Nang katukin ang Puso,
ng Pag-ibig na hiwaga.
Ang nadama ng Puso'y
mapapait na pagluha.
'Pagkat ang babaeng
Inibig ko pagkabata,
sa hibik ng puso'y
'di siya naniwala.
Akong ito'y hindi pa rin
nasiraan ng loob,
sa paglapit sa babaeng
sa akin ay napatampok.
Nawika sa sariling
baka ako'y sinusubok
kung tunay ngang pag-ibig ko't
walang halong pag-iimbot.
Dumating ang oras
huling araw ng pagdalaw
sa babaeng ngang sa akin ay napatampok.
Nang mamutawi na
katagang binitawan
bagsak ang balikat kong
nilisan ang kan'lang tahanan.
Bigo (Basted)
Sinulat ni:
Tony
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
di na bago ang mga salitang kabiguan at kaligayahan pag nagmamahal ang tao sa kung paano niya napapanghahawakan ang dala ay tila isang hiwaga ngunit di nya namamalayan na baka iyon ay bigay ng Maykapal pagkat higit kanino man Siya ang nakakaranas ng kabiguan at kaligayahan sa pagmamahal Niya sa atin...
may nagsabi na malaya kang sumulat sa kung paanong paraan, may tugma o sukat o malaya o tuloy tuloy hangga't mapatid ang hininga ng bumabasa...di ba't parang pagmamahal din...
Post a Comment