at sa aking silid.

“Alam kong gising ka na,” sita nito mula sa labas. “Tuamayo ka na riyan at isilong mo yung panggatong. Kabilin-bilinana ng ama mo na huwag pahamugan at kausok pag ginamit,eh.”

“Oho,” tanging sagot ko.

Ilang sandali pa ay handa na akong umalis patungo sa tabingdagat para tulungan di Itay sa pagdaong.

“Sabihin mo saTatay mo dumiretso na sya ng uwi. Ikaw na lang ang magdala sa palengke ng huli niya, hane?”

“Oho.” Dala ang gasera, tinahak ko ang pamilyar na daan patungo sa dalampasigan. Ilang oras pa ay mapupuno na ang malawak na buhanginang ito ng patutuyuing posit at isda, ibibilad sa araw para gawing daing. Pero sa ngayon, sasamantalahiln ko muna ang samyo ng tubig-dagat at katahimikan ng paligid.

‘Gising na kaya si Sara?’ Muli ay naramdaman ko ang magkahalong kapayapaan at pagkabalisa sa tuwing maiisip ang dalaga.

‘Makikita ko kaya siya sa palengke mamaya? Itatanong ko kung anong oras siya pupunta sa plaza para maaga ako makauwi. Sabay kaming pupunta sa sayawan. Magiging masaya piyesta sa bayan ngayong taon…’

** ** ** **

BOOM!! Dagundong ng mga pagsabog, kasunod ay pagyanig ng lupa ang tila marahas na mga kamay ang humugot sa kaniya mula sa mga ala-alang inakala niyang limot na.

Mula sa pagkakadapa sa maputik na damuhan, isa-isa niyang panakiramadaman ang bawat bahagi ng kanyang katawan. Dama niya ang mga pasa mula ulo hanggang paa.

‘Ibig sabihin walang putol sa mga ito,’ patuya niyang naisip.

Sapat ang layo niya upang makaiwas sa mortar ng kalaban ngunit hindi siya ligtas sa naging puwersa ng pagsabog. Marahil ay nawalan siya ng malay at tumilapon sa putikan ilang yarda ang layo mula sa dating kinatatayuan. Maaari ring tumilapon muna siya bago nawalan ng ulirat. Anu’t ano pa man, gusto sana niyang balikan ang mga sandaling hindi niya ramdam ang sakit at kaguluhan sa paligid.

Labingpitong taon siya sa alaalang iyon. Panahon kung saan ang buhay ay payapa. Kung saan ang kaligayahan ay simple lamang, at ang bukas ay mas may katiyakan. Ngunit kung may katiyakan ang buhay noon, bakit hindi niya nahiwatigang mapapadpad siya sa gulong ito? Bakit hindi niya nalaman nang maaga na hondi na makababalik ang ama matapos pumalaot nang arawna iyon? Na ito ang magbabayad sa iringang wala itong partisispasyon? Kung talagang nakatiyak siya sa kinabukasan, hindi ba dapat ay nasa dagat siya ngayon, naghihintay at nananabik sa oras na kailangan na niyang dumaong at ibenta ang huli? Kung talagang nakatiyak siya, dapat ay kapiling niya si Sara ay ang dalawa niyang anak.

“Pimentel!” may tumatawag sa kanya. Sa lugar na ito, tila wala kang karapatan mag-isip. Walang karapatang tumakas kahit man lamang ang iyong diwa. Tila naiinggit ang mundo sa tuwing makakakita ka ng kapahingahan mula sa init ng sagupaan, sa lamig ng takot, sa amoy ng kamatayan.

Isang malakas na kamay ang nagbiling sa kanya mula sa pagkakadapa. Pagkatapos ay dinampot siya sa kuwelyo at hinila patayo. Hinawakan siya ng kamay na iyon sa braso at isiniksik sa dibdib niya ang M16 na hindi namamalayang hawak pa niya.

“Hindi ka dinala dito para matulog!” sigaw nito sa gitna ng walang tigil na putukan, sigawan at daing ng paghihirap. “Pmunta ka sa burol, bilangin mo kung ilan sila at saan sila galing, naiintindihan mo?! GO!!” tulak nito bago pa siya nakasagot.

Horres? Torres? Hindi niya alam. Ang tiyak niya’y kasama ito sa eroplanong naghatid sa kanila mula Zambales hanggang Davao. Ang misyon ay alamin kung gaano kalaki ang grupo at eksaktong lokasyon. Madali. Iyon ay kung hindi naging maingay ang sikreto sanang paglapag, dahlan para ang lokasyon nila ang malaman ng mga rebelled.

Tama. Si Horres ang nagutos nakunin ang atensyon ng mga rebelde malayo sa nilapagan ng eroplano, sa gayon ay hindi mabulilyaso ang nag-iisang exit point nila.

Tinakbo niya ang may kalayuang distansya patungo sa burol habang iniisip kungbakit nga ba siya narito. Bakit niya inilalagay ang sarili sa peligro?

‘Para hindi mangyari sa iba ang nangyari kay Itay’

Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon. Ilang hakbang patungo sa dalampasigan nang mapansin niyang nagkakagulo ang mga tao sa nag-iisang bangka sa pangpang. Nang mapansin siya’y agad nanilapitan ng lalaking kasama ng ama sa pangingisda, hated ang balitang bumago sa kanyang buhay.

Sinalakay raw sila ng mga armadong lalaki at sapilitang kinukuha ang lahat ng huling isda. Hindi pumayag ang kanyang ama na ibigay ang pinaghirapan. Anito’y kailangang makapag-ipon para upang makapagpaaral ng anak sa Maynila. Binaril ng mga lalaki ang kanyang ama gayundin ang laman ng dalawang bangkang kalapit nito.

“Nasa tubig ako para iayos ang lambat nang mangyari iyon kaya’t nakapagtago ako sa likod ng pinaka-malayong Bangka,” umiiyak na kwento nito sa kanya. “Nakita ko nang kunin nilang lahat ng aming pinaghirapan, pagkatapos ay inihulog nila sa tubig ang lahat ng--,” hindi na nito natapos ang sinasabi nang mapaluhod ito sa buhangin at sumuka dahil sa kalupitang nasaksihan.

Hindi niya tiyak kung ang ka-engkwentro nila ngayon ay siya ring responsible sa pagkamatay ng kanyang Itay sa Cebu, ngunit alam niyang marami nang inosente ang nagdusa dahil sa mga ito. Para sa kanya, walang pinagkaiba.

Humihingal na narrating niya ang burol. Hindi siya dapat nag-iisip ng kung ano habang nasa operasyon dahil delikado sa mga ganitong pagkakataon, ngunit hindi nya maiwasan isipin kung may kabuluhan ang ginagawa niya ngayon. Kaagad siyang pumuwesto sa likod ng nakausling bato kung saan tanaw ang kaguluhan sa ibaba habang ikinukubli ang saril. Gamit ang largabista, sinuri niya ang sitwasyon.

Nagulat siya sa nasaksihan.

Tatlong kabataang lalaki, mula sampu hanggang labinglimang taong gulang, ang may hawak na baril at pilit na nakikipagsabayan sa mga sundalo. Lubhang maliliit sila kunpara sa kambal niyang sina lexter at dexter na kapwa papasok pa lamang sa high school. Ngunit heto at mulat na sila sa karahasan ng mindo. Inagawan ng karapatang maglaro at magkaroon ng simpleng pamumuhay. Isinama sa labanang hindi nila lubos na nauunawaan.

Umihip ang hangin patungo sa burol, at hated nito ang nakasusulasok na amoy ng pulbura at sartiwang dugo. Hated ang ingay ng pagdurusa at mga sigaw ng depresyon. Mga palahaw na sumusunod maging sa paghimbing ng isang trenta y otso anyos na sundalo.

‘Paano pa kaya ang mga musmos na ito?’ naitanong niya sa sarili. Paano na ang mga batang isipan na dapat sana’y napupuno ng makulay na panaginip at may liwanag na pangarap, nginit ngayo’y nababalot ng mala-bangungot pamumuhay.

Habang pinamamasdan niya ang galaw ng mga ito, hindi niya mapigilang isipin kung sino ang naglagay ng armas sa mga kamay na dapat sana ay lapis at papel ang hawak. Sino ang nagturo sa kanilang pumatay sa halip na bumasa at sumulat? Ang kanilang ama? O naghihiganti lang rin sila?

Rin. Natitigilang ibinaba niya ang largabista. Naghihiganti lang ba siya?

Ginusto niyang maging sundalo matapos ang nangyari sa kanyang Itay. Ang lahat ban g paghihirap na dinanas niya ay para lamang makabawi sa mga taong umagaw ng malinis niyang pagtanaw sa buhay? O ang nangyari sa ama ang gumising sa natutulog niyang nais na makatulong sa pagbabago?

Ibinalik niya ang paningin sa ibaba, sa mga batang rebelde. Pagkatapos ay inisip niya ang pamilya sa Cebu. Inalala ang masasayang tawanan ng mga anak habang nagtatampisaw sa dagat, ang hakahak ng mga ito habang naglalaro sa ulan. Si Sara. Ang pagmamahal, paggalang at pagmamalaki na ukol nito sa kanya—at sa kanyang mga ginagawa.

At unti-unti siyang napantag.

Hindi na. Malaya na siya sa hinanakit ng nakaraan. Ito ang kanyang kapalaran. Ang tumulong para matigil ang karahasan at mapanatili ang payak na pamumuhay ng nakararami, lalo na ang kanyang pamilya. Ang isakripisyo ang mga araw na dapat sana’y kapiling ang mahal sa buhay, kapalit ang pakikipaglaban para maiwasang madagdagan pa ang mga inosenteng napapasama sa kaguluhan. Tulad ng tatlong musmos na iyon. Ito ang dahilan kung bakit siya narito.

At ang isiping hindi masasayang ang alinman sa kanyang mga paghihirap ang patuloy na gigising sa kanya sa umaga para harapin ang panibagong panganib. Marahil ay hindi gugustuhin ng nakararami na mabuhay sa ganitong kaguluhan, ang mabuhay na ang tanging paraan ng kasiyahan ay ang mga ala-ala ng nakaraan, at ang pagtakas na dala nito’y panandalian lamang. Ngunit sa buhay na ito niya kayang mapanatag. Na sa kanyang munting niyang paraan, nakagawa siya ng pagbabago.

Naisip niya, sundalo man o hindi, wala namang nakakatiyak sa mangyayari bukas. At ang lumaban sa digmaan ay maaari ring kasing delikado ng pagtawid sa lansangan.

Kaya’t, buo ang isip, sinikap niyang ituon muli ang pansin sa kilos ng mga tao sa ibaba. Kung gaano kalaki ang grupo at kung saan sila posibleng naka-kampo. Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman niya ang pag-iisa ng kanyang isip at layunin, at hindi niya inaasahan ang kagaanan ng loob na dulot nito. Hindi na siya maguguluhan sa kungano man ang kanyang pakay.

Natuklas na niya.

No comments: